12: Lies Spreading Like Wildfire

577 52 5
                                    




Isang linggo ko na ring kasama si Gabb kaya napag-isipan kong gumawa ng social media accs niya para naman maging realistic siya. Ngayon, meron na siyang Facebook, Twitter and IG.

Ilang oras pa lang ang lumipas, ang dami na agad niyang followers sa twitter. Puro MNL fan accs.

At ang dami nang tweets na 'Hala ito yata yung jowa ni ate Coco' 'Ganda naman ng girlfriend ni Coleen'. Ang bilis talaga kumalat ng balita.

Ella found our accounts, too. She followed me on twitter and IG, naka follow din yata siya kay Gabb.

We're not that close, isang beses pa lang naman kami nagmeet. Nag-uusap kami sa text minsan pero wala lang, nagkakamustahan lang naman kami.

I posted a picture of Gabb sa IG niya, siyempre ako muna yung naghahandle dahil 'di ko pa natuturo sa kanya how social media works.

Maya maya pa ay nagcomment si Ella, 'Pogi naman niyan' with heart emoji pa talaga. So annoying.

Nilapag ko na lang yung phone ko sa table sa gilid at matutulog na lang ako, may pasok pa ako bukas.






"Puyat ka yata, lutang ka sa klase kanina eh." Brei links her arm in mine, papunta kami sa labas ngayon.

Absent kasi si Amy kaya kaming dalawa lang magkasama.

"Kaya pala hindi ka na nagpapasundo sa akin, hinahatid ka pala ng jowa mo tuwing umaga. Alam mo, namimiss na kita," binitawan niya yung kamay ko. "Ano nga ulit pangalan non? Si Gabb ba?" tumingin siya sa akin, at tumango lang ako.

Ramdam ko yung lungkot sa boses niya. Nakokonsensya ako. Kung dati ay halos doon na ako tumira sa bahay nila, ngayon naman ay halos hindi ko na siya nakakasama. Palagi na kasing si Gabb yung kasama ko.

"YIEEEEE! Kwento mo nga, paano ba kayo nagkakilala? Di mo man lang nabanggit sa akin, puro ka sikreto." she awkwardly laughed.

Bakit ganon? Parang hindi naman talaga siya masaya para sa akin.

O baka kung ano ano lang talaga iniisip ko.

Should I tell her the truth?

But I'm scared. This whole situation is... weird. Kahit ako mismo, hindi pa rin makapaniwala kahit isang linggo na ang lumipas.

At baka isipin lang niyang nababaliw na ako.

Lies spreading like wildfire, here we go.

Sinabi kong nagkakilala kami ni Gabb sa record shop three months ago, sinabi ko rin na last week lang niya ako tinanong kung pwede na ba niya akong maging girlfriend.

But the truth is, I just met her last week.

Ganito na lang ba talaga yung mangyayari? Para matakpan yung isang kasinungalingan, magsisinungaling ka na naman. Paulit ulit lang.



Maya maya pa ay nagtext sa akin si Ella.

Tinanong niya ako kung gusto ko raw bang maglunch with her, malapit lang naman yung schools namin.

"Brei, my friend texted me. Gusto mo bang kumain tayo with her?" I asked Brei.

Habang hinihintay yung sagot niya, I was just chanting this in my head:

Say no.
Say no.
Say no.
Say no.
Say no.

P L E A S E.

"Sure! Sino ba 'yan?" she smiled.

Awit.

"Si Ella."






Nang dumating na kami sa resto, nakita namin si Ella sa loob — naghihintay.

Narealize kong ang harsh ko pala sa kanya, baka sadyang mabait naman talaga siya.

"Ella!" I called her. She looks up from her phone and smiled.

"Hi, Coleen! Hi— uhm?"

"I'm Brei! Hi rin sayo."

We had a small chitchat then we decided to order. Nag volunteer si Brei na siya na lang daw yung oorder kaya sinabi na lang namin sa kanya kung ano bang gusto namin.

Habang umoorder si Brei, nag uusap kami ni Ella about random topics.

"So, yun na nga, I bought this thing and sabi nila 'Ano gagamitin mo yan!?' tapos I was like 'Oo, may problema ka!?' and then ayun, tumawa lang kaming lahat." kwento ni Ella, while giggling.

Chuckling, I gave her a smile.


Maybe, she isn't as bad as I thought? Ang harsh ko lang talaga sa kanya.





The Girlfriend AppWhere stories live. Discover now