49 : Future Boyfriend

383 19 14
                                    

[Sana's Pov]

May gusto-gusto pa siyang nalalaman. Muntik na akong maniwala sa mga kasinungalingan niya. Babaero pala talaga ang hayp. Bebegurls? Seryoso?

Sa school na 'to pa talaga siya naghanap ng forever. Ang lakas ng loob ng bwisit na 'yon na iparamdam sakin kahapon na gusto talaga niya ko tapos bigla na lang siyang may pakulo na ganito ngayon.

Ano 'yon? Trip niya lang? Kapag naiinis ko na muntik na akong maniwala sa kanya, naiinis ako. Parang gusto ko ulit tapakan ang paa niya sa sobrang inis.

At saan naman kaya nagpunta 'yon? Malamang pinuntahan niya yung bebegurls niya sa ground floor. Fine. Magsama-sama sila doon. Magpakasawa siya sa kaka-moment kasama ng bebegurls niya!

Ang lakas pa ng loob niyang sabihin nang harapan sa lolo't lola ko na interesado siya sakin.

Kunot-noo akong nanatili sa kinapupwestuhan ko habang pilit na initatatak sa isipan kong peke lahat ng nangyari kahapon. Nagmukha lang akong tanga kakaisip na seryoso talaga siya.

Sabi ko na eh. Dapat noong una pa lang, hindi na talaga ako naniwala. Sino ba naman ako para magustuhan ng kung sino?

"Sana." Naramdaman ko na naman ang pagkulo ng dugo ko dahil sa narinig kong boses ni Dahyun.

Nakasilip siya sa pinto ng kwarto namin.

"Oh? Ano? Alam mo na kung anong tinutukoy ko kanina? Baka naman sabihin mong hindi mo pa rin alam 'yon."

"Seryoso, Sana. Hindi ko alam kung sinong may pakana ng bagay na 'yon."

"Sinong niloko mo? As if namang maniwala pa ako sayo."

"Wala akong kinalaman doon, Sana. Nagulat din ako na nandon yung pictures ko dati kasama ng mga naka-date ko."

"Talaga lang ha? Naghahanap ka nga ng forever sa bebegurls mo eh."

"Hindi talaga ako ang may pakana non, Sana. Kadadating ko lang eh."

"Sige. Kung hindi ikaw, sino?" Natigilan siya sa tanong ko.

"Diba wala kang maituro kung sino, kasi ikaw 'yon."

"Aish. Ang kulet naman. Hindi talaga ako 'yon, Sana. Hindi ko alam kung sinong nagpasimuno non. Baka may ibang tao sa school na nakakaalam ng sikreto ko."

"Ako, si Nayeon at Jeongyeon lang naman ang nakakaalam ng sikreto mo eh. Alangan namang ako."

"Naisip ko na baka si Nayeon kaso parang hindi naman niya magagawang i-risk yung sikreto niyang nalalaman ko."

"Eh di sino? Si Jeongyeon?"

"Hindi ko rin alam, Sana."

"Tsk. Kahit sino pa 'yan, wala na akong pakialam."

"Kung wala kang pakialam, bakit parang sasapakin mo ko?" Nagulat ako nang mapansin kong nakatikhom na pala ang magkabilang kamao ko.

"Siyempre nababadtrip ako sayo. Gusto kitang sapakin."

"Grabe naman, Sana."

Yours [SaiDa Fanfic]Where stories live. Discover now