CHAPTER 3

2.3K 74 0
                                    


Sofia POV

SAGLIT akong nagulat sa katunangan ni Lloyd sa akin,wala sa sarili akong lumingon kay Erick na hanggang ngayon ay nakayakap parin sa kanya nang mapansin kung bibitaw na siya ay agad ako umiwas sa kanya at tumitig kay Lloyd.Pinangkinitan ko siya ng mata.Alam kung may nais sabihin sa akin si Lloyd pero wag naman sana sa ganitong paraan.

Pilit akong ngumiti "O....okay lang naman" agaw hininga kung bigkas.Dahil hindi ko gustong may masabi ako sa kanya na ikagagalit sa akin ni Erick "And beside si Erick nga ay sigaw ng sigaw saiy___"

"How about you? You didn't shout my name?"

Puta!!

Palihim ako kumagat sa aking labi.Nanadya ba siya!!? Alam niyang may gusto ang kaibigan ko sa kanya at alam niya din kung paano magselos si Erick dahil saksi ako sa ginagagawa niya sa mga babaeng nahuhuli niyang nahuhumaling kay Lloyd,ganyan siya ka obsess kay Lloyd.Ramdam ko ang intesedad ng titig ng iba niyang kasama,alam kung pati sila ay naguguluhan.

Kaya agad ko hinablot ang braso ni Erick at pinaharap sa kanila "Hindi na kailangan si E-erick pa lang nga ay halos matalbugan na niya ang ibang estudyante"

"By the way,may magaganap na Party dahil sa pagkapanalo namin.Ano Erick? Sasama ba kayo ni Sofia?"para akong nakahinga ng magsalita si James.Isa sa mga kateam ni Lloyd.

Binalingan ko ng tingin si Erick na nakatitig na sa akin.Hindi na ako nagulat ng makita ko ang matalim niyang titig sa akin kaya ngumiti lang ako at pinisil ang pisngi niya.

"Hindi ako makakapunta"saad ko kay Erick habang pinipisil ang pisngi nito nang makita kong napangiwi ito ay agad ko itong binitawan.

"Why?"

"Hindi ako sanay sa ganyang mga pagsasalo.At marami din akong gagawin"

"Like?"

"Anong like? Alam___"

"Edi wag! Hindi naman kita pinipilit ehh!"

Napaawang ako habang tinitigan ang papalayo niyang bulto.Hindi ko alam kung bakit bigla siyang sumigaw,wala sa sarili ako lumingon sa gawi ni Lloyd na nakatuon parin ang paningin sa akin.Gusto ko siyang irapan pero peke lang ako ngumiti sabay talikod.Alam ko kung bakit ganoon ang inakto ni Erick dahil sa pagpansin ng crush niya sa akin,hindi ko iyon intensyon.Simula't una pamang pinakilala na ni Erick sa akin si Lloyd ay mga ilang beses ko na itong napapansing nagnanakaw ng tingin sa akin noong una ay akala ko ay para kay Erick iyon pero hindi.

Nilibot ko ang aking paningin sa buong sulok ng Gym ngunit kahit anino ni Erick ay hindi ko nakita kaya lumabas ako ngunit di korin siya makita.Mga ilang oras ko nang hindi nakikita si Erick.Parang maiiyak na akong nakalingon sa kesame ng kwarto ko,nakahiga ako sa sarili kong kama habang hawak-hawak ang phone ko.Hinihintay ko tawag niya kahit text man lamang.

Hindi ko akalaing makakaya akong hindi kausapin ng baklang iyon.Ngunit agad ako napatalon ng biglang tumunog ang cellphone ko at mabilis pa sa alas kwatro akong bumangon at umaasang si Erick iyon ngunit hindi ito nakaregister sa phone ko.

"Hello?" I ask but it remain silent "Hello?" Narinig ko ang pagbuntong hininga nito sa kabilang linya "Kung sino man ito hindi ko___"

"Bumaba ka muna saglit...andito ako salabas"

Agad ako natigilan ng marinig ko ang pamilyar at baritong boses na iyon.Hindi ako nakakamali kung kaninong boses iyon.

"Lloyd!!?"halos pasigaw kong saad "Ano nanamang kailangan mo?"

"Just go outside"

"No"

"Then,ako mismo ang pupunta dya__"

"Ito na! Baba na nga!!"

Saglit ko inayos ang sarili ko bago ko binuksan ang pintuan ng dorm ko.Alas-dyes na nang gabi at bawal na dapat ako ngayong lumabas pero masbawal pumasok ang lalaki sa dorm ng babae at kung nahuli kami ay masmalaki pa ang parusa ang matatanggap ko.Kaliwa't kanan muna ako tumingin bago inihakbang ang mga paa ko pababa.Sinuguro ko na walang magagawang kahit kunting ingay man lamang ang bawat hakbang ko.Nang makarating ako sa pinakamababang palapag ay agad kong sinilip ang desk ng gwardiya na nagbabantay sa building namin at laking pasasalamat ko nang napapansin kong natutulog ito.Kaya wala akong sinayang na oras at agarang lumabas.

Agad ko naramdaman ang preskong't malamig na hangin.Agad ako napayakap sa sarili ng makaramdaman ako ng lamig.Nakayakap akong nilibot ang paningin sa buong paligid upang hanapin si Lloyd maglalakad na sana ako ng may maramdaman akong presensyang naglalakad papalapit saakin at hindi nga ako nagkakamali na may tao sa likod ng may biglang yumakap sa akin patalikod.

Base sa amoy nito alam kung si Lloyd at hindi ako nagdalawang isip na itulak siya ngunit maslalong humigpit ang yakap nito sa akin na kinabahala ko dahil nahahalo sa mamahaling pabango nito ang amoy ng alak.

"Just stay for a while"

Saglit akong napatalon ng marinig ko ang napakalamyos nitong boses at tumama ang malamig nitong hininga sa leeg ko na ikinapikit ko.

"Ano bang kailangan mo?"pikit mata kong tanong ngunit wala akong natanggap na sagot kaya pipihitin ko sana ang mukha ko para tignan siya ngunit agad itong nagsalita na ikinatigil ko.

"Don't you dare to turn your head from me,Sofia or I can't control myself to kiss you"

-YUMEKO|√

When Gay Fall In love To The GirlWhere stories live. Discover now