CHAPTER 45

894 27 4
                                    

Sofia POV

"Paano nila nalaman na....andito tayo?" agad na tanong ni Aaron ng makaupo kami sa may bench.

Hindi ako nagsalita, nakatingin lang ako sa ambulansiya kung saan ipinasok ang bangkay ni Tessmarie.

"That's bullshit!" saad ni Christian.

"We need to calm down, kailangan na matapos na natin ito" ani ni Dee

Nakakita ko sa gilid ng mata ko ang paghilamos ng mukha ni Bethoveen sa sinabi ni Dee "Indeed, I miss mother already" he mumble.

Wala sa sarili kaming napalingon sa kanya. Kita ko ang lungkot sa mga mata ng mga kapatid ko. Bethooven, Aaron, Christian and me is referred to as non-identical twins, fraternal twins for exact. Isang araw lang kami pinanganak, minuto lang ang nagbabase namin kung sino ang nakakatanda at kung sino ang pinakabunso. Bethoveen was the oldest and I'm the youngest.

Napayuko ako, yes, I missed my mom too. Mga ilang taon na ding hindi namin siya nakita dahil sa nangyari, ayaw namin madamay si Mommy kaya lumayo kami sa kanya.

Nahagip ng mata ko ang papalapit na bulto ni Erick kung saan kami nakaupo. Kita ko ang pag-aalala ng mukha niya.

"Damn! Are you okay?" agad na tanong niya sabay ng pag check sa akin. Tumango lang ako sa kanya, pero agad kumulo ang tiyan ko ng maamoy ko ang pabango niyo.

"Yuck! Naligo kaba, Erick?" agad na tanong ko habang pinapalayo ko siya sa akin.

"Hu?"

"Ang baho mo!"

Nagulat siya sa sinabi ko, agad niya inamoy ang kanyang sarili at tumingin sa aking may pagtataka.

"Ayos ka lang ba?"

Nang subukan niyang lumapit sa akin ay agad akong tumayo at lumayo sa kanya "Ano bang gamit mong pabango bat ang baho mo, nakakasuka!"

"Baby, ito ang paborito mong pabango para sa akin" nagtataka niyang sabi habang sinubukan niyang lumapit sa akin.

"No! Alis!"

Ang baho talaga, hindi ko ma explain kung gaano kabaho siya ngayon, parang gusto ko sumuka. Lumapit sa akin si Bethoveen, at niyakap.

"Princess, bat umiiyak ka?"

Agad ako naistatwa sa sinabi niya, wala sa sarili akong kinapa ang sarili kung pisngi at laking gulat ko na basa ito. Luhhh....anong nangyayari sa akin?

Agad tumayo si Aaron at agad kinuwelyohan si Erick "Anong ginawa mo sa kapatid namin?"

Napataas ang kamay ni Erick bilang tanda ng pagsuko "I didn't do something wrong"

"Ba't umiiyak siya!"

"Wa...wala nga!" taranta niyang saad hindi ko naman mapigilang matawa. 

Lahat ng atensyon nila ay nakuha ko, ewan ko pero parang naging emotional na ako. Para akong tangang biglang iiyak tapos tatawa. Umiling nalamang ako at umunang maglakad. Rinig ko pa ang pagtawag nila pero hindi na ako lumingon pa at pumuntang cafeteria at kumain.

Habang naglalakad ako papalapit sa entrance door ay may narinig akong nagsisigawan, agad ako lumapit kung saan nanggaling ang ingay pero hindi paman ako nakakalapit ay agad na nagtakbuhan ang iba kahit nagtataka ay agad ako lumapit.

Agad ako napasinghap sa aking nakita, nakita ko ang apat babaeng naliligo sa sarili nilang mga dugo. Halos masuka ako ng makita ko kung paano nakapalibot sa kanila ang sarili nilang kalamnan, hindi ko maitsura ang kanilang mukha ngunit ang nagpapaagaw pansin sa akin ay ang nakasulat sa sahig nanaman gamit ang sarili dugo ng mga biktima.

This is not the ending, Players.
-BP

ANDITO kami sa dorm ni Erick. Dito kami nagtapok-tapok. Hindi kami mapakali dahil nag-aalala kami na baka kami na ang susunod. I hate this feeling akala ko tapos na....pero hindi! Hindi ko alam kung may dulo paba ang larong ito. I can't take it anymore!

"Guyz! Look at this!" agad na sigaw ni Christian, agad niyang inilapag sa mesa ang isang pirasong papel, agad kami lumapit sa kaniya "Look, I discovered someting interesting"nakangisi niyang saad.

Si Christian ay hilig ang mga riddle, mahilig siyang magpalaki ng mga problema kaya minsan nakakainis siya.

"All of the victim was connected. From this girl Tessmarie and the other victims. Look!" agad niya itinuro ang mga nakapangalang nakasulat "From the first victim surname Gemang, then Isidro, Nazareno, Ong, and the last Oberes" saad niya " By looking at them may words na mabubuo and that was G-I-N-O-O"

"G-I-N-O-O?"

"Yes, I searched this one on google. Ginoo daw was a old-tagalog words, tawag sa matandang lalaki or minulan ng salitang Panginoon" pero may pagtataka naman niyang tinitigan ang nakasulat "But I don't get it, mean matanda o mataas na tao?"

"Sino ang may aring ng paaralan, Sofia?" tanong ni Bethoveen sa akin.

Agad ako lumingon kay Erick na malayo-layo ang agwat namin. Hindi na siya lumapit sa akin dahil kanina ay nagsusuka ako sa baho niya.

"Siya" mahina kong saad.

"Nope, my parents own the university"

"Wala ba kayong mga stakeholder sa school?"

"Wala, own ito ng magulang ko. They didn't needed some ka asusyo para sa university"

Hindi na ako nakinig sa kanilang pinag-usapan. Maslumapit ako sa nakasulat at initindi ang nakasulat. G-I-N-O-O. I think I heard this word before, saan ko nga ito narinig. Habang patuloy kong tinitigan ang sulat ay agad kung naalala ang pangalan na iyon. Magsasalita na sana ako ng agad tumunog ang cellphone ko bilang tanda na may pumasok na mensahe. Agad ko iyong tinitigan ng bago ko iyon basahin ay agad ako naglakad papalabas sana.

"Sofia, saan ka pupunta?" tanong ni Erick ng mapansin niya akong papalabas. Tumingin ako sa kanyan at ngumiti, kitang-kita kong nais niya lumapit pero alam kung pinipilit niya lang ang sarili niya.

"Babalik lang ako"

"No! Sasamahan kit__"

"Hindi na kailangan, saglit lang ako"

"Pero..."

"Princess, pano kung mapano ka?" saad ni Bethoveen.

Hindi na ako nagsalita pa at daling-daling lumabas. Sinenyasan ko si Dee na lumapit, may pagtataka naman itong lumapit sa akin.

"Si Dee nalang ang sasama sa akin para hindi kaayo mag-aalala"

Bago pa sila makapag react ay agad ko nang hinila si Dee papalabas.

"Teka saan kaba pupunta?"

Agad ko itinapon sa kanya ang cellphone ko "Basahin mo"

Kahit nagtataka ay waka sa sarili niya iyong binasa. Kita-kita ko ang pag-aalala sa mukha niya, he clench his jaw.

"What the meaning of this?"

"We need to save your beloved Catherine" mahina kung saad

Ginoong Lorenzo:|
Sa sandaling nabasa mo ito, alam kung...alam muna. Si Binibining Catherine pala ay andito, sana mapuntahan.

-YUMEKO

When Gay Fall In love To The GirlWhere stories live. Discover now