Chapter 14: Consequence Of The Romantic Dance

28 7 0
                                    

Nilingon niya naman si Arche at biglang iniangat ang ulo ko..

Kanina ay galit ang nararamdaman ko pero ngayon nakita ko si Arche ay nakaramdam ako ng panghihina. Ramdam ko na anytime tutulo na ang luha ko pero pilit kong pinipigilan ang pagbuhos nito. I can't cry. I shouldn't cry in front of them or else they'll regard me as the weakling at mas ibu-bully lang nila ako..

"Let her go now Adillaine!" sigaw ni Juaquin.. Hindi naman ito pinansin ni Adillaine.

"I need some explanation before I let her go... Arche, where were you during the finale dance?"

"Do you want me to answer that now?" arche said coldly.. Mas nakakatakot si Arche kasi he's very unpredictable, hindi mo alam kung galit ba siya o papatay na ng tao dahil nga sa walang kaemo-emosyon ang kaniyang mga mata.

Bigla na mang lumuwag ang pagkakahawak ni Adillaine sa buhok ko nang sabihin iyon ni Arche. Kaya't agad na akong umayos ng tayo at bahagyang lumayo na sa kaniya. Hinila naman ako ni Arche, hinawakan niya ang magkabila kong balikat at pinaharap ako kay Adillaine.

"Slap her" utos nito.

Lahat ay nagulat maging ako ng sabihin iyon ni Arche. What the fuck? Is he serious? Gusto niya bang sampalin ko sa harap niya ang fiancee niya?

"What the.. why would I --"

"Ayaw mo?" tanong nito ..

Tumitig lamang ako sa kaniyang mga mata at hindi kumibo..

Nag-umpisa siyang maglakad kay Adillaine at itinaas niya ang kamay niya para sana sampalin si Adillaine..

"Arche!" pigil ko sa kaniya..

Hindi ko alam pero maging ako ay nagulat sa aking ginawa. I hugged Arche from his back..

What the hell is wrong with my body?

Agad akong bumitaw mula sa pagkakayakap kay Arche. Mas lalong tumalim ang tingin sa akin ng mga estudyante. Na animo'y isang nakapatay ng ako ng tao. Well I think kailangan kong parusahan talaga ang sarili ko dahil sa ginawa kong kahihiyan.

Dahil sa sobrang hiya ay agad na akong tumakbo paalis.

"Aiisshh ang bobo mo kahit kailan" bulong ko sa sarili sabay palo sa noo ko ng aking palad.

Habang patuloy ang paulit-ulit na pagsapo ko sa noo ko ay napahinto ako ang isang kamay na nakaharang na sa noo ko para pigilan ang pagpalo ko sa aking noo. Nang lingunin ako kung kaninong kamay ito ay nakita ko si Arche sa kaliwa ko. He was straightly facing forward..

"A-Arche?" of course he's Arche wala lang talaga akong ibang masabi..

Lumingon siya saakin kasabay ng paghawak niya sa kaliwang kamay ko na ngayon ay nakataas pa rin. At pagkatapos ay hinila na niya ako..

"T-teka, bitawan mo nga ako.. " reklamo ko sa kaniya..

"Sorry I can't, I'm afraid you might not attend the detention, I don't want to face the consequence alone" sabi nito habang patuloy sa paghila saakin.

""Bakit? kasalanan mo naman diba? Kung hinayaan mo lang sana na makipagchange partner ako edi sana hindi mangyayari 'to" sabi ko sa kaniya at napahinto siya sa paglalakad.

Bakit? totoo naman diba? Siya ang may kasalanan.

Humarap siya sa akin dahilan para bahagyang mapaatras ako. Ngunit bago pa man ako makahakbang ay hinila niya ako palapit sa kaniya dahilan para mas lumiit ang agwat namin sa isa't-isa. Isang dangdal na lamang ang layo ng aking mukha sa kaniyang dibdib dahil nga sa matangkad siya.

COLD-BLOODED PHANTOM: A Sweet Nightmare (COMPLETED)Where stories live. Discover now