twelve

457 51 11
                                    

KSY

"Alam mo?"

"Ano?"

"Masyado kang pabibo"

Napasinghap ako sa sinabi niya. Anak ng! Siya na nga itong iniligtas mula sa mga barumbadong mga taong yun! Tapos sasabihin niya pa akong pabibo ako?!

"Oh kita mo, ang OA mo pa" puna niya at tinuro saglit ang mukha ko. Nagkasalubong ang aking mga kilay.

"Ikaw naman napaka-ignorante mo" sagot ko sa kaniya na siyang ikinataas ng kilay niya.

"Ikaw na nga itong iniligtas, tas ganyan pa ang ibabalik mo? Huh! Kaya ayoko sa ugali mo. Masyado kang presko" sabi ko pa sa kaniya.

Hindi ko alam kung anong pinagsasabi ko dahil naiinis ako sa ugali niya. Una, hindi pa rin siya nakapag-sorry sa'kin after nung insidente ng una naming pagkikita. Pangalawa, pinapalagpas ko lang ang pagsagot-sagot niya! HMP! hindi marunong rumespeto sa gemini! Pangatlo, nasangkot ako sa mga pinaggagawa niya! At huli at alam kong hindi rin ito ang panghuli! Hindi siya nagpasalamat dahil niligtas ko siya.

Napaka taas ng pride!!

Mas mataas pa sa height niya!

GRRRR!

"Bakit? Sinabi ko bang tulungan mo ako? Ikaw lang naman 'tong bigla nalang sumulpot" sabi niya at ipinagkrus ang kaniyang mga braso sa dibdib niya.

I narrowed my eyes at him. "You're ridiculous" sabi ko sa kaniya.

He narrowed his eyes on me, "You're crazy" sagot niya sa'kin.

Punyeta.

Nakapa punyeta.

....

BAKIT ANG CUTE NIYA NUNG LUMIIT LALO ANG MGA MATA NIYA AT TINITIGNAN AKO NG MAPANGHAMON!!

Kwon Soonyoung! umayos ka! Galit ka sa kaniya galit ka!

"Damn" usal ko at binawi ang mga mata kong nakatitig sa kaniya. I heard him sigh.

"Look. I'm not in the mood to deal with your shits right now. Nor in the mood to see your ugly duck face. Kung hindi mo ako sana pinakealaman kanina edi sana hindi tayo nag-aaway ngayon" sabi ni Jihoon.

Nilingon ko siya, his face was neutral. Wala akong may mabasang kung ano sa kaniya. Mind reader ako sshhh!

"Alam nyo, kung mag-away kayo para kayong mag-jowa"

Napalingon kaming dalawa kay Seokmin na nakasandal sa poste. My eyes went wide for a moment. "Kanina ka pa diyan?"tanong ko sa kaniya.

Damn, papano niya nagagawang sumulpot nalang bigla?

"Mula sa paghatak mo kay Jihoon hanggang sa paga-away niyong dalawa" sagot niya and shrugged his shoulders.

"Geh. Iwan ko na kayo, nakakasawa kayong tignan ampapanget niyo" sabi niya pa saka naglakad papalayo.

I rolled my eyes and turned to Jihoon. Nakita kong nakatitig siya sa malayo. Parang may malalim na iniisip. Dahil curious cat ako'y sinundan ko naman yung tinititigan niya. Isang basurahan.

Wow.

"Ang sarap mong isilid sa basurahan" biglang sabi niya saka sinamaan ako ng tingin.

"Ang sarap mong sapakin" sagot ko sa kaniya.

He narrowed his eyes on me once again, "Ang sarap mong sakalin!" sagot niya.

I balled my fists and stepped forward. "Ang sarap mong sagasaan!" sagot ko sa kaniya.

He stepped back, "May kotse ka ba? duh! Ikaw naman ang sarap mong sunugin!" sagot niyang pabalang.

I laughed madly, I stepped until he's trapped on the wall. Nakita ko kung papano lumaki ng konti ang kaniyang mga mata.

Itinukod ko ang aking kamay sa dingding, "Ang sarap mong balibagin" sagot ko sa kaniya.

He glared at me, "Punyeta ka" sagot niya. I chuckled. Alam ko.

"Gusto kita"

Happy Ending | SoonhoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon