CHAPTER 44

873 27 0
                                    

Sofia POV

BUONG araw kong hindi nakausap si Erick, huling kita namin doon sa cafeteria pagkatapos noon ay hindi ko na siya nahagilap pa. Pagod ako, habang naglalakad papunta sa dorm ni Erick ay iniisip kona ang malambot niyang higaan, gusto ko nang magpahinga.

Wala naman akong masyadong ginawa pero parang bagsak na bagsak ang katawan ko. Nang makarating ako sa pintoan ng dorm niya ay agad ko tinipa ang passcode, nang mabuksan ko ito ay agad akong pumasok. Saglit pa akong nagulat ng makita kung nakatayo sa may dingding si Erick habang nakaekis ang mga paa nito at braso, sa makikita ko ngayon ay parang sinadyang hinintay niya talaga ako.

"Mabuting naalala mo pang umuwi, Bruha" strikto niyang anid.

Bumuntong hininga ako bago sinirado ang pinto, lalampasan ko sana siya ng nagsalita nanaman ito muli.

"At ngayon ayaw mo nanaman akong pansinin"

"Wag ngayon Erick, pagod ako" mahina kong saad bago nagpatuloy maglakad.

Mga ilang hakbang palamang ay narinig ko ang mahina nitong mura sabay ng pagkarinig ko ang papalapit nitong yapak patungo sa akin. Hindi na ako nagulat ng agad niya ako binalot ng kanyang braso, agad niya binagsak ang kanyang ulo sa aking leeg and he inhaled my scent again.

"Mga kapatid mo ba talaga sila?" para bata niyang tanong.

Napapikit ako ng maramdaman ko ang mainit nitong hininga sa aking leeg na nagbibigay kiliti.

"Ano bang sabi ko?"

Maslalo niyang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin at maslalo niyang siniksik ang sarili niyang mukha sa leeg ko.

"Bakit ba kasi lalaki ang mga makapatid mo" mahina nitong bulong kahit gaano man iyon kahina ay rinig na rinig ko.

Umalis ako sa kakayakap sa kanya at taas kilay ko siya nilingon. Muntik na akong matawa nang makita ko ang panguso nito.

"May problema kaba sa mga kapatid ko?"

Baklang to.....

"Nakakaselos kasi" nakayuko niyang saad habang nilalaro niya ang sarili niyang daliri na para bang nahihiya siya sa sinasabi niya.

"Bakit ka naman nagseselos?" taka kung tanong sa kanya "Wag mong sabihin naiinlove ka sa mga kapatid ko?"

Gulat siya napatingin sa akin, pinigilan ko lang tumawa, para siyang batang pinagbintangan sa itsura niya ngayon.

"No!..." asik niya pero agad ito tumigil at yumuko muli "Nakakaselos na puro lalaki kasama mo"

"So, gusto mong sumama sa kanila, wag kang mag-aalala sasabihan ko sila na ikaw naman ang sasamahan nila"

"I'm not joking here, Sofia!"

"Hindi rin naman ako nagbibiro"

"Damn! Bahala ka nga!" agad ito tumalikod papasok sa kusina " Tang-ina, mabuti nalang kapatid mo sila baka kanina pa sila nakahandosay sa sahig" unggot niya pa

"As if naman kaya mo sila"

Nagpapadyak siyang tumingin sa akin "Sofia naman ehh, alam mo bang nababaliw ako kakaisip sayo, tapos makikita kitang maykasamang ibang lalaki tapos..." he stopped "...tapos nagseselos ako, tapos.....tapos mga kapatid mo palang mo iyon" maluluha siyang tumingin sa akin 'Hala para talaga siyang bata na inaway' ".....ano nalang ang sasabihin nila sa akin, minus points ako sa mga kapatid mo"

Dahil sa sinabi niyang iyon ay hindi ko mapigilang mapatawa. Sa sobrang tawa ko ay halos mapahiga ako sa sahig, hawak-hawak ko na nga ang tiyan ko dahil sa kakatawa. Tang-inang bakla tohh, makapagreact akala mong buhat-buhat niya na ang mundo.

"Stop it!"

Rinig kong sigaw niya, pero mga ilang minuto muna ako tumigil. Maluluha pa akong tumigil. At pigil tawa akong lumingon sa kanya. Inis niya akong tinitigan.

"Hindi kapa titigil?" magpagbabanta niyang saad.

Napakagat labi ako para pigilan ang ngising lalabas.

"Damn!" inis niyang saad bago umalis sa harap ko at nagpatuloy sa paglalakad paaalis.

Saglit paakong tumawa bago pumasok sa kwarto. Sa totoo lang masaya akong andito ang mga kapatid ko, masaya akong nalaman kung ligtas sila. And I know we're not already safe from the first place pa lamang.

Agad ko binagsak ang katawan ko sa higaan, nawala saglit ang pagod ko nang makita ko lang ang nakangusong mukha ng baklang iyon. Ughh, I want to sleep, antok na antok na ako. Hindi ako pumasok sa buong araw na klase dahil gusto ko makasama ang mga kapatid ko. I really miss them.

Nagising nalamang ako dahil sa ingay ng ringtone ng text message ng cellphone ko. Pilit ko iyong inabot habang nakapikit parin na sa pagkakaalam ko ay nasa may side table iyon ng higaan, nang hindi ko iyon maabot ay ngayon ko lang napansin ang mabigat na bagay na nakadagan sa akin. Pilit pa akong kumuwala sa mabigat na bagay naiyon. Nang tumigil ang tunog ay wala akong magawa kundi ang dumilat pero halos mapasigaw ako ng bumungad sa akin ang malalapad na braso ni Erick.

He possessively wrapped his hands into my waist, habang nakatanday naman ang hita nito sa aking hita. Ngayon ko lang napansin na nahihirapan akong huminga. Mga ilang minuto ako pa bago ako nakaalis sa mahigpit niyang yakap. Napahawak ako sa braso ko nang maramdaman ako ang pagkikirot nito dahil sa pwersahang pagtanggal ng mabibigat niyang hita.

Nang mahagip ng mata ko ang cellphone ay agad ko itong kinuha. Umayos ako ng upo ng makita ko ang pangalan ng nagpadala ng message

Bethoveen:|
If you read this, please go into the
gymnasium.

Wala akong sinayang na oras at agad ako kumilos. Hindi ko na ginising si Erick dahil saking pagmamadali. Nang makarating ako sa gym na sinasabi ni Bethoveen ay nagtaka ako sa maraming estudyanteng nagtapoktapok.

Hinanap ng mata ko sina Dee, nang mahanap ko sila ay agad akong lumapit sa kanila.

"Anong problema?" agad akong tanong.

Hindi sila nagsalita, ngunit sabay silang napalingon sa likuran ko at laking gulat ko nang makita ko si Tessmarie isa sa mga kaklase namin ni Erick na nakasabit sa basketball poll. Hubo't hubad ito, ni suot na pangloob ay ni wala. Mababakas sa mga sugat niya ay paghihirap sa kanya. Halos hindi ko na ito makilala kung hindi ko lang maalala ang bagong kulay ng buhok niya.

"Basahin mo ang nasa sahig"

Hindi ko nilingon kung sino ang nagsalita ng nilingon ang nais niya. Halos mapasinghap ako ng makita ko ang ilang piraso ng intestine ng isang tao. Patagal ko iyong tinitigan ay lalo kung napansin ang mga sulat na nakasulat, na kulay dugo.

This is not the ending, Players.
-BP

-YUMEKO

When Gay Fall In love To The GirlWhere stories live. Discover now