48 : Bulletin Board

250 18 20
                                    

[Dahyun's Pov]

Sa pagmulat ko pa lang, bumangon na ako agad para magsimulang mag-ayos ng sarili para sa pagbalik ko sa school.

Ang aga kong nagising ngayon. Masarap ang tulog ko kagabi eh. Binisita ko si Chaeyoung sa kabilang kwarto, tulog pa ang hayp.

Hindi ko na siya ginising pa dahil alam kong mag-iingay na naman siya. Masyadong maganda ang simula ng araw ko para hayaang mabadtrip lang ako dahil sa kaingayan ni Chaeyoung.

Matapos kong mag-ayos ng sarili, dali-dali na akong sumakay ng taxi para bumalik sa school.

Sa buong biyahe, hindi ko mapigilang mapangiti. Ewan ko ba. Never naman ako naging ganito kasaya na gumising at pumasok sa school nang maaga. Basta ang alam ko, makakasama ko ulit si Sana.

Nang marating ko ang gate ng school, nakasabay ko si Ms. Park. Bigla ko tuloy naalala yung unang araw ko sa school na 'to. Napagkamalan ko pa siyang estudyante.

"Good morning, Ms. Park."

"Good morning, Dayana. Mukhang maganda ang simula ng araw mo ngayon."

"Mas maganda kayo, Ma'am." Ngiting-ngiti na pagkakasagot ko.

"Tatawagin mo na naman ba akong Dear? Nako, Dayana talaga. See you later sa class." Tuluyan na siyang nauna sa paglalakad.

Biglang pumasok sa isip ko, single ba si Ms. Park? Sa ganda niyang 'yon, feeling ko hindi.

Maganda naman lahat ng nag-aaral sa school na 'to pero para sakin, wala nang mas gaganda pa kay Sana. Seryoso ako.

Pagdaan ko sa gate, binati ko yung security guard. Binabati ko lahat ng estudyanteng makasalubong, kahit yung hindi kakilala o yung kakilala na ichinichismis ako dito. Tulad ng sinabi ko, walang pwedeng sumira sa araw kong 'to.

May natanawan akong mga estudyante na tila ba nagkukumpulan sa harap ng malaking bulletin board sa ground floor. Imbes na makiusyoso sa kanila, mas pinili kong magmadali na sa pagpunta sa kwarto namin ni Sana.

Bukas yung pinto. Nandito na siguro si Sana. Dali-dali akong pumasok sa loob. Tumambad sakin si Sana na agad na napansin ang pagdating ko.

"Good morning, Sa--- Ouch!" Ngiting-ngiti akong lumapit sa kanya para yakapin siya kaso bigla niya na lang tinapakan ang paa ko.

Hindi ko siya maintindihan. Kung makatapak siya sa paa ko, para bang may ginawa akong masama.

"Sana, Masakit 'yon ha. Bakit mo ko tinapakan sa paa? May problema ba?" Naguguluhang tanong ko sa kanya na masama ang tingin sakin.

"Talagang tinatanong mo sakin kung may problema ba?" Bigla siyang pumamewang.

"Hindi kita maintindihan, Sana. Anong meron?" Ganito ba talaga ang mga babae? Ayos naman kami kahapon eh. Bakit parang may nagawa kong kasalanan nang hindi ko nalalaman? Nakita ba niya kami ni Ms. Park kanina? Yun ba 'yon? Binati ko lang naman si Ms. Park eh.

"Nagmamaang-maangan ka pa. Matapos mong sabihin sakin kahapon na gusto mo ko. Sinabi mo rin sa lolo't lola ko."

"Hoy. Totoo yung sinabi ko, Sana. Gusto talaga kita."

Yours [SaiDa Fanfic]Where stories live. Discover now