CHAPTER 3

1.2K 73 27
                                    

Kinaumagahan ay pumasok akong lumbay dahil sa pagluluksa sa namatay na pamangkin ni Bernardo.

Kawawa naman siya. Ang bata niya pa para mamatay.

Akala ko ay katulad ko, malungkot na Bernardo ang madadatnan ko sa silid ngunit kabaligtaran iyon. Masigla siyang nakikipaglaro sa iba naming kaklase, mula sa labas ng silid ay nakikita ko ang pagtalsik ng kanyang makamandag na laway kung saan.

"Felomina, ako ulit ang susundo sa iyo mamaya, ha?" bilin ni Mommy.

Tipid naman akong tumango at humalik sa pisngi niya. Asta siyang tatalikod nang muli siyang bumalik sa aking harapan.

"Huwag ka nang hihingi ng pabango sa 'yong kaklase. Expire na 'ata iyon, bakit ang baho?" aniya.

Kunot noo ko namang pinagmasdan si Mommy. "Hindi po ako nanghihingi ng pabango," sambit ko.

"Kung ganoon ay bakit ang baho mo kada susunduin kita sa hapon?" usisa niya sa akin.

Napanguso ako at napalingon kay Bernardo na ngayo'y nakaupo na sa kanyang upuan at kinakawayan ako.

"Laway po iyon, Mommy. Hindi pabango," tugon ko nang tumingin ako sa aking ina.

Ngumiwi naman si Mommy at tumango-tango. "Sige na, pumasok kana sa loob. Liliguan nalang kita mamaya." Marahan siyang umiling at tuluyan na akong tinalikuran.

"Hi! Felomina!" nakangiting bati ni Bernardo.

Inirapan ko siya at naupo sa aking upuan ng hindi pinapansin.

"Uy!" pangungulit niya at dinutdot ang aking braso.

"Ano?!" inis kong singhal.

"Luh? Galit ka because?" aniya.

"Ha? Hakdogcheesedogtaemoburabot!" balik kong saad.

Tumawa naman siya at iyon na naman ang pagpapaulan niya ng matinding virus.

Kailangan kong maligo ng sampung beses mamaya.

"Alam mo, Felomina. Maganda ka sana," naroon ang panunuya sa kanyang tono.

I scoffed. "Nagsalita ang gwapo, Bernardo."

Isang showering moment na naman ang natanggap ko mula sa kanya.

"Kaso 'yong ganda mo parang ngipin mo sa unahan," pangungutya niya. "Wala."

Kung kanina ay showering lang ang natanggap ko mula sa laway niya ngayon ay lunod pa.

"Alam mo, Bernardo. Iyang bunganga mo parang buhok mo," ani ko at saka siya inirapan. "Nakamamatay."

Sinamaan niya naman ako ng tingin.

"Akala ko ba gusto mong makita si Barbie at maging fairy?" pagbabalik niya sa sinabi ko kanina.

"Oo nga. Ayaw mo naman akong ipakilala sa kuya mo," nakanguso kong saad.

Itinulod niya ang kanyang siko sa unahan at umastang nag-iisip. "Sige," aniya.

"Huh?" taka kong wika sa biglang turan niya.

"Bukas, sa plaza. Ipapakilala kita sa kuya kong Spiderman. Pahatid ka sa Mommy mo ro'n," mahabang saad niya.

"Talaga?!" hindi ko maiwasang matuwa sa kanyang sinabi.

Isang matamis na ngiti ang ibinigay niya sa akin bago tumango. "Basta papupuntahin mo ako sa birthday mo, ha?"

"Oo naman. Kahit mabaho hininga mo, ikaw pa rin bespren ko!" nakangiti kong wika.

Ngumiti kami sa isa't isa at nakinig kay teacher nang nagsimula na siyang magturo.

Malapit ko nang makita si Barbie!

Taym Pers (Oneshot) ✅COMPLETEDWhere stories live. Discover now