Bespren 06

265 62 15
                                    

"Oh, kalma. Ako lang 'to," sabay ngiti niya nang malapad.

"R-renz?" Dahil sa pagkagulat ko muntik na akong matumba.

"Ang guwapo ko namang multo, hahaha. Nagulat ba kita?" namamaos niyang tanong.

"O-oo, eh. Bigla ka naman kasing sumusulpot. Akala ko kasi wala ka pa rito."

"So, hinahanap mo talaga ako?" Hindi na ako nakapagsalita agad dahil humangin na naman bigla. Marahan niyang ipinatong ang kamay ko sa braso at saka ngumiti ulit.

"Let's go."

"T-teka, si Kristine?" kabado kong tanong.

Nagdalawang-isip tuloy akong pumasok na kasama siya dahil baka magalit si Kristine sa amin.

"Hinatid ko na. Let's go," kampante niyang tugon ngunit pinigilan ko ulit siya.

"Baka magalit sa 'kin 'yon, Renz. Huwag mo na lang akong samahan. Okay lang naman ako rito," bulong ko sa kaniya dahil dumarami na ang nakatingin sa amin.

"Trust me," pagpapakalma niya sa akin. Hindi ko pa rin mapigilang hindi mag-alala lalo na't may nililigawan na siya. Kahit may gusto ako sa kaniya, alam ko pa rin kung paano ko ilulugar ang sarili ko sa kaniya.

Humawak ako sa kaniya nang mahigpit habang inaalalayan ang sarili ko na hindi matumba dahil sa suot kong 11 cm high heel sandals. Dito na lang ako bumawi dahil sabi ko nga, hindi ako biniyayan ng katangkaran man lang.

"Are you okay?" tanong niya nang mapansing hirap ako sa paglakad. Tumango ako at ngumiti. Sinuot ko 'to kaya dapat panindigan ko.

Sinusulit ko na ang araw na kasama ko siya dahil back to normal na naman kami kinabukasan. Paniguradong ma-mi-miss ko 'tong moment na ito pagkatapos.

Grabe talaga 'yong sayang naramdaman ko habang hinahatid niya ako sa upuan ko. Hindi ko inaasahang gagawin niya 'yon.

Sinundan naman agad 'yon ng candle lighting habang pinapatugtog ang kantang 'My Valentine' ni Martina McBride at Jim Brickman.

Kung ano-ano pang speech ang sumunod. 'Yong cotillion kasi talaga ang palagi kong hinihintay sa ganitong event. Nakakaaliw kasi iyong panooorin.

Pagkatapos no'n, sinara na ang venue. Umuwi na rin ang mga parents namin at relatives na pinanood lang ang unang part ng JS Prom.

Bale 'yong mga third year at fourth year students na lang ang natira sa venue kasama ang faculty at staff ng school namin.

Papayagan lang kaming lumabas kapag ayaw naming umagahin sa venue at uuwi lang kami kaagad pagkatapos ng program.

Hindi nila basta-basta pinalalabas ang mga estudyante lalo na kung hindi mismo ang magulang nila ang susundo.

Mahirap na. May mga estudyante rin kasing sinasamantala ang ganitong pagkakataon para makapaghasik ng lagim.

Nanatili lang ako sa sulok habang nagsasayawan na ang mga kaklase ko sa gitna. Nakapatay na kasi ang mga ceiling lights kaya ang mga RGB Disco Ball Light na lang ang nagsilbing ilaw sa loob.

Hindi naman sa killjoy ako pero hindi talaga ako mahilig sumayaw.

Napasulyap ako sa relo ko. Alas diyes y media pala lang ng gabi pero inaantok na ako.

Tumayo ako upang kunin sa bag ang jacket na dala ko kanina. Air-conditioned kasi sa loob at medyo malamig na. Hinaplos-haplos ko pa ang aking balikat upang mainitan ako.

Mauupo na sana ako ulit nang biglang may nagsalita sa harapan ko.

"P'wede ba kitang isayaw?" Nanatili akong nakatungo nang marinig ang paos na boses. Dahan-dahan kong inangat ang aking ulo at pasimpleng tumingin sa magkabilang gilid pati na sa likuran.

Loving You Secretly [Completed] ✓Where stories live. Discover now