71 : Surprise!

265 18 44
                                    

[Dahyun's Pov]

Pabango dito. Pabango doon. Hindi ko maiwasang mapangiti habang Pinagmamasdan ang sarili ko sa salamin.

"Naks. Ngiting-ngiti ha." Napalingon ako kay Nayeon na pinagmamasdan pala ang bawat galaw ko.

"Sino ba namang hindi mapapangiti kapag dumating na ang araw na pinakahihintay nila?"

"Tama nga naman si Dahyun. Dalawang linggo niyang pinaghandaan 'tong araw na 'to." Sabi naman ni Jeongyeon.

"Dahyun, kakatawag ko lang kay Mina." Biglang sabi ni Chaeyoung.

"Oh, anong sabi niya? Magkasama ba sila ni Sana?" Agad na tanong ko.

"Hindi daw niya kasama si Sana. Madami din kasing pinagkakaabalahan si Mina sa family business nila ngayon kaya hindi sila masyadong magkausap ni Sana tungkol sa bagay-bagay kapag magkasama sila sa school."

"Araw ng paglabas ng school ngayon. Ang aga naming lumabas ng school kanina ni Jeongyeon para suportahan ka." Sambit ni Nayeon sabay thumbs-up sakin.

"Ang sabi lang sakin ni Mina, nauna daw umalis ng school si Sana kaysa sa kanya. Malamang nasa restaurant 'yon ng lolo't lola niya." Paliwanag ni Chaeyoung.

"Kaya ano pang hinihintay mo, Dahyun?" Nagulat kami nang marinig si Tzuyu.

"Pupunta ka rin pala dito, Tzuyu. Sana sumabay ka na samin kanina." Gulat na pagkakasabi nila Jeongyeon.

"Bumili muna kasi ako nito." Ipinakita ni Tzuyu ang bouquet of flowers na dala niya.

"Para saan?" Tanong namin sa kanya.

"Siyempre, hindi kumpleto ang muling pagkikita ni Sana at Dahyun kung walang bouquet of flowers." Agad na iniabot ni Tzuyu ang bouquet of flowers sakin.

"Pero ---"

"Sagot ko na ang bulaklak na ibibigay mo para kay Sana. Huwag kang kabahan. Okay? Kayang-kaya mo 'yan. Magkakaayos din kayo." Dagdag niya sabay tapik sa balikat ko.

"How to be you, Dahyun? Ang haba ng ano mo." Extra ni Chaeyoung samin.

"Ng ano?" Tanong namin kay Chaeyoung. Bigla namang natawa si Jeongyeon.

"Hayp! HAHA! Ayoko na dito. Lintek ka talaga, Chaeyoung!" Tawang-tawa na lumabas ng kwarto si Jeongyeon.

"Ng ano." Muling sagot ni Chaeyoung.

"Ambastos mo, Chaeyoung!" Asar na pagkakasabi ni Nayeon sabay sunod na din kay Jeongyeon palabas.

"Grabe naman kayo. Ang sabi ko, ang haba ng pasensya ni Dahyun. Siyempre, hindi kaya birong maghintay nang matagal." Paliwanag ni Chaeyoung bago lumabas ng kwarto.

Naiwan kami ni Tzuyu sa loob. Napatingin ako kay Tzuyu na bahagyang napatawa dahil sa mga kalokohan ni Chaeyoung.

"Pasensya ka na sa bwisit na 'yon ha. Pasmado bibig ng bestfriend kong 'yon kung minsan eh."

"Ano ka ba, Dahyun? Ayos lang. Nakakatawa nga ang bestfriend mo."

"Ah. Eh. Salamat nga pala dito sa bulaklak."

"Walang anuman, Dahyun. Ibigay mo 'yan kay Sana nang may pagmamahal. Okay? Tiwala lang. Magkakaayos din kayo."

"Ikaw?"

"Huh?"

"Ayos ka lang ba, Tzuyu?"

"Oo naman. Ayos lang ako. Bakit mo naman natanong?"

"Hindi mo kailangang gawin ang mga 'to, Tzuyu."

"What do you mean?"

"Itong pagsuporta mo sakin para sa muling pagkikita namin ni Sana. Alam kong hindi madali. Hindi mo kailangang pilitin ang sarili mo na maging masaya para samin."

Yours [SaiDa Fanfic]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin