43 : Lollipop

302 21 14
                                    

[Sana's Pov]

"Dito ka nakatira?" Tanong ko kay Dahyun nang marating namin ang labas ng bahay niya.

"Oo. Pasok ka." Yaya sakin ni Dahyun na pumasok sa loob ng bahay niya nang mabuksan niya na ito.

"Binabalaan kita ha. Kapag may ginawa kang masama sakin sa loob, ipapa-pulis kita." Babala ko sa kanya kaso tinawanan niya lang ako.

"Sa tingin mo, babahiran ko ng krimen 'tong bahay ko?"

"Ibig sabihin, may chance na gumawa ka ng krimen pero sa ibang lugar dapat?"

"Tsk. Pumasok ka na nga lang sa loob, Sana."

"Ayoko nga."

"Sige. Ikaw ang bahala. Diyan ka na lang sa labas. Maghintay ka diyan mag-isa." Isasara na sana niya ang gate ng bahay niya kaya naman dali-dali na akong kumilos.

"Wait. Eto na nga. Papasok na sa loob."

"Papasok ka din naman pala eh. Dami pa niyong satsat."

"Siyempre. Nag-iingat lang ako sayo. Mamaya niyan may masama ka pala talagang balak sakin."

"Sana, minsan talaga mapanghusga ka." Nag-peace sign lang ako sa kanya bago tuluyang sumunod papasok sa loob.

Nang tuluyan kaming makapasok sa loob, naupo na muna ako sa sofa sa living room.

"Sa wakas, nakabalik na din ako dito sa bahay ko. Namiss ko 'to. Diyan ka muna ha. Mag-aayos lang ako. Kung nagugutom ka, humanap ka ng pagkain sa ref." Dali-dali siyang umakyat sa hagdan para mag-ayos ng susuutin niya.

Ako? Nanatili lang akong nakaupo sa sofa sa living room. Habang abala siya sa pag-aayos, napansin kong halos wala akong nakikitang picture-frame ng family nila.

Para magpalipas ng inip sa paghihintay sa kanya, naisipan kong maglakad-lakad sa paligid sa loob ng bahay niya.

Mag-isa lang siya dito? Sobrang tahimik eh.

Kakalakad ko, may nakita din akong picture frame sa wakas. Iisa nga lang. Picture ng isang batang lalaki na nakayakap sa tila nanay niya ang nakita ko sa larawan.

Si Dahyun kaya 'to? Nanay niya yung nasa picture? Nasaan ang iba pa nilang family picture? Nasaan ang picture niya kasama ng tatay niya?

"Hoy, Sana." Halos magulat ako kay Dahyun nang bigla siyang sumulpot sa likuran ko.

"Grabe. Nakakagulat ka na---" Natigilan ako sa pagsasalita nang mapansin kong shirtless pa siya habang nakasuot ng pants.

"Anong ginagawa mo diyan, Sana?"

"Naglilibot lang. Bakit hindi ka pa bihis nang buo? Nakakagulat ka. Bigla-bigla ka na lang sumusulpot."

"Wala naman. Na-curious lang ako kung nasaan ka nang silipin kita doon sa living room. Wala ka doon noong sinilip kita eh. Nandito ka lang pala."

"Naglilibot-libot lang naman ako habang naghihintay sayo."

"Ganun ba? Oh. Sige." Akma na sana siyang babalik ulit sa kwarto niya sa second floor nang tawagin ko siya.

Yours [SaiDa Fanfic]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora