Chapter 2: Daydreams and Nightmares

115 11 0
                                    

I slowly walked on a garden full of red roses. The place was so perfect and it glows just like the full moon and the stars that shines brightly. My red summer dress dances with the night cold breeze just like how the flowers dances with the wind. Napatigil ako nang makita ang isang babaeng nakasuot ng puting kimona na nagmamadaling lumakad papunta sa isang napakalaking puno sa gitna ng hardin. Para bang may hinahanap siya.

Pinagmasdan kong maigi ang mga kilos niya. She looked very sad and broken. Napahinto siya sa kakaikot sa puno at may pinulot na malapad na bato. Matapos ay naiyak na lamang siya at niyakap ito.

Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya...

"Luna, patawad nahuli ako" panangis ng babae habang nakaluhod at yakap-yakap ang bato...

Matapos ang ilang minuto ay tumayo ito at nag-umpisang maglakad, sinundan ko siya at nanatili akong tahimik. Bitbit niya parin ang bato. Nakarating kami sa isang ilog, tumigil ako sa paglalakad pero siya ay tuloy-tuloy parin..

"Ang buwan ang tanging saksi ng unang pagtatagpo,
Na siya ring saksi ng unang pagtibok ng puso.
Nawa'y ang buwan ang magpaalala saakin sa pagdurusa mo,
At ang maging saksi ng aking paglalaho."

Matapos noon ay unti-unti siyang nilamon ng tubig, lalapitan ko na sana siya upang tulungan pero isang lalaki ang humarang saakin.

"Saksi ang buwan na iniibig kita, Maria Carmina" matapos niyang sabihin ang mga katagang iyon ay naglaho na lamang siya na parang bula at nakita ko ang malapad na bato sa kinatatayuan kanina ng lalaking tinatawag kong Luna.

Nakaukit dito ang mga salita huli niyang binanggit saakin. Muling sumikip ang dibdib ko at tumulo na lamang ang mga luha ko habang hinahaplos ko ang kagaspangan ng bato.

"Luna, patawad nahuli ako" usal ko at biglang nagdilim na ang buong paligid.

***
June 21, 2019

*CCCCCCRRRRRIIIIIIINNNNNNNNGGGGGGG!!!!!!

Nagising ako dahil sa tunog ng alarm sa smartphone ko. Agad akong napabalikwas mula sa pagkakahiga dahil dito. Naramdaman ko ang mamasa-masang pisngi at mga mata ko.

It's been four days since my last suicide attempt at nadischarge na rin ako sa hospital. Until now I'm still bothered about how did I came up with a name Luna.
Habang tumatagal I'm getting weirder, nababaliw na ba ako?

Matapos ng ilang segundong nakatulala lang sa hangin pay napagdesisyunan ko nang tumayo upang makaligo. Dumeretso na agad ako sa banyo at napahinto sa may lababo. Pinagmasdan kong maigi ang sarili ko sa salamin.

Ako si Devamirra Neoma Selene Dela Cuego. I used to love my name because it's related to moon. Pero dahil sa di malamang dahilan, I started to hate the moon and my name. Before my Mom and Haedeth calls me Naomi, but now, I really don't want to hear them calling me that name, that's why I keep telling them na they should call Mirra or Demirra. That's the only way for me to keep myself sane.

I'm 19 years old at magfi-first year college na this comming school year. Birthday? Please don't ask me about my birthday because I was also born during a fullmoon.

"Mirra, nandito na si Haedeth bilisan mo na diyan" rinig kong sabi ni Mommy mula sa labas ng banyo ng kwarto ko. Agad na akong nag-ayos para makaligo na.

Lumipas ang higit sa tatlumpong minuto ay natapos na rin akong mag-ayos. I'm wearing a black poloshirt at skinny jeans with matching white running shoes --my usual look. Bumaba na ako ng kwarto at nadatnan si Haedeth at Mom na nasa dinning room at nag-aalmusal na.

"Ayos ka rin 'no. Nakikialmusal ka na naman" sabi ko kay Haedeth sabay upo sa bakanteng upuan sa dining table.

"Eto naman ang sungit." sabi naman ni Haedeth. Inirapan ko na lang siya.

COLD-BLOODED PHANTOM: A Sweet Nightmare (COMPLETED)Where stories live. Discover now