Mangkukulam at Dwende🍃

48 12 0
                                    

"Maraming salamat sa'yo Akesha, iba ka talaga sa lahat ng tagapagbantay ng mga lagusan

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Maraming salamat sa'yo Akesha, iba ka talaga sa lahat ng tagapagbantay ng mga lagusan."

Misteryosong ngumiti yung Akesha, nakita kong kislap ng kanyang mga mata habang nakatingin kay Vega na pasimple namang kumindat dito, bago ibinaling ang tingin kay Buggles. Ilang minutong nagtitigan ang dalawa na tila nag uusap. Ibang feeling ko sa tatlong ito eh! Parang may lihim silang itinatago samin.

"Sa gagawin nyong paglalakbay sa Kaharian ng Getah, may mga mangkukulam na aagapay sa inyo. Hanggang sa marating nyu ang lagusan ng mga Lambana."

"Mangkukulam? Masasama sila! Baka ipahamak lang kami ng mga yun."  Di'ko napigilang sumali sa usapan nila pagkarinig ko sa pagbanggit nya sa mangkukulam.

"Hindi naman lahat ng mangkukulam ay masama, Jp! meron din mababait at tumutulong sa kapwa, may damdamin din silang nasasaktan at umuunawa, nagmamahal, nabibigo at minsan nakakapag-isip ng masama." Depensa ni Akesha.

Nahiya naman akong bigla sa mga nabitawan kong salita.. "Pasensya na kayo sa'kin ha! Kasi, sa mundo namin.. masasama ang mga mangkukulam."

"Magkaiba ang mga mundo nating ginagalawan, siguro sa mundo nyo masasamang uri ng mangkukulam ang naninirahan doon, pero dito sa amin, ang mga mangkukulam dito ay nakakahanga ang kanilang kakayahan, maging ito man ay nakakatulong o nakakasama minsan, hindi ka naman madadamay at masasaktan, kung ituturing mo silang pantay pantay at hindi hinuhusgahan."

'Arayku naman! Grabe talaga 'tong si Howie.. Lagi na lang akong nasasapol sa mga paliwanag nito eh! Masama bang maging judgmental? Eh sa ganun kasi ako eh! Hindi ako perfect pero honest lang naman ako! Kung anong nakikita at feeling ko.. sinasabi ko, yoko kasing magkimkim ng mga saloobin ko.. Kaya ganun ka walang pake ang bunganga ko..'

"Tama na yan! Ang mabuti pa, maglakbay na tayo. Mas lalong mapanganib kapag lalong dumidilim ang paligid."

Tinapik muna ni Urduja ang aking balikat bago sya humakbang pakakahuyan.

"Kapit ka lang sakin, Jp. Dahil kapag ako ang kasama mo, walang mangkukulam na makakalapit sa'yo."

Napatingin ako kay Buggles, sa kanyang buhok na kulay itim.. sa may kakapalan nyang kilay.. sa matangos nyang ilong.. sa mamula mula nyang labi na nakangiti.. sa mapuputi nyang ngipin na may sungki.. Sa totoo lang mabait naman talaga si Buggles eh! Kaya lang may pagkapilyo at pasaway.. minsan alaskador din. Pero sa ikli ng pinagsamahan namin nakikilala ko na sila ng mabuti. At aaminin kong nagugustuhan ko na silang lahat... Unti unting sumilay ang ngiti sa'king labi ng ilahad ni Buggles ang kanyang kamay sa'king harapan, inabot ko ito saka mahigpit na hinawakan. Nakakahiya mang aminin pero napakagaan ng loob ko ngayon sa kanya.

"Buggles, salamat ha!"

"Salamat! saan naman?" Masuyo nya akong hinila para makasabay ako sa mabagal nyang paglalakad.

"Sa mahaba mong pasensya, saka sa pag iintindi mo sa topakin kong pag uugali. Ikaw lang ang nakatagal sa'kin lam mo ba yun?"

"Kanina hindi! Pero ngayon alam ko na! Hahaha..."  Kita mong langaw na'to nag uumpisa na naman...

   Sa Mundo Ng Engkantadya🍃✔💯Where stories live. Discover now