Chapter 22: Dance With The Beat -Heartbeat

23 6 0
                                    

(August 19, 2019)

Maagang-maaga pa lamang ay kabado na ako para sa presentation namin mamaya sa PE. Hay, we should've practiced more.

"Oh? Naomi, ang aga-aga nakatulala ka na naman, sige ka maghapon kang ganiyan" sabi naman ni Kelsey.

"Anyways, on leave ang teacher namin sa subject na pang 12 noon, sabay na tayong mag lunch ha?"

Tumango na lang ako kay Kelsey. Napatingin ako sa relo ko, it's almost 8:00 na pero wala pa rin si Arche, hindi naman siya siguro absent ngayon diba? 'Wag ngayon please lang. Hindi ko alam kung anong gagawin ko para sa presentation namin mamaya kung wala akong kapartner. Well, I admit na nakakailang na kapartner si Arche pero it is much better kesa mag-isa akong magmukhang tanga sa harap ng maraming tao.

"Good morning class" dumating na ang instructor namin para sa Philippine literature pero hanggang ngayon ay wala pa rin si Arche.

"Before we formally start our discussion, I want you guys to research about Mirranda Del Valle. This is your assignment." sabi nito.

Del Valle? Kaano-ano siya nila Arche? Aiishh ano ba 'tong iniisip ko, lahat na lang ba kailangan kong ikonekta sa isang bagay?

Lumipas ang oras at natapos na ang lahat ng subjects namin na pang-umaga pero wala pa rin akong nakita ni-anino man lang ni Arche. Kaya mas lalo na akong kinabahan.
Hayss.. bahala na nga.

Pumasok na ako ng cafeteria at hinanap ko si Kelsey. Nagtext kasi siya sa cafeteria na lang daw niya ako hihintayin. Pagkapasok ko ay agad ko naman siyang nahanap. Umorder na muna ako ng chicken fillet, sandwich na wholebread with avocado, at fruity smoothie. Matapos kung umorder ay nagpunta na ako doon sa lamesa ni Kelsey. Nakaorder na din siya.

"Hayy.. buti naman at nakarating kana, kanina pa ako takam na takam na makakain" sabi nito at agad nang nag-umpisang kumain.

Nag-umpisa na lang din akong kumain at inilibot ang aking mata sa buong cafeteria at baka sakaling mahanap ko si Arche ngunit imbis na si Arche ang makita ko, ang nahanap ko ay yung mga ka banda ko, pero wala si Juaquin tanging si Jet, Ash at Kieth lang na pare-parehong may dala-dalang tray at mukhang naghahanap ng mauupuan. Agad kong iniwas ang aking mata ng mapansin ako ni Ash. Nagkunware ako na parang hindi ko sila nakita.

"Naomi!"

Aisshh too late.

"Can we share ba sa table niyo?" tanong ni Ash. Napatingin naman ako kay Kelsey na ngayon ay napatigil na din sa pagkain at nakatingin sa tatlo.

"Sure" sabi ko na lang.

"Woah, may chic ka palang kasama Naomi, ba't hindi mo kami pinakilala, well di bale na, Miss, I'm Kieth Azrael Thompson, and you are?" tsk may malandi palang side itong si Kieth may pa kindat-kindat pa kay Kelsey. Ito namang si Kelsey wagas ang ngiti.

"Uhmm.. it's Kelsey" sabi naman nito.

"Oooppss Kelsey, let me introduce my self also I'm Ashton" sabi naman ni Ash

"Come on guys, stop with the introduction, of course Kelsey knows you" sabi ko na lang. Nagsiupuan na sila, nasa tabi ko si Ash tapos tabi ni Ash si Kieth sa tapat naman nami ay ang magkatabing si Kelsey at Jet. I feel that something is a bit off about those two kasi the way they awkwardly try to look at each other, hmm may something talaga.

"Siyempre, kami lang naman ang nag-gwagwapohang manghaharana, who won't recognize us?" sabi naman ni Ash.

"Oopps, nadagdagan na tayo ng isang magandang binibini" sabi naman ni Kieth at nagwink naman saakin.

"Aiishh kumain na nga lang kay, ang iingay niyo eh." sabi ko naman sa kanila.

"Si Juaquin nga pala nasaan?" Tanong ko sa kanila.

COLD-BLOODED PHANTOM: A Sweet Nightmare (COMPLETED)Where stories live. Discover now