LVIII

6.9K 265 165
                                        

Engr. Hernandez

April 17, 10:39 p.m.

Hmm...
Alam mo ba may peklat ako sa tuhod?
Mga 1 inch siya

Peklat? Bakit?

Dati kasi pareho kami ng kuwarto ni Ate
Bunkbeds tapos sa baba ako
Gamit niya yung study table sa kwarto
Ayaw ko na rin kasi lumabas nun sa dining area
Takot kasi ako wala na akong kasama
Tapos patay na ilaw kaya sa kwarto ko na lang piniling gumawa. Sakto rin na nag-aaral si ate nun kasi may quiz siya kinabukasan. Malawak naman study table naming dalawa pero ang dami niyang libro at notebook na nakatambak kaya naisip kong sa kama na lang ako gagawa, may portable naman akong drawing table non kaya dinala ko na lang sa kama. Nakaupo ako sa sahig nun tapos ginawa kong lamesa yung kama, yung paa ko naman nasa ilalim ng bunkbeds.

Okay okay
Napi-picture out ko naman position mo that time

Ayun hahaha
Gumagawa ako ng draft ng plate ko nun
Tapos nag freehand ako ng ellipse kaso ang pangit
Kaya hanap ako nang hanap sa pambura ko
Hindi ko alam na may nakausling bakal sa ilalim ng bunkbed tapos namali ako ng galaw
Ayun, nasugat ako

Hala 😔
Ang sakit nun?

Hindi nagregister sa utak ko na masakit
Kasi nagulat ako na nahiwa ako
Tapos walang dugo

Walang dugo?

Nung una walang dugo
Dun ko lang nalaman na kulay puti pala yung ilalim ng balat ko. Nagulat ako nun kasi iniisip ko na may sugat ako kaso walang dugo tapos nung dumugo na dun lang nag sink in talaga sa akin na nasugat ako at masakit siya 😅
Naaalala ko nanginig boses ko nung tinawag ko si Ate nun dahil nasugat ako

Ano sabi ng ate mo?

Tinulungan ako agad ni Ate tumayo nun para pumunta sa cr at mahugasan agad yung sugat ko kasi di namin alam kung may kalawang yung bakal kaya ayun. Ang hapdi nun tapos nung dinala na ako sa ospital takot na takot ako dun sa surgeon kasi sabi niya itatahi daw para kung magpeklat, di gaano halata. Kaso takot ako sa karayom at injection
Buti may wound dressing sila kaya ayun na lang nilagay
Medyo hirap akong maglakad nun kasi parang may malaking band-aid sa tuhod ko tapos ang hapdi nung sugat

Nagpeklat siya?

Oo nagpeklat
Ayun lang din peklat ko

Hala :(

Pero ayos lang
Natutuwa akong nakikita ko siya
Kasi kahit nasugat na ako't lahat nun
Tinurukan pa ako ng anti-tetanus, mas inaalala ko yung plate kong kinabukasan na ang deadline
Ayun yung oras na wala akong ibang inisip kung di yung pag-aaral ko tapos wala akong pakialam sa sarili ko
Na hindi pala dapat. Nahirapan akong maglakad nun kaya wala akong choice na mag absent kinabukasan, kinausap ko na lang prof ko, buti na lang pumayag siya na late ako magsubmit. Di ko rin magawang tapusin kasi ang bigat ng braso kong tinurukan, di ako makagawa ng maayos

Pero ilang days bago ka nakapasok ulit nun?

Isang araw lang naman akong absent
Di lang talaga komportable saking maglakad nun
Kaso kailangan kong pumasok

Hay :(
Okay I see
How's your scar now?

Hindi naman na ganun kahalata peklat ko
Pero tuwing nakikita ko natutuwa na natatawa talaga ako
Medyo tanga rin kasi ako nun
Draft pa lang naman pero gusto ko agad maganda yung ellipse

Ganyan din naman ako tuwing may plate ako before
Pero mostly nagpapatulong ako kay kuya chigo
Siya kasi magaling mag drawing sa aming dalawa
Kay Daddy nga sana kaso sabi niya tapos na raw siya sa ganun hahahaha

Naaalala ko nga parating si chigo pinakamabilis matapos dati sa drawing class namin tuwing may exercises o kaya plates

Ang bilis nga magdrawing ni kuya eh
Parang ang dali lang kapag pinanonood ko siya
Pero kapag turn ko na, ang hirap pala :(

Mahirap naman talaga
Tiyagaan lang din

True

Chandra?

Yes?

Hindi talaga yun yung kwento ko

Ha?
What do you mean?

Hahahahaha

Pero totoo yung scar mo?

Oo naman totoo yun

Okay okay
Pero ano yung story mo?

Hindi ko kasi alam paano ko sasabihin
Kilala mo kasi sila

😮
Sino?

You Again (Love in Paris # 5)Where stories live. Discover now