CHAPTER 5

1.5K 82 25
                                    

Tumatawa ako habang sinusundot-sundot ang katawan niya.

Nahuli ko siya. Makikita ko na si Barbie!

"Ano ulit iyong sinabi mo?" seryoso na tanong ni Bernardo.

Ilang beses akong napakurap at alanganing tumawa. "S-sabi ko... ano... ang bango ng hininga mo ngayon, Bernardo," pagpapalusot ko.

"Hindi iyan ang narinig ko, Felomina. Isusumbong kita sa kuya ko," nagbabanta niyang sambit. "Kukuhanin ka ng sapot niya at ibibitin sa puno ng kamatisan!"

Nagsimulang mag-ulap ang aking mga mata. "Hindi na tayo bati?" tanong ko, nalulungkot dahil malaki ang tyansa na hindi ko na makita si Barbie.

"Oo, hindi na tayo bati. Hindi ka rin pwedeng pumunta sa birthday ko. Marami pa namang balloons tapos may ice cream pa na bibilhin si Mommy," pang-iinggit niya sa akin.

"Sorry na," agad kong alo kay Bernardo.

"Bawain mo muna sinabi mo," aniya.

"Binabawi ko na ang sinabi ko," mabilis kong saad.

Tumitig siya sa akin at saka mabagal na ngumiti. "Smile ka muna dali," tumatawang usal niya.

Napanguso naman ako at huminga nang malalim bago ginawa ang gusto niya. As I plastered a smile on my lips, Bernardo burst in laughter.

"Kamukha mo Lola ko," aniya habang tumatalsik sa akin ang kanyang laway sa pagtawa.

Mabuti nalang talaga hindi na iyon isinumpa ngayon.

"Sige na, bati na tayo," wika niya kapagkuwan.

"Talaga? Pwede ko nang makita si Barbie?" umaasa kong sambit.

"Oo, hindi mo lang makikita si Barbie, makakahabulan mo pa!" nagagalak na sabi niya sa akin.

Nanlaki ang mata ko sa tuwa at tumalon-talon sa ere. "Yehey! Nasaan na ba kasi siya?" usisa ko.

Bumungisngis ng tawa si Bernardo at tumingin sa bandang likuran ko.

"Hi! Barbie!" namumula sa saya niyang turan.

Marahan akong lumingon at gano'n nalang ang paglaglag ng aking panga sa nakita. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiiyak.

"Hi, Felomina. Do you want to play with me?" malalim na boses ng isang lalaki habang nakadamit pambabae at may suot na pakpak sa kanyang likuran.

Maarte niya pang iginalaw ang peke niya buhok at ikinurap-kurap ang kanyang mata na binudburan ng kung anong kulay.

"T-Taym pers," utal kong sambit habang pinagdikit ang aking kamay at saka nagtatakbo pabalik kay Mommy nang umiiyak.

"HINDI NA KITA KAIBIGAN, BERNARDO!" hiyaw ko pa sa gitna ng aking pagtakbo.

Si Barbie ang gusto kong makita. Bakit si Chakadoll ang pinapunta niya?

Mula ngayon, friendship over na kami. Hmmp!


-END-

Taym Pers (Oneshot) ✅COMPLETEDOnde histórias criam vida. Descubra agora