CCV

5.9K 174 72
                                        

Yuan Mika

July 12, 10:29 p.m.

Kinakabahan ako for next week:(

Sa workshop ninyo?

Yes 😔
Konti lang naman kami
Pero hahaha :(
Yung kaba ko

Okay lang yan
Kinakabahan din naman ako
Pero buti mabait tito mo
Pati yung secretary nila
Medyo nakakapanatag kahit papano

Wala pa kasi akong kilala dun sa workshop
Bukod kay Miss Harriett. Siya yung instructor namin
Mabait naman siya, pero sana mabait din mga kasama ko

Ano nga ulit schedule ng workshop ninyo?

Mon-Fri, 10am-3pm
Sakto naman na
Kaso nasabihan kami na parang may one big project at the end of the workshop. Maglalabas daw ng collection tapos dapat may proposed design kami isa-isa based dun sa theme.

Kaya mo yan!
Ang gaganda kaya ng gawa mo

I know
Medyo challenging lang kasi professional setting na rin to tapos gusto ko nga fashion design diba? Parang nakakakaba ring malaman na hindi talaga ako magaling dun haha 😅

Kaya mo nga pag-aaralan para matutunan mo
Wala naman talagang sobrang galing sa mga field nila
Kahit yung mga nasa top, sure naman akong marami pa rin silang inaaral

Yes, I know that :<
Continuous learning siya
Kabado lang talaga ako
Gusto ko rin malaman kung may shot ba talaga ako dito

Meron yan!
Sabi mo diba through invitation lang yung workshop? Hindi ka naman siguro maiimbita kung di ka nakitaan ng potensiyal. Wag mo muna isipin yung mga outcome na di pa nangyayari. Isipin mo na lang excited ka para mabawasan kaba mo

Ha?
Gumagana ba yun? :(

Gumagana yun sa akin
Kapag kabado ako, iniisip ko excited ako
Tapos nawawala kaba ko
Sabihin mo sa sarili mo excited ka

Okay okay
I'll try that

We believe in you, Chandra
So I hope you believe in yourself too
Kayang-kaya mo yun

Thank you 🥺

Alam mo ba nung first year college ako
May plate akong bagsak sa drawing

Bumagsak ka?

Oo, tapos nalugmo ako nun
Kasi alam ko magaling naman ako magdrawing
Simula bata ako nag ddrawing ako
Kaya nung bumagsak ako sa isometric na plate namin, nanlumo ako

Hala :(

Feeling ko rin nun parang di naman talaga ako magaling
Marunong lang ako. Syempre kinabahan din kasi plate yun eh, buti sana kung activity lang. Buti mabait prof namin kaya pinayagan kaming ulitin yung plate kaso ang consequence niya, lima yung ipapasa namin

Hala!
LIMA?

Oo hahaha
Mangiyak din ako sa puyat at sama ng loob noon kasi may limang plates akong uulitin tapos may mga quizzes pa kami sa ibang subject

Paano ka natapos dun?

Hindi ako natulog 😅
Nagawa kong tumapos ng dalawa sa isang araw tapos parang nasanay yung kamay ko, yung tatlong kasunod mga 2 hours ko na lang ginawa. Nakabawi naman kasi halos perfect ko rin yung plate na yun

You Again (Love in Paris # 5)Where stories live. Discover now