CHAPTER 13

1.9K 79 12
                                    

Sofia POV

"HEY! Are you okay?"bakas ang pag-aalala sa boses ni Erick kaya wala sa sarili ko binalingan ng tingin ang gawi niya "I called you many times but you didn't listen me"

Wala akong masabi,ayaw bumuka ng bibig ko dahil parang nawalan ako ng kaluluwa dahil sa kaba na nararamdaman ko ngayon.Hindi ko pinansin ang sinabi niya at muli kong tinitigan ang masion.Hindi ako nagkakamali.Ang bahay na ito! Ito ang bahay kung saan 'siya' nakatira.Wala sa sarili akong umiling-iling.Ayaw ko na! Hindi ko na gusto siyang makita!

Naramdaman ko ang mainit na palad ni Erick sa pisngi ko at dahan-dahan may pinahid sa pisngi ko.At doon ko lang napagtanto na umiiyak na pala ako.

"Why are you crying? I'm sorry na pinilit kitang sumama sa akin"

Napatitig ako sa mukha niya.Bakas dito ang pag-aalala at pagsisisi.Hindi ko mapigilang mapatanong.Kaano-ano 'niya' si Erick? Wala siyang sinabing may kapatid 'siya'.Gusto kong magtanong ngunit ayaw bumukas ng bibig ko.

Magsalita ka,Sofia! Pangangaral ko sa sarili ko.

"Kung ayaw mo talaga,aalis tayo...hindi na kita pipilitan basta wag kanang umiyak"

Hanggang ngayon ramdam ko parin ang panginginig ng katawan ko at pagbilis ng tibok ng dibdib ko.Gusto kong sabihin sa kaniyang aalis na kami dito ngunit baka sa huli pagsisihan ko ang sarili ko.Marami ng maitulong sa akin si Erick.

Umiling ako "Okay lang ako Erick.Siguro naging emosyonal lang ako.Hehehe" pilit tawa ko sa kanya kahit alam ko gaano na ako katakot.

Tumalim ang kanyang mga matang nakatingin sa akin "Hindi muna kailangang gawin____"umiling ako at pinutol ang sasabihin niya sana.

"Nope! Wala talaga!"pilit ngiti kong sabi sabay pahid ng luha ko.Kinuha ko ang braso niya at pinaharap sa bahay 'niya' "Bahay niyo ba to....ang laki naman" laking pasalamat ko na hindi ako nagkautal-utal "Tara pasok na tayo.Medyo pagod ako sa biyahe"hinila ko na siya.Ramdam kung tutol siya ngunit alam kong wala din siyang magagawa dahil malaki ang benepisyo niya.

Bumungad sa akin ang malahiganteng pintuan na gawa sa matibay na kahoy.Dahan-dahan ito binuksan ng dalawang kasambahay at bumungad sa akin ang nakakaagaw pansin na chandelier at grandeng hagdanan nito.Wala paring pinagbago parin sa lugar na ito.Sa lugar kung saan ako naging masaya ngunit naging sanhi ng bangungot ko.Parang kumikinang na ginto ang nakikita ko dahil mula sa kurtina ay malaginto na ito.

Dahil sa pagmumuni ay nahagip ng aking paningin ang isang pamilyar na pigura,ang mayordoma ng masion.Nakayuko ito.Napahigpit ang kapit ko sa braso ni Erick.

"Magandang gabi,Senorito at magandang gabi din saiyo...."dahan-dahan niyang inangat ang kanyang paningin sa akin.Nagulat ito ng makita ako,bakas iyon sa mukha niya "Se.....senorita"

"Where's mom and dad?"rinig kong saad ni Erick sa malaking boses.Hindi siya sinagot ng mayordoma dahil nanlaking mga mata ito nakatitig sa akin "Aling Kulit? What's problem?"doon siya nabalik sa ulirat at agad tinitigan si Erick.

"Sir?"

"I said,nasaan ang parents ko?"

"Na....nasa airport po" nakayuko nitong saad at pasimple itong sumulyap sa akin.

Nakita ko kung paano napakunot ang noo ni Erick "Bakit?"

"Susunduin po ka....kasi si......"hindi alam ni Aling Kulit kung ipagpapatuloy niya ang sasabihin niya o hindi?

"Who?"

Napalunok ang matanda at wala sa sariling napalingon sa akin.Hindi ko din napigilan mapalunok at maslalo kabahan sa susunod niyang sabihin.

"Sino,Aling Kulit?"

"Si S-senorito E-elton po"

Maslalo akong nakabahan at halos gusto ko nang bumalik sa campus.Nanginig ang buo kung kalamnam ng marinig ko muli ang pangalan na iyon.Elton.Elton.One of my dream but one of my nighmare.My Ex-boyfriend who's obsessed to me.

-YUMEKO|√

When Gay Fall In love To The GirlWhere stories live. Discover now