Bespren 01

868 99 57
                                    


Do you hear me? I'm talking to you
Across the water across the deep blue ocean
Under the open sky, oh my, baby I'm trying 🎶

Kasalukuyan akong nakikinig sa kanta ni Jason Mraz na Lucky. Sinasabayan ko pa siya sa pagkanta dahil kabisado ko naman ang lyrics.

Hindi ako nagsasawang pakinggan ang kantang ito kahit pauli-ulit ko itong pinapatugtog. Mabuti na lang at may nagmagandang loob na pahiramin ako ng cellphone para makapag-emote.

Napabuntong-hininga ako at pasimpleng ngumiti. Tamang emote lang 'coz why not?

Nakaka-relate kasi ako roon sa part na in love pa rin ako sa best friend ko hanggang ngayon at matagal ko ng tinatago 'yon.

Wala akong lakas ng loob para aminin sa kaniya ang totoo dahil natatakot ako.

Natatakot ako na baka magbago ang lahat sa oras na umamin ako. Paano kong i-reject niya ako? Paano kung hindi kami pareho ng nararamdaman sa isa't isa? Ilan lamang 'yan sa mga tanong na bumabagabag sa 'kin.

Ayokong dumating kami sa punto na mag-iiwasan kami pareho na parang hindi na namin kilala ang isa't isa dahil lang sa may umamin sa aming dalawa. Cliché pero gano'n naman lagi, 'di ba? Ang hirap.

Nagpalinga-linga ako ng tingin matapos kong maubos 'yong snack ko. Pagkatapos no'n, mag-isa akong naglakad papunta sa classroom namin. Loner na kung loner pero wala akong pakialam.

Ganito naman ako palagi kaya hindi na ito bago sa akin. May mga kaibigan naman ako pero hindi lang talaga ako sumasabay sa kanila tuwing recess.

"Got you!"

"Ay butiki! Sino ba kasing—"

Huhulaan ko pa sana kung sino ang nagsalita ngunit naalala kong wala palang ibang gumagawa no'n kundi ang best friend ko. Ewan ko ba riyan. May sa kabute siguro dahil bigla na lang sumusulpot kung saan.

Siya nga pala 'yong tinutukoy ko kanina na best friend ko. As usual, umakbay siya sa 'kin tapos ngumiti nang malapad.

"Mag-isa ka na naman, ah."

Saglit akong napatingin sa kaniya bago kumunot ng noo. Bakit ba kasi ang hilig niyang ngumiti?

Hindi naman ako allergic sa mga mahilig ngumiti pero 'pag siya kasi, parang iba eh. Alam ninyo 'yon?

Iba ang dating no'n sa 'kin sa tuwing nakikita ko ang mga ngiti niya. Iba talaga kapag pinagpala, nagiging confident.

Alam n'yo na siguro kung ano ang ibig kong sabihin.

Napailing ako nang mapagtanto kong pinupuri ko na naman pala siya. Panigurado kasing lalaki na naman ang ulo niya kapag narinig niya kung paano ko siya inilarawan sa inyo.

"Hoy! Alisin mo nga 'yang kamay mo," sita ko nang umakbay siya sa 'kin. Kunwari lang 'yon pero ang totoo, kinikilig talaga ako.

"Oh, bakit?" sabay tawa niya. Huminto ako sa paglalakad at tumingin sa kaniya habang nakasimangot.

"Tinatanong mo pa talaga kung bakit ako mag-isa? Iniwan mo kaya ako kanina," pagmamaktol ko.

"Uy 'di kita iniwan, ah. May tumawag kasi sa 'kin," depensa niya sabay hawak sa batok bago umiwas ng tingin.

Medyo namula pa ang pisngi niya no'n, halatang hindi niya mapangalanan kung sino ang tumawag. Kahit naman hindi niya masabi sa 'kin, alam ko na kung sino ang tinutukoy niya.

"Sayang nga, eh. Ililibre pa naman sana kita," dagdag pa niya.

Ililibre? Anong meron? May nangyari bang himala sa kaniya?

Loving You Secretly [Completed] ✓Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora