Chapter 36: Twin

22 4 0
                                    

Nagising na lamang ako nag makarinig ako ng mga kaluskos. Nang maimulat ko ang aking mga mata ay nasa loob na ako ng tent namin ni Kelsey. Maliwanag na rin sa labas kaya't agad na akong umupo mula sa pagkakahiga. Paano ako nakabalik dito?

"OMO, Naomi!! Finally gising kana, Teacher gising na po si Naomi!!" Sigaw ni Kelsey na ngayon ay nagmamadali nang pumasok ng tent.

"Naomi!!!" Sabi nito at agad akong niyakap.

"Kainis ka! Alam mo ba na halos magdamag kaming naghanap sayo! Buti na lang nahanap ka ni.."

"Arche?" naisambit ko nang makita ko si Arche sa malayo mula rito sa loob ng tent since bukas naman ang daanan palabas.

"Oo, Naku ano bang mayroon sa inyo ni Arche at tuwing mawawala ka siya lagi ang nakakahanap sayo" Sabi nito at kumalas na mula sa pagkakayakap sa akin.

"Teka, ba't andito si Arche?" Nagtatakang tanong ko eh pagkakaalala ko hindi siya sumama rito sa camp.

"Dumating siya kagabi nagdrive lang siya papunta rito at ayon naabutan niya kaming nagkukumahog na hanapin ka sa kung saan mang sulok ka nakatulog. Naku kung hindi ka namin nahanap hindi ko alam kung anong sasabihin ko kay Tita." dere-deretsong sabi niya.

Muling naipako ang aking mga mata kay Arche. Bakit ba lagi ka na lang dumarating pag kailangan ko ng tulong Arche?

>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>

Weeks passed at walang namang masyadong ganap sa buhay ko. I am still bothered sa sinabi ni Luna. Na nananaginip lamang siya. Mas lalo akong nagduda dahil akala ko ba ako lang ang nananaginip at lahat ng nasa panaginip ko ay parte lang ng imainasyon ko. Pero kung totoong tao si Luna at nananaginip din siya ibig sabihin no'n ay nakakapag time travel kaming dalawa sa past which is year 1870s. Aissh ewan ko ba habang tumatagal mas lalo lang akong naguguluhan.

But, if Luna really exists..

Napalingon ako sa di kalayuan kung saan si Arche ay nakaupo at tahimik na nakikinig sa instructor namin sa PE.

Is it possible that they share the same face with Arche. Or...

Napailing ako..

No Arche can't be Luna. They may look very similar to each other but I can tell that they are two different persons. Luna is sweet while Arche is cold. So there's no way na iisa lang sila. So iisa lang ang magfifit na theory sa lahat ng mga nangyayari, si Luna ay..

Nahinto ako sa malalim na pag-iisip ng mapansin ko na si Arche ay nasa harap ko na pala at nakatitig rin sa akin.

"Any idea for our practicum?" Tanong nito.

"Ha?" tanong ko pabalik sa kaniya.

"Tsk.. about the thing that the prof just discussed. Don't tell me you just stared at me for the whole time?" Tangna, nabuking ba ako?

"H-hindi ah.. wala lang talaga akong maisip" sabi ko na lang sa kaniya at umiwas na nang tingin.

Narinig ko mula sa katabi kong mga ka klase that they were like discussing tungkol sa anong piece ang tutugtugin nila..

Ahh so iyon ba ang practicum namin?

"How about I play the keyboard while you sing?" tanong naman niya.

"Sure. Pero ano naman kayang piece ang magandang tugtugin?" tanong ko at kinuha yung cellphone ko para sana magsearch ng  kanta.

"Let's just figure it out at home. Come on" sabi nito at tumayo na. Tapos na pala ang PE, so parang meeting na lang yung kanina. Hayss I can't believe lutang ako for the whole period.

COLD-BLOODED PHANTOM: A Sweet Nightmare (COMPLETED)Where stories live. Discover now