Chapter Twenty Five - Complete

280 17 1
                                    

ALEXANDRA'S POV

Nang matapos kaming kumain ay napagpasyahan namin na mamahinga saglit at tumambay sa may tabi ng dagat.

Sama sama kaming nakaupo at may bonfire sa gitna namin na ginawa ni Elijah.

Nasa kanan ko si Sam at sa kaliwan ko naman si Cayden na panay tanong kung nagiginaw daw ba ako.

"Are you sure?" Tanong nito kaya agad naman akong tumango. "Why did you wear it kase." Sabi ni Caleb na nasa gilid ni Cayden.

"Akala ko kasi maaga pa, masyado na pala ako nalibang kakalaro balak ko sana mag swimming kaso bukas nalang baka sipunin pa ako." Sabi ko na ikinatango naman ni Caleb.

"Kuha kita jacket?" Tanong ni Cayden na agad kong ikinailing. "No, it's fine." Sabi ko at tumingin sa iba naming kasama.

Naramdaman ko naman na ipinatong ni Sam ang ulo niya sa balikat ko kaya iniiwasan kong gumalaw.

Sila Isabelle, Sofia at Elice ay gumagamit ng phone samantalang sila Lucas, Shin at Liam ay nag aasaran. Si Oliver, Noah at Elijah ay nakikipag usap naman kila Ezekiel, Jake at Chris.
 
Lumipas ang gabi na puno ng tawanan at asaran. Hindi namin namalayan na 11 na pala ng gabi kaya napagpasyahan namin na bumalik na sa bahay para matulog.

Kasalukuyan akong nasa kwarto kasama si Sam. Nagbibihis na ako ng t shirt at short bago humiga sa kama.

"I'm so happy today." Nakangiti kong sabi habang nakatitig sa kisame. "Yeah, me too." Sabi ni Sam na kakalabas lang at bagong bihis na din.

Himiga ito sa kama at tumitig din sa kisame. "Can I sleep early? I feel so tired." Sabi ni Sam na agad kong ikinatango.

"Sure, I'll play nalang." Sabi ko na ikinakunot ng noo ni Sam. "How? You don't have computer here." Nang sabihin nito ni Sam ay agad akong natawa.

"I have this three." Sabi ko at ipinakita ang Tablet, phone at Nintendo na dala dala ko.

"Fine fine fine, enjoy." Sabi nito at nagtalukbong na ng kumot.

Buhay naman ang aircon kaya ayos lang na magtalukbong siya. Ako naman ay inopen na ang tablet para makapaglaro na.

Isinuot ko ang headphone ko at nagsimula ng maglaro.
               
                  
~2 AM~
             
            
Naramdaman Kong medyo humahapdi na ang mga mata ko kaya pinatay ko na nag tab ko at inilagay sa table kasama ng Nintendo at headphone ko.

Napagpasyahan kong lumabas dahil medyo hindi ako mapakali. Kinuha ko na ang phone ko saka lumabas ng kwarto.

Dumiretso ako sa kwarto nila Cayden at binuksan ang pintuan. Hindi naman sila naglolock ng pinto dahil minsan kapag may nightmares na nangyayari sakin pumupunta agad ako sa kwarto nila.

Nakita kong natutulog na si Caleb habang si Cayden ay nag cecellphone pa.

"Bakit gising kapa?" Takang tanong ko dito dahil bibihira lang magpuyat si Cayden.

Gulat naman itong napatingin sakin. "May pinapanood kasi akong series." Sabi nito kaya agad akong tumango. "Hindi na kita tatanungin kung bakit gising kapa. Malamang naglaro ka." Sabi nito at pinatay ang phone niya.

"You want milk?" Tanong nito kaya agad naman akong tumango. "Tara sa baba, hanap tayo pagkain." Sabi ko at tumawa.

Tumawa naman ito saka kami sabay na lumabas ng kwarto at bumaba para makapunta sa kusina.

Nang makababa na kami ay nakita namin si Elice at Shin sa kusina na mukang may malalim na pinaguusapan kaya agad akong humawak sa laylayan ng tshirt na suot ni Cayden.

Touched By LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon