CCLIX

4.2K 183 84
                                    

Chigo Imperial

September 12, 4:39 a.m.

Mahirap ba?

Ang alin?

Kasi diba iisa kayo ng tinutuluyan ni Una
Mahirap ba?

Tinanong din yan ni Chia sakin dati
Napag-usapan niyo na ba yan?

Hindi
Wala siyang nababanggit sa akin

Ahh
Akala ko napag-usapan niyo na
Hindi naman mahirap
Maraming compromise lalo na pagdating sa gawaing bahay pero ayun, hindi mahirap. Nakakagulat lang minsan
Kasi may mga habits at routine pala to si Una

Okay okay

Bakit mo pala natanong?

Napaisip lang ako

Aayain mo na ba kapatid ko ha 🤨

Hahahaha

O bakit natawa ka lang

Napaisip lang talaga ako
Di ko pa naman siya aayain sa ngayon kasi baka mabigla din siya, magtatanong din muna siguro ako sa kanya

Tungkol sa?

Opinion niya tungkol sa "living together"
Medyo malaking step kasi yon
Kaya sayo muna ako nagtanong

Ahh okay kaya pala
Pero diba mag isa ka dyan sa apartment mo?

Oo

Di ka ba napapanisan ng laway dyan
Mag-isa ka pa naman
Wala kang kausap

Minsan kapag di ako busy o napapaisip sa trabaho, nabuburyo ako kasi ang tahimik. Sinusubukan ko rin naman manood ng mga palabas dito para magpalipas ng oras kaso nauumay din ako agad. Dati kasi may kadaldalan ako sa apartment kasi nandun si ate eh

Okay gets ko na
Kaya ka pala napatanong hahaha
Mahirap din naman kasi minsan kapag mag-isa
Buti na lang kasama ko si kuya chiko nun

Malapit ko na nga kausapin sarili ko dito
Di ko rin naman makausap madalas si Chandra ngayon kasi busy din siya sa workshop saka sa gown ni Una, pagod na rin tuwing nakakauwi

Ahh
Kaya ako dinadaldal mo ngayon?

HAHAHAHAHA
Oo, tama ka rin dyan

Sige lang
Habang busy muna ako kunwari sa kasal
Kahit si Una naman talaga nag-aasikaso
Saka si Nina 😹

Di ka ba busy sa office?

Konti lang ginagawa sa office ngayon
Si Mama saka si Tita Rea muna nag aasikaso
Kapag naman pumapasok ako, pinauuwi din ako ni Mama
Kaya niya raw, malakas pa siya
Hay nako

Hahahahaha
Baka gusto niya samahan mo si Una

Oo ganun na nga
Kaso busy rin naman si una sa office
Tapos busy pa sa pag aasikaso ng kasal

Hindi ba siya napapagod dun?

Ayun nga inaalala ko eh
Pinagpapahinga ko na minsan
Pero palaging sinasabi na kaya naman daw niya
Di raw siya pagod

Nasanay na rin ata sa maraming workload

Oo tingin ko rin
Kaso iba naman ngayon
Kaya minsan nag-aalala din ako
Ang kulit kasi nito
Tapos sa labas pa ako pinatutulog?
Aba 🤨

HAHAHAHAHAHA
Akala ko pinapasok ka na ulit sa kwarto

Oo
Pinapasok naman na
Pero ayaw magpayakap
Mainit daw
Edi voluntary exit na lang ako. Laki laki ng kama, wala pang 12 inches yung sakop ko kasi naiinitan siya. Sa sala na lang ako ulit

Hahahaha kaya mo yan chigo

You Again (Love in Paris # 5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon