13: A Month Later!

477 51 0
                                    

TIME SKIP - ONE MONTH LATER!

———

Abby's POV



"Abbyyyyy!" Reklamo ni Gabb habang kumakain kami ng almusal.

Naglagay ulit ako ng sunny side-up eggs sa plato ni Coleen. Ngumiti lang siya at nagpatuloy na sa pagkain.

"Ano 'yon, Gabb?"

"Pwede bang ako yung magdrive kay Coleen papuntang uni?" Tanong ni Gabb.

Narinig naman 'yon ni Coleen at binigyan ako ng tingin na para bang nagmamakaawang payagan ko sila.

"Eh, wala ka namang lisensya!" Panimula ko, "At robot ka pa rin, 'di ba?"

Dahan-dahan naman siyang tumango.

"Then, no." 

"Ano ba 'yan. Ang KJ mo talaga!" Reklamo ni Coleen.

"Hindi naman sa ayaw kong ihatid ka niya, pero wala siyang lisensya. Better safe than sorry, okay?"

Napabuntong hininga naman silang dalawa at tumango.

Pagkatapos naming kumain ng almusal ay hinatid ko na si Coleen at sumama na rin sa amin si Gabb.



———



"Sinong ka-text mo, Coco?" Tanong ko sa pinsan kong nakangiti habang nakatingin sa phone niya.

Maaga siyang umuwi ngayon at nakakagulat na 'di siya nagpasundo. May gig kami ng banda kanina pero maaga naman kaming natapos, kaya nakauwi ako agad kaninang hapon.

Ang daming nangyari sa loob ng isang buwan. Sumikat na talaga yung MNL sa Pilipinas. Dati halos walang nanonood sa mga gig namin, pero ngayon punong puno na namin yung venue. And we will have our concert, soon.

Nasa dining table na kami para maghapunan, nasa business trip na naman si tita kaya kaming tatlo lang yung andito.

Si Gabb yung nagluluto ng hapunan namin ngayon, pero agad siyang pumunta rito sa sala dahil narinig niyang may katext daw si Coleen.

"May kausap ka, mahal?" Nagmamadaling tanong ni Gabb, "Hindi naman sa hindi pwedeng may kausap ka, pero sino?"

I laughed while Coleen rolls her eyes, and Gabb's still clearly concerned.

"Yie nagseselos!" I joked, winking at her. Gabb winks back whilst mouthing, "Oo, possessive ako."

Jusko, ang lalandi.

"Oo may kausap ako, sina Ella. Natatawa lang ako sa pinagsesend nila sa GC namin. OA niyo, lalo ka na, mahal." Natatawang sagot ni Coleen.

Maya-maya pa ay may naamoy kaming nasusunog mula sa kusina. Nagkatinginan pa kaming tatlo bago ako napasigaw, "Putangina yung niluluto mo, Gabb!"

Agad na tumakbo papunta sa kusina yung dalawa habang nanatili lang ako rito sa kinauupuan ko. Napailing na lang ako.

"Sorry na, mahal!" Gabb cries out, pulling Coleen with her.

Ang lalandi talaga. Pero napagtanto kong ako naman ang nagsuggest ng app na 'to.

Bahala na, ang importante naman ay masaya siyang kasama si Gabb.







The Girlfriend AppWhere stories live. Discover now