Chapter Thirteen - Mama's Birthday

223 18 0
                                    

KENSHIN'S POV

"Ma, we're here na." Sabi ko at pumasok na agad sa bahay na dala dala ang dalawang cake na gawa ni Oliver kagabi.

Bigla namang lumabas ng kwarto si mama at agad na napahawak sa kaniyang bibig. "I thought you forgot my birthday." Naiiyak na sabi nito kaya ibinaba ko agad sa lamesa ang cake at niyakap si mama.

"Happy birthday ma." Bulong ko dito at humalik sa pinsgi niya.

Sunod sunod namang pumasok sila Lucas, Elijah, Oliver, Peter, Liam at Noah dala dala ang regalo nila kaya mama.

"Happy Birthday tita." Sabay sabay nalang sabi na lalong ikinatuwa ni mama.

Nagsimula na itong umiyak at lumabas naman ng kwarto si papa. "Ano ba yan iyak nanaman." Pangaasar nito kaya mama. "Kaka bebe time lang natin kagabi ah." Tumatawang sabi nito dahilan ng pagtawa din namin.

Agad naman itong nilingon sila Lucas. "Where's Isabelle and Sofia?" Tanong nito kila Liam.

Agad namang napahawak sa batok si Liam. "They said they're going to bring someone daw." Sabi ni Liam at tumingin kay Lucas. "Kilala mo ba?" Tanong nito kaya Lucas.

Agad namang tumawa si Lucas at tumingin sa akin. "Secret syempre." Agad akong kinilabutan ng sabihin ni Lucas yun.

Hindi maganda ang nararamdaman ko dito ah.

"Dyan muna kayo, ipagluluto ko kayo." Sabi ni mama kaya agad na tumayo si Oliver. "I'll help po." Nang madinig ito ni mama ay sumangayon naman ito.

Napatingin ako sa loob ng bahay at napagpasyahan na pumunta sa kwarto.

Nang buksan ko ang pintuan ay agad akong tumango sa drawer ko para makita kung nandito pa ang headphone na iniwan sa akin ni Alex.

Hindi ko ito nakita sa drawer ko kaya binuksan ko ang closet ko at agad ko naman itong nakita.

Katabi nito ang stuff toy na pusa na may hoodie kaya kinuha ko ito.

"How are you little Alex?" Tanong ko sa stuff toy.

Ibinaba ko din ito at agad na tumayo para hawiin ang kurtina. Agad akong napatingin sa kwarto ni Alex.

Nakahawi ang kurtina nito kaya kitang kita ko ang loob ng kwarto nito.

Napaka linis at napaka ayos ng kwarto na to. Palagi kasi itong nililinis ni tita sa sobrang pagka miss nito kaya Alex.

Minsan ay sila Pa ang nagtutungo sa California para bisitahin si Alex.

Sila na ang pumupunta kaya Alex dahil ayaw na nga umuwi dito sa Pilipinas ni Alex.

Napabuntong hininga ako sa ibinalik sa dati ang kurtina. Inilagay ko naman sa taas ang desk ang stuff toy na pusa saka ang headphone ni Alex.

Habang inaayos ko ito ay biglang pumasok si Noah sa kwarto ko. "Nandito na sila." Sabi nito kaya agad akong tumango.

"Ayusin ko lang to, susunod na din ako." Sabi ko na ikinatango naman niya. Lumabas na ito ng kwarto ko kaya nang maiayos ko ang stuff toy ay sumunod na din akong bumaba.

Pagkababa na pagkababa ko pa lang ay agad kong natanaw ang isang pamilyar na babae.

"Elice?" Pagtawag ko dito. Agad naman itong tumingin sa Akin at ngumiti. "Oh hi Ken." Masaya nitong bati sa akin at agad na kumapit sa braso ko.

Agad naman akong napasimangot at tumingin kay Lucas.

"I hate you." I mouthed and look at Elice na inaamoy amoy pa ako.

Touched By LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon