Amihan🍃

105 14 0
                                    

"Talasan mong iyong mga mata kaibigang Jp, mag iingat ka sa bawat paghakbang mo at baka makaapak ka ng maliliit na nilalang at ika'y kanilang parusahan

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Talasan mong iyong mga mata kaibigang Jp, mag iingat ka sa bawat paghakbang mo at baka makaapak ka ng maliliit na nilalang at ika'y kanilang parusahan."

'Naman! isang babala ba yun ni Flurrel sakin o tinatakot nya lang ako?' Nangilabot naman ako bigla ng may maramdaman akong dumikt saking binti.

"Waaa... Flurrel! dali tulungan mo ako huhu.."

Nanigas na'ko saking kinatatayuan, natatakot akong ihakbang pang aking mga paa, baka kung anuna naman ang dumikit sa paa ko.

"Bakit? Anong nangyayari sayo?"

Lumipad mula sa pagkakadapo nya saking balikat si Flurrel, sinipat nyang aking mukha na pawis na pawis at may ilang luha na ring pumapatak saking pisngi.

"Flurrel.... may dumikit sa binti ko... malamig sya.. Huhuy.. baka ahas na naman ituuuu..."

"Teka! lang saglit.."

At lumipad na nga ito pababa. Maya maya may narinig akong matinis na boses, kasunod nun ang tawanan. Kaya napilitan akong umuklo para maki usyuso syempre.

"Anong....?"

"Jp, sya si Howie, kaibigan kong makulit pero mabait."

"Yeekss! Anong klaseng insekto yan? Bakit kahaba naman ng kanyang dila?"

Lalong pumulupot saking binti ang dila ni Howie, lalo tuloy akong nanlamig. Sinundot sundot pa ng hawak nitong stick ang balat ko.

"Isa akong palaka na may halong butiki, 'wag mokong maliitin baka gawin kitang uod at ika'y aking kainin. Ginagawa ko lang ang tungkulin ko, kaya walang personalan trabaho lang."

'Putik ke liit liit pero ang angas... Eh! isang pitik ko lang dito talsik nato sa malayo eh.'

"Pasensya kana samin Howie, makikidaan lang naman kami eh..."

"Sakin, walang kaso yun Flurrel, pero sa kanya.."

Napasunod naman ang tingin namin ni Flurrel sa inginusong dereksyon ni Howie. Napaatras ako ng makita kong isang maganda na namang Dilag na nakaupo sa isang malaking kabute. Itim ang kanyang suot na damit, pula ang kulay ng kanyang mahabang buhok. pero bakit itim ang kulay ng kanyang pakpak? bakit naiiba ang kanyang anyo kila Ayana, Alitaptap at Mayumi? Di kaya isa syang masamang Diwata? Naku naman! Tingin pa lang nya nakakatakot na...

"Anong ginagawa ng isang Tagalupa dito sa Engkantadya?"

Kahit boses nya nakakapangilabot, anuba yaaann..

"Paumanhin Diwatang Amihan, kung nagambala namin ang inyong pamamahinga."

Naramdaman kong pagdapo ni Flurrel saking balikat. Nabaling ang tingin ko sa kanya ng biglang lumiwanag ang kanyang pakpak. Kahit si Howie nagliliwanag ang buntot nito ng aking sulyapan. Nagulat na lang ako ng bigla nitong tusukin ang aking binti.

   Sa Mundo Ng Engkantadya🍃✔💯Where stories live. Discover now