Chapter 19: Moon Serenaders

23 5 0
                                    

Mag-isang nakaupo lang ako dito sa detention office at halos maglulunch time na. I tried to explain to them na may sleep disorder ako pero pinagtawanan lang nila ako at imbis na 5,000 words apology letter lang ang isusulat ko, ginawang 10,000 dahil daw sa nagsisinungaling pa ako. Tanghali na at nagugutom na ako pero hindi pa nga ako umaabot ng 5,000 letters..

"Aiishh gutom na ako" isinubsob ko na lang ang ulo ko sa lamesa. Hayyss at this rate mukhang makakatulog na naman ako.

Bigla namang may kumatok kaya napaayos ako ng upo. Pumasok ang isang delivery boy ng McDo.

"Kayo po ba si Ms. Dela Cuego?" tanong nito.

"Ahh.. opo" sabi ko.

"Delivery po" sabi nito at inilapag sa mesa yung pagkain.

"Ha? Hindi naman ako umorder? Baka ibang Ms. Dela Cuego" sabi ko..

"Devamirra Neoma Selene ho ba ang pangalan niyo?" muling tanong noong delivery boy. Tumango naman ako..

"Enjoy your meal ma'am" sabi naman nito aalis na sana siya kaso tinawag ko siya.

"Teka, ito yung bayad ko.." kukunin ko na sana ang wallet ko pero..

"Ahh, okay na ho. Nabayaran na po"

What?

Tuluyan nang nakaalis yung delivery boy.

Saan naman kaya galing 'to at sino ang nagbayad?

Kung nandito si Haedeth sa Pilipinas malamang iisipin ko na siya ang nagpadala nito. Hmm.. si Kelsey kaya? Ay naku, bahala na. Thank you na lang sa kung sino ka mang nagbigay. Kinuha ko na yung pagkain, ang laman ng lunch box ay chicken tapos rice, mah favorite! Tapos may iced tea at cheese burger din.

Habang busy akong lumalamon bigla na namang may pumasok ng pinto, nang lingunin ko, it was Juaquin..

"Ikinagagalak kong makilala ang walang 'sing ganda at rikit na binibining tulad mo Maria Carmina"

Muli na namang nagflashback saakin yung napanaginipan ko.

"Oh? Hindi ka man lang ba magtha-thank you sa nagbigay sa'yo niyan?" tanong nito at inginuso niya 'yung kinakain ko.. Napatingin ako doon sa lunch box na halos ubos na.

"Ikaw and bumili nito?" tanong ko sa kaniya..

"Eh sino pa ba?" sabi nito at umupo na doon sa upuang nasa tabi ko..

"Magkano?" tanong ko. At kinuha ang wallet ko sa aking bag. Mahirap na, ayokong magka-utang na loob sa mokong na'to.

"Hindi pera ang kailangan ko" Nagulat ako nang bigla niyang ilapit ang ulo niya kaya bahagyang umatras ako. He looked at me from my head to toe..

What the hell? Is he checking me out?

Agad kinuha yung bag ko at itinakip sa may dibdib ko. Natawa naman siya dahil sa ginawa ko.

"Pfftt.. Ang dumi ng utak mo." sabi nito at umayos na ng upo.

Bwesit eh siya nga 'tong kung kumilos parang manyak.

"May rehearsal ta'yo mamayang hapon, kaya tapusin mo na 'yang apology letter mo.. Sa musicroom ng Music Department third floor" sabi nito at tumayo na..

"Eh kung ayaw ko?" napatingin siya saakin at tinaasan ako ng kilay.

"Well, if you prefer to stay here, okay lang din naman saakin" sabi niya..

Tsk. Kainis, wala bang ibang choice?

"See you later" sabi nito at kumindat pa bago tuluyang umalis.

COLD-BLOODED PHANTOM: A Sweet Nightmare (COMPLETED)Where stories live. Discover now