CHAPTER 4

1.1K 74 19
                                    

Tulad nang napagkasunduan namin ni Bernardo ay niyaya ko si Mommy pumunta ng plaza. Wala kaming pasok ngayon kaya naman malaya akong makakapunta kung saan.

"Dito ba kayo magkikita ng kaklase mo, anak?" usisa ni Mommy.

Nakangiti akong tumango. Hindi ko maalis sa aking sistema ang tuwa dahil kapag nakita ko na si Spiderman ay makikita ko na rin si Barbie sa tulong ni B4rbiel4t.

Ilang minuto pa ang lumipas ay nakita ko na si Bernardo na tumatakbo patungo sa lugar namin ni Mommy.

"Felomina," masaya niyang tawag sa pangalan ko nang nasa harapan ko na siya.

"Bernardo," tawag ko pabalik at luminga-linga para hanapin ang kasama niya. "Ikaw lang mag-isa?" dagdag ko nang wala akong nakita na sinuman.

"Nasa sasakyan pa si Kuya. Nagbibihis, para naman makita mo siya bilang si Spiderman talaga," tumatango-tango niyang sambit na tila ipinapadama sa akin ang kanyang kayabangan.

Inirapan ko naman siya at lumingon kay Mommy. "Pwede po ba kaming maglaro sa swing?" magalang na paalam ko.

"Sige lang, anak. Maglaro kayo, basta huwag lang kayong lalayo," usal ng aking ina.

Tumango naman ako at sabay kaming tumakbo ni Bernardo sa swing para maglaro.

"Huwag kang pupunta sa birthday ko!" inis kong singhal kay Bernardo kapagkuwan.

Paano ba naman kasi ang lakas palagi ng tulak niya sa akin sa swing. Tumawa naman siya nang malakas, asta akong iiwas nang manibago ako sa amoy ng bunganga niya.

"Hala? Bernardo, nakilala mo na si tootbrush?" mangha kong sabi.

Sinamaan niya naman ako ng tingin at saka muling pumwesto sa aking likuran para iduyan ako. Akala ko ay malakas niya na naman akong itutulak ngunit marahan at puno ng ingat na iyon ngayon.

"Ikaw nga, e. Nagtu-toothbrush pero wala ka namang ngipin," aniya.

"May ngipin ako!" agad kong asik.

Narinig ko ang pagtawa niya sa aking likuran bago siya tumigil sa pagtutulak sa swing na inuupuan ko.

"Felomina, bakit gusto mong maging fairy?" usisa niya.

Napaisip naman ako at mabilis na ngumiti. "Para maabot ko ang mga gusto kong kunin!" Humagikhik ako ng tawa habang naiisip ang mga pwede kong maabot kapag nagkaroon na ako ng pakpak.

I heard him tsk-ed. "Hindi mo na kailangang magkapakpak. Magpapatangkad ako para ako nalang ang kukuha ng gusto mong abutin," aniya.

Napanguso ako at mabagal siyang nilingon. "Hindi mo nga maabot ang stars, e." Inirapan ko siya at saka bumaba sa swing. "Nasaan na si Spiderman?"

He chuckled. "Tara habulan tayo. Kapag nahuli mo ako, si Barbie mismo ang magpapakita sa 'yo," saad niya na ikinalaki ng mata ko.

"Sige ba!" mabilis kong sagot at agad siyang tumakbo palayo sa akin.

"Felomina, bungal! Felomina, bungal!" kanchaw niya sa akin habang umiiwas sa panghuhuli ko.

"Nye, nye. Bernardo, supot! Bernardo, supot!" ganti ko.

Tumigil siya sa pagtakbo dahilan para mahuli ko siya. "TAYA!"

Taym Pers (Oneshot) ✅COMPLETEDWhere stories live. Discover now