Yuan Mika
May 18, 6:10 a.m.
Good morning, Chandra!
Tama naman siguro ako na umaga dyan no?
6 am? or 7 na ba?
Sana nagising ka kanina para napanood mo rin yung sunrise kasi ang ganda kanina dito. Kung hindi naman, okay lang. Ako na lang ulit manonood para sa ating dalawa.
Nag try pala ako kanina uminom ng black coffee katulad nung parati mong gusto. Ang pait :(
Pano mo nakakaya inumin yun 😔6:19 a.m.
Sinusubukan ko pa lang magluto ng munggo ngayon kasi tinapa yung breakfast namin kanina ni Ate. May natira kaya ilalagay ko sa munggo.
6:21 a.m.
Kumakain ka ba nito?
Si Ate kasi favorite niya yung munggo kapag luto ko raw. Hindi ko alam kung inuuto niya lang ba ako para ako yung magluto ng pagkain naming dalawa pero tingin ko naman masarap din kasi marami siyang nakakain.6:24 a.m.
Sana kumakain ka ng munggo para malutuan kita sa susunod kung sakali
7:01 a.m.
I miss you, Chandra.
[Twitter]
🌳 🔒 @inthewillow
Favorite namin pareho ni Mommy ang munggo na may tinapa 🥺
