Chapter Six - A day with the team part 2

266 17 0
                                    

ALEXANDRA'S POV

"Xandra!" Takot na sigaw ni Lucas at kumapit sa braso ko. Agad namang tinampal ni Shin ang kamay ni Lucas.

"Don't." Sabi nito kaya agad nmang tinanggal ni Lucas ang kamay niya. "So damot." Sabi ni Lucas.

Ibinaba ko naman ang mask ko saka kumain ng popcorn habang nakatuon ang atensyon ko sa pinapanood namin.

Inilabas naman ni Liam ang monopod niya at saka ikinabit ang phone niya.

"Picture picture picture!" Masayang sabi ni Liam.

Agad namang hinawakan ni Shin ang ulo ko at inilingon sa may camera. Agad akong nag peace sign kasabay ng pag flash ng camera ni Liam.

Naka ilang picture ito bago ibinaba ang phone niya.

Ibinalik ko na muli sa pinapanood ang atensyon ko. Kinuha ko ang inumin ko dahil nakaramdam  ako ng pagka uhaw.

Nakalipas ang isa at kalahating oras ay natapos na ang pinapanood namin kaya tumayo na kami.

"Kalat nyo." Sabi ko habang kinuha ang pinaglagyan ng popcorn at ng inumin.

Agad naman din nilang kinuha ang kanila. Napatingin naman ako kay Lucas na nangangatog.

"It's alright, hindi mo naman na makikita yung multo pwera nalang kung nasa kwarto mo yun mamayang hating gabi." Sabi ko dahilan para magtawanan ang lahat.

"Akin na lahat ng kalat nyo!" Sigaw sa amin ni Elijah kaya binigay namin sa kaniya ang kalat namin. Pinagsama sama niya ito at saka naunang lumabas.

"You good?" Tanong ni Shin sa akin. "Yup." Sabi ko at naglakad na din dahil hindi naman na madilim. Inayos ko ang mask na suot ko pati na din ang hoodie ko.

Sumunod naman na sila sa akin at nang makalabas ako ay agad na nanliit ang mata ko dahil sa liwanag.

"Who's hungry!?" Malakas na tanong ni Liam kaya nag taaasan sila ng kamay.

Isa isa silang tumingin sa akin kaya itinaas ko na din ang kamay ko.

"Alright." Masayang sabi ni Liam at naunang naglakad. "I'll treat you guys." Sabi ulit niya dahilan para magsigawan ang iba.

Ako ang nahihiya para sa kanila pero hindi ko maiwasang hindi sumaya.

Napahinto naman ako nang madaan kami sa isang clothe shop.

"Mamaya na tayo kumain." Sabi ko at pumasok na agad. Hindi ko na sila inantay pa na sumagot dahil kung ayaw naman nila susunod ako pagka tapos ko bumili ng madami pang hoodies.

"Wait, Alex!" Sigaw sa akin ni Shin kay agad akong lumingon.

Nasa loob na ako ng shop pati na din sila.

"Bibili ka dress?" Tanong ni Oliver na ikinatingin ng lahat. "What!?" Taka niyang tanong. "Babae din naman ni Xandra ah, bawal ba sya mag dress?"

"Oo nga naman." Pag sang ayon naman ni Elijah sa sinabi ni Oliver kaya lahat kami ay napalingon sa kaniya.

"What!?" Tanong nito habang unti unting namumula ang muka.

Natatawa akong umiling. "I prefer hoodies than dress." Nakangiti kong sabi at tumalikod na sa kanila.

Hindi ko malaman kung bakit nakasunod lang sila sa akin habang pumipili ako ng hoodie.

"Bakit ba kayo nakasunod sa akin?" Tanong ko sa kanila.

"Kung ano bibilin mo, bibilin namin." Sabi ni Noah.

Tumango nalang ako bilang pag sangayon. Kumuha ako ng plain na white, black at gray na hoodie saka pumunta sa t shirt section.

Touched By LoveWhere stories live. Discover now