Mga Itim na Anghel🍃

56 13 0
                                    

"Marunong ka bang lumangoy?"

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Marunong ka bang lumangoy?"

"Hindi?"

Napatampal ng kanyang noo ang langaw, alam kong naiinis na sya sa'kin, kaya mas lalo ko pa syang iniinis harharar.

"Ano lang bang alam mo?"

"Ahm... Kumain, matulog, maglakwatsa saka magpasaway.." Inosente ko namang sagot.

"Gusto mo pang mabuhay?" Nagtitimping tanong ni Buggles sa'kin. Ewan ko ba kung bakit ang dami nitong tanong sa'kin, samantalang tahimik lang at nagmamasid ang iba pa naming kasamahan.

"Anubang klaseng tanong yan, Buggles? Syempre naman gusto ko pang mabuhay. Bakit kaba kasi aligaga dyan?"

Napabuga pa ito ng hangin bago ako seryosong tiningnan.

"Dahil hindi tayo pwedeng dumaan sa kalupaan masyadong mapanganib, kaya sa karagatan tayo dadaan."

"Ha! Anu yung sinabi mo Buggles? Sa karagatan tayo dadaan? niloloko mo lang yata ako eh!"

"Totoong sinabi ni Buggles, Jp! Sa karagatan tayo dadaan, dahil may nag aabang sa'tin na mga itim na Anghel paglabas natin sa tahanang ito."

Kinillabutan na naman ako sa sinabi ni Flurrel. Nadagdagan pa ng takot ng si Vega naman ang sumunod na nagsalita.

"Hindi natin sila makakayang gapiin, lalo na't pinamumunuan sila nina Abaddon, lsis at Athena."

Napataas naman biglang aking kilay. "Bakit naman? Napaka powerful ba ng tatlong yun at hindi natin sila kayang tapatan?"

Umiiling na napatayo mula sa kinauupuang silya si Howie, saka palakad lakad ito sa aming harapan habang malalim ang iniisip. Nakasunod naman ang tingin namin sa kanya. Halata sa mukha nito ang pangamba at pag aalala.. Maya maya nagsalita na rin ito.

"Ang mga itim na Anghel, Isa sila sa mahigpit na katunggali ng mga Diwata, kahit sa mag kabilang dulo ng mundo di maiiwasang sila'y mag kasagupa, sa kadahilanang mga tuso at mapanlinlang ang mga itim na Anghel. Malakas na mahika ang ginagamit sa kanila para sila'y matalo at mapuksa. Sila ang mga makasalanang Anghel na mapang-hangad, gawain nilang puntahan ang Kaharian ng mga Puting Anghel at nakikisalamuha, kapag ang mga puting Anghel napa-ibig nila at tiwala ay nakuha, Pinapakinabangan muna nila saka pinapaslang isa isa.. Pero, mabigat naman ang kaparusahang ihahatol sa mga itim na Anghel, sa sandaling mapatunayan na sila nga'y nagkasala."

Napaisip ako sa sinabing yun ni Howie. 'Panu nga namin magagapi ang mga fallen Angels na yun, kung tanging si Diwatang Urduja lang ang kasama naming Diwata ngayon?' Napabaling ang tingin ko sa dalawang Anghel na kasama namin, kay Cassiel at Kahlil. 'Eh sila ba? Wala ba silang maitutilong samin?' Yun ang gusto ko sanang itanong kung di lang nagsalita ulit si Howie.

"Si Athena, Diyosa ng digmaan at karunungan. Naniniwala si Plato na ang kanyang pangalan ay nangangahulugang "isip ng Diyos," habang ang iba ay nagmumungkahi na nagmula ito sa isang sinaunang salitang nangangahulugang "matalas." Ang parehong mga salitang ito ay tumuturo sa mahusay na kakayahang intelektwal ni Athena na makita ang totoong likas na katangian ng isang sitwasyon at upang makabuo ng mga matagumpay na diskarte."

   Sa Mundo Ng Engkantadya🍃✔💯Where stories live. Discover now