LXXV

7K 277 382
                                        

Engr. Hernandez

April 22, 2:31 a.m.

Yuan
Are u still awake?

2:33 a.m.

Oo
Bakit?

Wala lang
Hello! 😅
Hindi ako makatulog

Pero inaantok ka na ba?

Not yet :(
Triny ko na uminom ng hot choco with milk
Kaso wala pa rin 😅

Iniisip mo pa rin ba yung orphan?

Hindi naman na

Sabi nila nakakatulong daw breathing exercises
Para mas mabilis makatulog

2:36 a.m.

Yuan

Bakit?

Can you tell me a story 🥺
Any story

Hmm
Okay sige
Nung bata ako madalas akong tumabi sa lola ko kapag matutulog na. Sabi sa akin noon ni Mama, tinatakasan ko raw sila sa kwarto nung maliit pa ako para lumipat sa kwarto ng lola ko. May time daw nun na may sakit si lola, pnuemonia ata yun o bronchitis, basta malala yung ubo niya kaya di ako pinatatabi, pero tumatakas ako kaso kukuhain din ako ni papa sa kwarto ni lola para ilipat sa kanila tapos umiiyak daw ako hahaha

Hala 🥺
Maka lola ka pala

Oo
Nung maliit pa raw kasi ako kapag may pasok si mama at papa kay lola ako naiiwan kaya kaming dalawa raw madalas magkasama, alam ko rin ang daldal ko nun kay lola. Sinusumbong ko pa nga ata sila mama at papa sa kanya nun tapos tatawanan niya lang ako hahaha naalala ko pa parati niyang almusal dati, kape tapos pandesal. Bawal ako sa kape pero kapag iniiwan niya saglit pagkain niya nakikitikim ako 🤣

Nahuli ka niya?

Isang beses
Pinalo ako, bakit daw ako nagkakape
Kaso masarap kasi yung pandesal na sinawsaw sa kape
Kaya pasimple din ako dati hahaha
Minsan din kapag tinatamad siyang magluto noon, nag-uulam siya ng chicharon tapos may katernong pinakurat na suka. Parati akong nakikihingi dun

Anong lasa nun?

Masarap
Ginagawa ko pa rin yun ngayon
Lalo nung college kapag sobrang tinatamad talaga ako
Kapag may nadadaanan akong nagtitinda ng chicharon, bumibili ako tapos uulamin ko

Try ko nga yun minsan

Sige sige
Dapat pinakurat suka mo ha?
Mas masarap din yun kapag garlic fried rice 🤣

Hahahahah okay

Namiss ko tuloy si lola

How is she now?

Ano, wala na siya
Inatake siya nung grade 1 ako

Oh :(
Oki sorry

Ayos lang
Matanda na rin kasi talaga si lola
Sakitin na rin siya nun

Oki oki

Alam mo ba

Ano yun?

Kasi teacher lola ko
Professor daw siya sa college
Nung una talaga gusto ko mag teacher
Kaso hindi ko rin alam kung may pasensya ba akong magturo hanggang sa napasok ako sa honors society nung college kami, may ilang beses na nakapag tutor ako nun sa ibang ka program ko na lower batch, nakakatuwa rin pala magturo, pasensya nga lang talaga minsan. Kaya nung inaya ako ng kaklase ko dati na mag part time sa school, pumayag ako.

You Again (Love in Paris # 5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon