Bespren 03

456 81 24
                                    

Lunch break na.

Mabilis kong niligpit ang mga gamit ko sa bag. Ready na sana akong mag-disappear nang biglang-

"Jazz, hintayin mo ko." Ano pa ba kasing ginagawa niya? Eh, nagugutom na ako.

Naghintay pa ako ng five minutes bago lumabas pero nakaupo pa rin siya at nakasubsob ang mukha sa armchair.

Ano na naman ba ang trip niya? Bahala nga siya riyan.

"Mine, sandali." Napahinto ako sa paglakad at inulit-ulit sa isip ko ang tinawag niya sa 'kin.

Mine? Sino 'yon? Ako ba talaga ang tinawag niya? Hindi naman 'Mine' ang pangalan ko, ah? I-ignore ko na nga lang. Baka namali lang talaga ako ng pandinig.

Dumiretso na ako sa paglakad. Malapit na ako sa may gate nang bigla na naman siyang sumigaw.

"Mine," hinihingal pa niyang sambit habang papalapit sa kinatatayuan ko. Nagpalinga-linga ako ng tingin dahil baka ano'ng isipin ng mga nakarinig ng pagtawag niya sa 'kin.

Hindi nga ako nagkamali dahil ilan sa mga estudyanteng nakita ko ay nagbubulungan habang nakatingin sa amin.

Bahagya akong nagulat nang bigla na lang siyang umakbay sa 'kin habang hinahabol ang paghinga niya.

"Mine naman, eh. May lahi ka bang cheetah? Ang bilis mong tumakbo. Kanina pa kita tinatawag ah. Bakit mo naman ako iniwan?" agrabyadong tanong niya.

"Shhhh, hinaan mo nga 'yang boses mo. Wala tayo sa palengke kaya 'wag kang sumigaw riyan, p'wede? Malapit ng mag alas-dose, oh. Maglalakad pa ako pauwi sa amin. At saka sino 'yong 'Mine' na tinatawag mo?" sunod-sunod kong salita.

"Ikaw, malamang. May kausap pa ba akong iba?" pamimilosopo niya.

"Ako?" naguguluhang tanong ko habang nakaturo ang hintuturo sa sarili ko.

Eh, ano bang pangalan mo?"

"Jasmine!" agad kong sagot.

"Ano ba 'yong nasa dulo ng Jas?"

"Mine." Ini-spell out ko talaga 'yon para patunayang mali ang pronunciation niya sa dulo ng pangalan ko.

Bakit ba kasi biglang naging big deal sa kaniya 'yon ngayon? "At saka 'min' 'yon, hindi 'mine'," paliwanag ko.

"Mine 'yon," giit niya.

Ewan ko sa 'yo Renz. Masakit na nga ang ulo ko dahil sa gutom, pinalala mo pa, reklamo ko sa isipan.

"Tsh, bahala ka nga. Para kang ewan. Andami mong alam. Dapat sa 'yo itumba na," natatawang wika ko.

"Marami talaga akong alam. Genius 'tong guwapo mong best friend, eh." Pinagkrus ko ang aking mga braso bago bumuntong-hininga. Pangiti-ngiti na naman ang loko.

"Papayag naman akong ipatumba mo 'ko kung 'yon ang gusto mo," seryoso niyang tugon. "Kaya lang hindi ko kayang makita na nangungulila ka kapag nawala na ako riyan sa tabi mo," hirit pa niya.

Napaatras pa ako nang sabihin niya 'yon kaya nawalan ako ng balanse.

Muntik na akong matumba kaya lang mabilis niya akong nahawakan sa baywang at napakapit naman ako sa kaniyang balikat.

Matagal kaming nagkatitigan sa ganoong puwesto. Domoble ang bilis ng pagtibok ng puso ko.

"Itayo mo na ako, bilis," utos ko nang maramdaman ang pananakit ng aking likod.

Tumatanda na yata ako, ah? Kulang na sa ehersisyo.

"Kilabutan ka nga, Renz," sabay hampas ko sa kanang braso niya.

Loving You Secretly [Completed] ✓Where stories live. Discover now