CHAPTER 1

3K 90 36
                                    

"Felomina, magsisipag ka sa pag-aaral ha. Huwag makikipag-away sa kaklase," bilin sa akin ni Mommy habang hinahaplos ang buhok ko.

Napanguso ako at agad na yumakap sa kanyang braso. "No! I'll go with you. Hindi ako pwede rito, Mommy. Ayaw kong mag-aral," mangiyak-ngiyak kong sambit.

Ngayon ang unang pasok ko sa Ikalawang Baitang. Sabi ng kapatid ko ay mas nakakatakot daw ang guro sa ganitong taon kaya naman ganito nalang ang aking pagtutol.

Ang papanget pa ng mga kaklase ko!

Ang kanina na maamo kong ina ay bigla nalang naging tigre. Isang mabilis na kurot ang agad kong nakuha sa aking tagiliran na siyang nakapagpaiyak sa akin.

"Hindi ka tatahan?!" nanlalaki na mata niyang babala.

Sinaktan niya ako tapos patatahanin din?

"Ayaw ko na sa earth!" singhal ko at nagtungo sa loob ng silid dala ang sama ng loob ko sa 'king ina.

Natanaw ko ang kanyang pag-alis na siyang ikinaulap muli ng aking paningin.

Hindi na ba ako mahal ni Mommy?

"Iyakin," bulong ng katabi ko.

I glared at him. "Mukha kang pating," asik ko dahil sa kanyang patirik na buhok.

Umigting naman ang panga niya at matalim na tumitig sa akin. "What did you say?!"

Inirapan ko siya at pinagpag ang hanggang balikat kong buhok. "Pating na nga, bingi pa," bulong ko sa paraan na maririnig niya.

"Ikaw naman iyakin na bungal pa," agap niya.

Nag-init ang aking mukha sa galit at matalim siyang tiningnan. "Susumbong kita kay Mommy!"

"Nye, nye, nye. Susumbong naman kita kay kuya, hindi mo ba alam si Spiderman ang kuya ko?" puno ng yabang na sabi niya.

Unti-unti naman akong namangha at lalong lumapit sa kanya. "Talaga?" usal ko. "Ibig sabihin kilala niya rin si Barbie?" umaasa kong tanong.

"Hindi," mabilis niyang sagot at inilapit nang kaunti sa akin ang kanyang mukha.

Ang baho.

"Si B4rbiel4t lang kilala niya," dagdag niya.

"Huh? Sino 'yon? Kapatid ba iyon ni Barbie?" kunot noo kong usisa at saka inayos ang dala kong bag sa ibabaw ng lamesa.

Pakinig ko ang mahina niyang paghagikhik. "Oo, matandang kapatid."

Hindi naman ako sumagot pa at nag-isip nalang.

May kapatid si Barbie?

"Gusto ko siyang makilala!" abot taingang ngiti kong sabi sa aking katabi.

Nakagat niya naman ang kanyang labi at namula nang todo ang kanyang mukha. Maya-maya pa ay tuluyan na siyang humalakhak nang malakas.

Nasa'n kaya si Teacher? Sumbong ko ang isang ito. Tumatalsik sa akin ang laway niya ang baho pa naman!

"Gusto mo talagang makilala?" aniya.

Mabilis pa sa alas kwatro akong tumango. Inis ako sa kanya pero pwede naman ako makipagplastikan para makita ang kapatid ni Barbie.

Ilang tawa pa ang ginawa niya bago lumapit sa akin at bumulong.

"Then you should see your pet down there," he stated and distanced himself.

Nagpantay naman ang aking kilay sa pagtataka. Tumingin ako sa ibaba at hinanap kung anong alaga ba ang tinutukoy niya.

Sumunod ba sa akin si Mingming?

O nagkamali lang siya ng ingles?

Vovo naman niya.

Taym Pers (Oneshot) ✅COMPLETEDWhere stories live. Discover now