CHAPTER 46

890 31 7
                                    

Sofia POV

SA suot kong manipis na damit ay ramdam ko ang malamig na hangin na dumadampi sa aking balat. Malapit na magtago si inang araw dahil nag-aaway na ang dilim at ang liwanag. Nang dahil sa mga nangyari, lahat ng mga gawain sa paaralan ay kinansela kaya ang sobrang tahimik ng hallway.

Tahimik naming tinahak ang daan papunta sa opisina ni Ginoong Lorenzo. Saglit kong binalingan ng tingin si Dee. Seryuso ang mukha nito habang titig na titig sa daan. Alam kung nag-aalala siya kay Cath.

"Damn! Hawakan lang niya si Cath, makikita niya" napailing ako sa sinabi niya. Hindi na ako nagsalita pa.

Tumigil kami ng marating namin ang pinto ng silid ng aming guro. Kumatok ako ng tatlong beses bago binuksan ang pinto. Bumungad sa amin ang tahimik na silid, nakita agad namin ang nakaupong ginoo sa gitna habang busy sa pagsusulat. Nang mapansin niya ang presensya namin ay agad siya tumigil at prenteng ngumiti.

"Andito na kayo, maupo kayo"

"No! Hindi na kami magtatagal. Sinusundo lang namin si Cath" agad na sagot ni Dee.

Mas lalong lumapad ang ngisi sa labi ni Lorenzo na nagbibigay kilabot sa sistema namin. Agad kami napalingon sa likod ng makarinig kami ng kulabog, agad lumabas ang limang lalaki na puros itim ang suot.

"Well, I just wanted to welcome you for our new journey of our game" nakangising saad sa amin ni Lorenzo, hindi nanamin siya napag tuonan ng pansin ng agad sumugod ang kalaban. Lumapit sa akin ang tatlo, sa tinding katawan nila ay alam kung mga lalaki sila.

Pinatunog ko ang sarili kung buto, matagal-tagal nadin akong hindi napapalaban. Nang aambaan sana ako ng suntok ng isa ay agad ako yumuko habang nakainat ang kanan kung paa upang ambaan ang pagkakalaki niya, narinig ko ang mahina nitong daing habang hawak-hawak niya ang kanyang umbok ng sipain ko ito.

Agad naman sumugod sa akin ang dalawa, mabuti agad ako umiwas. Pinaulanan nila ako ng sunod-sunod na suntok kaya wala akong ginawa kundi ang labanan sila. Nang mga ilang minuto na ang nakalipas ay agad ako tumalon sa mesa kung saan nakaupo si Lorenzo, saglit pang nagulat ang ginoo pero agad ako lumapit sa kanya at pinalipit ang kanyang leeg.

Nataranta ang tatlong lalaki ng agad kong hinablot ang ballpen na panagsulatan kanina ng matanda.

"Lumapit kayo at papatayin ko ang gagong ito!" sigaw ko.

Agad sila napatigil ng sinubukan nilang lumapit. Maslalo kung hinigpitan ang pagkakasakal sa kanya. Napansin ko ang pagpula ng kanyang mukha at ang pagputi ng mga labi nito.

"Nasaan si Catherine?" nang hindi ito magsalita ay hinigpitan ko pa "Nasaan!?"

"I don't know"

"You didn't know?!" may panunuya kung sagot, sabay na pagkasabi ko ay ang pagturok ng hawak kung ballpen sa gilid na bahagi ng kanyang leeg na naging sanhi ng kanyang magkahimatay. Halos matumba ako ng inambaan ako ng isa sa isa. Ginagalaw ko pa ang sarili kong panga at napangiwi ako ng maramdaman ko ang pagmamanhid nito. Kaya agad ako sumugod sa kaniya pero hindi paman ako nakakagalaw ay may para isang karayom ang tumama sa akin sa bente. Agad ko iyon hinablot. Pagkahablot ko palamang ay agad ako naghina hanggang sa dahan-dahan akong natumba at nawalan ng malay.

"WANNA game?" Bethoveen ask me. Kasama nila sina Aaron at Christian pati ang kababata kung kaibigan na si Dee.

"Anong game?" singhal ko agad. Ayaw ko ng laro lalo't na ayaw ko sa ingay.

"Dali na. May nakita ako sa isang site" singit ni Christian.

"Maglaro kayo, wag niyo akong guluhin" asik ko habang nakatuon ang mga mata sa libro kung binabasa.

Napasigaw ako ng agad ako binuhat ni Aaron at Dee "Puro ka nalang basa, maglaro ka naman minsan Princess"

Pilit pa akong kumuwala sa buhat nila pero maliit ang presyento na makakababa ako. Wala akong ginawa kundi ang sumuko.

"Okay fine, just let me down!"

Agad sila ngumiti sa naging desisyon ko. Napabuntong hininga akong sumunod sa kanila at nakita ko silang lumapit sa laptop ni Christian.

"Dali-dali, bilisan niya. There was already 100 players on this game. There's a one rule and one ruled is just don't be died, amazing, wasn't it" manghang sabi sa amin ni Christian. Mahilig siya sa ganito, kaya gusto niyang maging detective. Paborito niya panoorin ang Detective Conan, sa laki na niya ay nanood pa ng Anime.

"Siguradohin mulang na masaya 'yan"

"Wag kang mag-aalala. Masaya to! Ito lang ang site na hindi ko man lang mahack!" saad niya habang may tinitipa "Dali!, ilagay niyo ang mga pangalan niyo!"

Sunod-sunod naming nilagay ang buo naming pangalan. Isa lang ang rule ng game, matira ang matibay, bawat players ay may kanyang-kanyang grupo, bawat grupo ay may taglilimang players, kaya pilit nila akong pinalalaro dahil kulang sila ng members.

Nakasulat padoon, na kung sino ang mananalo ay may tag sasampung milyon bawat players. And because of that fucking game, our world turn upside down.

Nagising na lamang ako ng maybiglang bumuhos sa akin ng tubig. Sa sobrang laming ng tubig ay napilitan akong dumilat kahit na masakit ang aking ulo. Kinain ng paningin ko ang madilim na lugar.

Agad ako gumalaw at hindi ko namalayang na nakatali pala ang sarili kung kamay't paa sa upuan na inuupuan ko ngayon. Pilit kung kumuwala, gusto kung sumigaw pero nakatali rin ang aking bunganga.

Napalingon ako sa harap ng marinig ko ang lagutok ng isang yapak ng sandals, papalapit ito sa akin. Lumiit ang mata ko upang pilit aninagin kung sino itong naglalakad, pero kahit ano mang gawin ko ay hindi ko ito maaninag.

Una kung nakita ang itim nitong sandals na may mataas na takong, dahan-dahan tumaas papunta hita nito, pataas ng pataas hanggang makita ko ang mukha nito. Saglit pa akong nagulat, pero agad ko iyon pinalitan ng malamig na tingin.

Lumapit ito upang tanggalin ang telang nasa bibig ko.

"Hi Sofia" nakangisi nitong wika. Ibang-iba siya sa pagkakilala ko sa kanya. Napangisi ako.

"Hello Catherine"

-YUMEKO

When Gay Fall In love To The GirlWhere stories live. Discover now