twenty six

350 25 4
                                    


Soonyoung

"Good morning bebe" bulong ko kay Jihoon pagkarating na pagkarating ko sa tabi niya. Hindi niya ako nakita dahil nakapikit ito.

Napabalikwas siya at kaagad akong pinakitaan ng ballpen niya. I stepped back dahil nagulat ako sa ginawa niya. Nakatutok sa akin yung ballpen niya at matama akong tinititigan.

"Woah woah. Kalma lang po tayo sa umaga okay?" sabi ko at ibinaba ang kaniyang kamay na may hawak na ballpen. Ang galing, talas ng reflexes niya ah.

"Wag mong gawin ulit yun. Buti at hindi kutsilyo ang hawak ko" sabi niya.

Umupo na ako at isinabit sa gilid ng desk ko ang bag ko. Kinuha ko mula sa loob nito ang tinapay na binili ko. Sana hindi pa siya nakapagalmusal.

"Oh" ibinigay ko sa kaniya ang tinapay at tinignan niya lang ito.

Hulaan ko kung anong sasabihin niya. 'Ano yan?'

"Ano yan?" ika niya at tama nga ang iniisip ko. Haha!

"Tinapay. Baka kasi hindi ka pa kumakain" sabi ko at inilapag sa mesa niya ang tinapay ko.

Kinuha niya iyon at kinuhanan ng balot. Pinanood ko kung paano niya kainan yung tinapay. At dahil kinainan niya na, sunod kong kinuha sa bag ko ang strawberry milk na binili ko sa mini mart.

"Oh panulak" sabi ko at inilapag sa lamesa niya ang gatas. He stared at me with confusion in his eyes.

I shrugged. "Anong utot ang nasinghot mo at ganito ka ngayon?" sabi niya at kinuha ang gatas. Bubuksan na sana niya iyon pero kinuha ko sa kaniya ang gatas.

"Oi—"

Tinusok ko ang straw at ibinigay ulit sa kaniya ang gatas. Kumunot ang kaniyang noo ang tumikhim siya bago ininuman ang gatas. Nice.

"Bale 1,645 Won lahat ng yan" sabi ko at inilahad ang palad ko. Nabilaukan naman siya dahil umiinom siya ng gatas nung sinabi ko yun.

"shit" mura niya. I laughed ang took out my tissue. Iniready ko na ito dahil alam kong mangyayari ito.

"Hinay-hinay lang kasi" sabi ko at pinahiran ang kaniyang bibig. Inilayo niya ang kaniyang mukha pero hinawakan ko ito at ipinagpatuloy ang pagpapahid.

Ang cute talaga ng mga labi niya. Pinkish na pinkish. Sarap halikan ulit. Hehehe!

"Tama na yan tsk!" sabi niya at kaagad na inilayo ang kaniyang mukha. Abot tenga ang ngiti ko habang tinitignan ang kaniyang namumulang mukha. Awe~ nagbablush po ang may crush sa akin.

Tinapos na niya ang kaniyang pagkain at akmang tatayo na para itapon ang mga basura, ngunit bago pa man siya makatayo ay kinuha ko mula sa kaniya ang nga itatatapon niya. I stood up and throw the garbages away, myself.

Bumalik ako sa aking upuan habang siya'y patuloy pa rin akong tinitignan. Hehehe! Ganiyan nga, saakin lang ang atensyon mo Jihoon.

"Oh eto ang bayad" sabi niya at inabot sa akin ang pera.

"Nope! Di ako tumatanggap ng pera" sabi ko at itinulak pabalik ang kamay niya.

"Anong— tae. Anong binabalak mo?" tanong niya.

I shrugged and smirk. "Wala naman. Isang kiss lang" sabi ko at tinuro ang nakanguso kong labi. Hehehe!

Sinamaan niya ako ng tingin at nagpakita ng kaniyang kamao. "Eto ang kikiss sa'yo, gusto mo?" sarkastikong tugon niya. I retreated and sighed.

Wala ba talaga siyang kilig cells sa kaniyang katawan? Siguro kung sa ibang tao ko ginawa ang mga ginagawa ko kay Jihoon, baka nasa hospital na sila at nangingisay dahil sa kilig. Hmp!

Tinignan ko siya ng maigi. Kagabi lang okay kaming dalawa ngayon back to normal na. Sus! As if di siya kinilig sa akin kahapon! Rawr.

Pero wait... bakit may violet sa kaniyang labi? At ngayon ko lang ito nanotice ha, kahit na nakatitig ako kanina sa mga labi niya.

Inabot ko ang kaniyang ulo at iniharap siya sa akin. Gusto ko lang kumpirmahin ang nakikita ko.

"Oi anong ginagawa mo?!"  inis na sabi niya at inalis ang kamay ko.

I narrowed my eyes kahit na singkit na singkit ako. "Saan ka pumunta kagabi?" tanong ko sa kaniya.

"Ha? Kasama kita. Tsk!" sagot niya na ikinakunot ng noo ko.

"Hindi, after our date. Where did you go?" tanong ko sa kaniya.

"Tanga ka ba? Eh ikaw naghatid sakin sa bahay" sagot niya at umiwas na.

"Tsk! Eh bakit may pasa ka sa gilid ng labi mo?" tanong ko sa kaniya at muli siyang iniharap sa akin.

I cupped his face and touched the spot. He hissed as his reaction. Napailing nalang ako. Inalis niya ng mga kamay ko sa kaniyang mukha at hinawakan ang labi niya.

Nang dahil sa kaniyang ginawa, napansin ko na rin ang band aid sa kaniyang kamao. Talagang napaaway ang babi ko.

"Sinong nakasagupa mo?" tanong ko sa kaniya.

"Wala to. Nalaglag lang ako sa kama kanina" pagdedeny niya at napaismid ako. Talagang ine-expect niyang paniniwalaan ko siya.

"Grabe naman yang pagkakalaglag mo. Kaya pati kamay mo may sugat" sabi ko sa kaniya at tinuro ang may sugat niyang kamay.

He looked at it for a moment and sighed. "Just shut up" sabi niya at inilayo ang kaniyang desk mula sa akin.

Masama bang magtanong kung anong nangyare sa kaniya? Curious ako... at concerned na rin! Syempre ayokong masaktan ang taong may crush sa akin!

Mukhang wala siyang balak na sabihin sa akin ang totoo kahit na alam ko na. I sighed and diverted my gaze elsewhere.

Aalamin ko na lang kung sino ang gumawa nito sa kaniya... and to help me with my— ehem, investigation kailangan ko ng back up.

Mukhang time na para makausap ko ulit sila.



——————

Happy Ending | SoonhoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon