09: Saturday Date

477 57 1
                                    




— SATURDAY



I woke up still feeling quite uneasy because of what happened last night.

Katabi ko ulit si Gabb, nakayakap siya sa akin na para bang ayaw na niya akong bitawan. Kapag katabi ko siya, pakiramdam ko ligtas ako.

Napapaisip tuloy ako. Kailan kaya siya magiging totoong tao?

Sa ngayon, isa pa rin siyang robot at isa pa rin akong hopeless romantic.

Lumabas na ako para kumain ng almusal. As usual, maagang umalis yung mama ko papunta sa trabaho niya. Kami lang nina Abby at Gabb yung nasa bahay ngayon.

"Ang aga mo ngayon ah," wika ni Abby nang tumabi ako sa kanya. "Here, nagluto ako ng itlog."

Nilagyan niya ng kanin, bacon at itlog yung plato ko. Agad ko namang kinuha ang kutsara at tinidor para magsimulang kumain.

"Okay ka na ba from what happened yesterday?" Tanong niya, at bakas sa kanyang mga mata ang pag-aalala.

"Oo naman. Alam ko namang nandyan ka to always keep me safe— kasama na rin si mahal." sagot ko sa kanya.

Ngumisi siya dahilan para kumunot ang noo ko. "Oh, ano na naman? Bakit?"

"Tinawag mo na rin siyang “mahal,” you're so whipped for her na rin," natatawang sambit niya.

Oo nga pala, hindi ko namalayan.

Kinikilig na naman ako. Tsk, iba talaga ang epekto sa 'kin ng robot na yun.

Quickly rolling my eyes, I gave her no response. Nagpatuloy na lang ako sa pagkain. Maya maya pa ay lumabas na rin si Gabb mula sa kwarto.

"Good morning Abby! Good morning, mahal!"

Agad namang sinipa ni Abby yung legs ko sa ilalim ng table at kumindat pa. Ang lakas talagang mang-asar.

Umupo naman si Gabb sa tapat ko habang nilalagyan ko ng kanin at ulam yung plato niya. Nakita naman ni Abby yung ginagawa ko kaya mas lalo pa niya akong inasar, nakakainis.

"So, mahal..." panimula ni Gabb.

Ganon ba talaga kagaling magturo yung pinsan ko? Yung kilos at pagsasalita ni Gabb ay katulad na talaga sa totoong tao. Grabe, napapatulala na lang ako sa kanya minsan.

"Pwede ba tayong lumabas mamaya?" nakangiting tanong niya.

Ano ba namang ngiti yan, nakakapanghina.

"Kasama ba si—"

Gabb placed her pointer finger on my mouth, shushing me. "Hindi, tayo lang. Tayong dalawa lang."

Biglang hindi ako makahinga. Hindi na yata talaga normal 'tong nararamdaman ko.





The Girlfriend AppWhere stories live. Discover now