thirty five

164 14 5
                                    

Sa sunod na araw, nagkasabay kaming pareho sa pagpasok. Hindi niya ako napansin kaya ako na mismo ang nagpapansin. Baka takasan na naman ako.

Ramdam ko pa rin hanggang ngayon ang malambot niyang mga labi. After he kissed me out of the blue, kumaripas siya ng takbo. Bagama't madilim, parang may night mode ang aking nga mata at nagawang makita ang pamumula ng kaniyang mukha. Ibang klase kung dumamoves ang babes ko.

Teka, kung siya ang nag initiate ng halik.. does that mean gusto niya na rin ako pabalik?

Oh man, asang-asa na naman ako nito. Matalino ako pero nagiging bobo ako sa pag-ibig. Confident ako, pero hindi ganoon ka confident para magsabing kami na. Alam kong hindi ako papaasahin ni Jihoon. Sa dami ba naman ng pinagdaanan namin kahit na hindi pa kami.

Speaking of the devil, lumapit ako sa kaniya. May nakasalampak na earphones sa kaniyang nga tainga kaya hindi niya narinig ang mga yapak ko. Without second thought, I placed my arm around his shoulder.

"Gago."

Natawa ako sa kaniyang pagbati. Ang gandang bati, kasing lutong ng chicharon. Siniko niya ako kaya naalis ko ang braso ko sa kaniyang balikat.

"Good morning, babes." bulong ko sa kaniyang kaliwang tainga. His eyebrows furrowed, nakabukas ang kaniyang bibig na animo'y mayroon siyang reklamo ngunit walang may lumabas na salita. It made my forehead crease.

"Morning."

Mahina man ngunit narinig ko ang kaniyang pagbati. Hindi ko mapigilang mapangisi. Mamaya ka talaga sakin, Jihoon.

Sabay kaming pumasok sa classroom, he proceeded to his chair beside mine. Na corner ako ni Jooheon, tae.

"Ano?" tanong ko sa kaniya. Mas lakong sumingkit ang kaniyang mga mata na para bang sinusuri ang sitwasyon ko. I pushed his arm away dahil naka-block ito sa dadaanan ko.

"Teka, naitanong mo ba kay Jihoon kung bakit siya nasa hospital?" pahabol ni Jooheon. I turned at him, tinignan ko rin si Jihoon. Mukhang 'di naman niya narinig. Muli kong ibinalik ang atensyon ko sa chismosong unggoy na'to.

"Oo, at hindi ko na sasabihin sa'yo kung anuman ang pinag-usapan namin," sagot ko sa kaniya.

He scoffed. "As if gusto kong malaman," aniya at umalis na. Siraulo.

Tumuloy na ako sa aking puwesto at maya-maya'y pumasok na ang teacher para sa unang subject.

Same old boring classes. Pagkatapos ng araw ay sabay naman uli kami ni babes lumabas. I went to the bicycle lot para kuhanin ang bisikleta ko. Akala ko aalis na siya pero sinamahan niya ako. Anong meron?

Kanina ko pa siya napapansin. Parang may gustong sabihin ngunit 'di niya masabi-sabi. Ang nangungusap niyang mga mata ang pinagbasehan ko.

Nang makuha ko na ang bisikleta ko, hindi muna ako lumakad. Tahimik lang siya habang nakatingin sa kawalan. I snapped a finger, na divert ang kaniyang mga mata sa direksyon ko.

"Kanina ka pa wala sa sarili mo." puna ko sa kaniya. I thought he's going to deny it but he sighed.

"May gagawin ka ba?" tanong niya.

"Wala, bakit?"

"Samahan mo ako."

Hindi ko na siya naitanong pa kung saan kami pupunta. The next thing that I know, nasa harapan na kami ng hospital kung saan siya nakita ni Jooheon.

I turned towards him, he let out a deep sigh before walking towards the front desk. Tahimik ko siyang sinundan hanggang sa makarating kami sa harap ng I.C.U. binasa ko ang nakapaskil na pangalan sa pinto— Noh Soonjae.

"He's been here for a year already."

Napalingon ako kay Jihoon. Nakatitig siya sa natutulog na katawan ni Soonjae. Kaawa-awa ang kaniyang atensyon, ang mga tubo na nakakabit sa kaniyang katawan.

Sa pag-open up sa akin kagabi ni Jihoon, kitang-kita ko ang pagsisisi sa kaniyang mga mata. It's not his fault, but he refused to accept it at mas lalong sinisi ang kaniyang sarili sa sinapit ng kaniyang kaibigan.

"Jae, I want you to meet Soonyoung. Kaya gumising ka na riyan, bumangon ka na at tutuparin pa na'tin ang plano mong bugbog sa kasintahan ko."

Teka..

"Anong bugbog?" tanong ko sa kaniya. He scoffed and shook his head.

Most importantly, kasintahan?

"Tayo na?" tanong ko sa kaniya. He diverted his attention towards me. Slowly, he turned his head away again, avoiding my gaze. Kitang-kita ko ang unti-unting pamumula ng kaniyang mukha.

"I wanted you to meet Soonjae, he can't miss me getting into a relationship."

Napaawang ang bibig ko. Tila naging "the man who can't be moved" ako, literal na nabato ako sa aking kinatatayuan. Todo kabog ang puso ko.

"Kwon Soonyoung," parang musika sa aking mga tainga ang pagtawag niya sa aking pangalan. Ang ganda ng kaniyang pagkakasambit sa aking mga pangalan. Ang swerte ko, Kwon Soonyoung ang pangalan ko.

Lumapit siya sa akin, tsaka lumuhod sa harapan ko. Nanlaki lalo ang aking nga mata. Ano ba?! magpopropose siya?!

"Mama, bakit siya nakaluhod?"

Napalingon ako sa pag segue ng batang paslit kasama ng kaniyang ina na napadaan. His mother apologized and quickly walked away.

"Mata sa'kin." rinig kong utos ni boss kaya napalingon ako sa kaniya. Nangangamatis na ang kaniyang mukha. May hinugot siya sa kaniyang bulsa.

Isang anklet na may gitara at tigre.

Marahas niyang hinila ang kaliwang paa ko, kaya kamuntikan na akong ma out-of-balance, buti na lang at napahawak ako sa dingding. Naramdaman ko malamig na anklet sa pagdampi nito sa aking balat.

"Promise me you won't break my heart." aniya, taranta akong napa..

"Y-yes!"

"Promise me that you won't look for another man nor woman."

"Yes."

"Promise me that you'll wear this anklet until the day that I die."

"I promise that I'll wear this until we get old, together." Sagot ko at lumuhod din para pantayan siya. I cupped his cheeks and rested my forehead on his.

"Promise me that you'll love me, until death do us part."

"I will love you, 'till our last I love you's."

"Then.." he paused and locked his gaze on mine,

"Kwon Soonyoung, my heart beats for you. Can you accept my heart and its every beat that screams your name?" 

Sumabog ang puso kong naghuhurumintado sa kaniyang tanong.

"YES. YES.. YES!"

Before he could even say something, I slammed my lips on his to seal our pact.

Noh Soonjae, I promise that I'll take care of your friend. Love him, cherish him, and accompany him for eternity.

_______________

Happy Ending | SoonhoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon