four

581 52 27
                                    

🌥

K.S.Y

Panibagong araw na naman para ako'y magkalat ng kagwapuhan. As per usual, nagpepedal ako hanggang sa marating ko ang eskwelahan.

I parked my bike on the bicycle area at saka kinandaduhan ito gamit ang chains and padlock na dala ko. Kumuha ako ng papel sa backpack ko saka nagsulat...

Note:

May cctv ang bike ko. Wag mo nang hanapin bobo ka.

-Soonyoung malupet

Idinikit ko ito sa harapan ng bike ko. Ganito ang ginagawa ko para hindi manakaw ang bike ko. Kahit na nakakandado na ito pero para masigurado lang na sa pagkatapos ng klase ay may bike pang naghihintay sakin.

Mahalaga si Carat sakin. Carat Kwon pangalan ng bike ko. Rawr!

Pagkatapos kong masiguradong safe na si Carat, naglakad na ako papuntang hallway kung saan makikipagkita daw sa'kin si Seokmin. Hindi ko alam kung anong katarantaduhan na naman po ang gagawin niya hahaha!


"Yow horse!" sigaw ko mula sa dulo nung mamataan ko siyang nakatayo sa harapan ng isang basurahan.

Pfft!

Narinig niya naman ang tawag ko kaya niya ako hinanap gamit ang kaniyang mga mata. I raised both of my hands up and did a wave, for him to see me.

Lumapit siya sa'kin saka ako hinatak palayo sa punong-punong hallway.

"Okay may sasabihin ako sayo" sabi niya saka hinawakan ang kamay ko.
Tinignan niya ako, mata sa mata...

"Soonyoung I.."

My eyes widened. Lee Seokmin...

"I'm sorry pero ayoko pang pumasok sa isang relasyon. Lalong-lalo na kung ikaw yung taong iyon" sabi ko sa kaniya bago pa man siya makapag-confess.

Hanggang best friend lang talaga ang tingin ko sayo beh.

Pare... mahal mo raw ako~

Charot.

Napaawang ang bibig niya. Alam kong shocking ito kasi alam kong may gusto siya sa'kin at hindi ko na iyon maibabalik. Alam kong shooky siya sa aking rejection.

"Masakit man pero makakapag-move on ka din" sabi ko saka tinapik ang kaniyang balikat.

"What the fuck Soonyoung" pagmumura niya na siyang ikinahinto ng aking pagtapik.

Eh?

Namura pa ako. Ayts.

"Gago ka ba. Sasabihin ko sana sayong magpapasama ako ngayong hapon! Dapak. Nakakalalake ka ah" sabi niya.

My eyed narrowed. Halos wala na akong may makita dahil sa singkit ng mga mata ko.

"Baket? Lalake ka ba?" pabalang na tanong ko sa kaniya.

"Hindi" sagot niya saka nakipagtagisan ng matalim na tingin sa'kin.

"Yun naman pala eh. Edi iisipin kong may gusto ka sa'kin! Kung hawakan mo ang mga kamay ko parang magtatapat ka amp!" sabi ko sa kaniya.

He rolled his eyes. "Nakalimutan mo atang may Jowa ako sa America. Ha. Kwon Soonyoung" sabi niya habang nakakrus ang kaniyang mga kamay sa harap ng kaniyang dibdib.

"Baka imaginary jowa" sagot ko sa kaniya.

"Pfft! Inggit ka lang kasi may Jowa ako. Ikaw wala? Laon lang?" pantutukso niya na siyang ikinasinghap ko.

Aba! Walang heeeya!

"At least virgin pa ako!" sagot ko sa kaniya. Medyo napalakas ang pagkakasabi ko nun kaya napatingin sa'min yung mga estudyanteng nasa paligid naming dalawa.

( O__O )

Oops.

"Oh my gosh. Virgin pa si Soonyoung?"

"Baka sinasabi niya lang yun?"

"Mahina siguro stamina niyan"

"Oops! Virgin"


Napa-igting ang aking mga tenga nung makarinig ako ng mga bulung-bulungan.

"At least virgin pa ako di gaya nyo!" sagot ko sa kanila. Ooff! Sorry kung may nahurt. Proud akong virgin pa ako. Lol!

Nagsibalikan na sa sila sa kanilang mga ginagawa. Nakakaistress sa kagwapuhan ko gosh.

"Tsk! Bago ka pa makagawa ng gulo dito mamaya nalang tayo mag-usap. Amp!" sabi niya saka ako iniwan.

Aba.

Napahinga ako ng malalim saka nagtuloy nalang sa paglalakad papunta sa classroom ko. I passes by a groupd of students. They greeted me and I greeted them back. Tas bigla kong narnig na sinabi nung isa na virgin pa ako.

Amp! Ang bilis!

Ano bang problema nila?

Kung nagbabalak sila, pwes wag na. Para lang sa mapapangasawa ko ang stamina ko HAHAHA!


Pumasok ako sa loob ng classroom at naabutan ko si Jihoon na nagbabasa ng isang comic book.

I skipped my way towards him and immediately grabbed the book up. "Hey!" reklamo niya saka tumayo para kuhanin yung libro ko.

Nakangisi lang ako habang tinitignan ko siya. Dahil sa mas mataas ako sa kaniya, kahit na tumingkayad siya'y di niya pa rin maaabot dahil titingkayad din ako.

"Ano bang problema mo" inis na ani niya.

"Good morning Jihoon. Asan ang sorry ko?" tanong ko sa kaniya. Nakatulog na ako't lahat-lahat na. Di ko pa rin nakukuha ang sorry ko amp!

"Sorry your ass" sagot niya.

"Ayaw mo mag-sorry?" tanong ko sa kaniya at lalong tinaas pa ang book.

"I've never said sorry in my whole damn life" sabi niya.

Napalaki ang ngisi ko at inilapit ang mukha ko sa kaniya.

"Edi kiss nalang. Game?"


Happy Ending | SoonhoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon