Urduja🍃

80 15 0
                                    

  "Waaa!

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

 
"Waaa!.. Trulala na ba itong mga nakikita ko ha? Hindi na kayo mga lnsekto ngayon kundi mga tao na kayo! Ay mali! Mga Engkantada at Engkantado na kayong apat? Wooohh..! Nakakatuwa naman... Ang saya sayaaa..."

Napapalakpak pa'ko sa tuwa, manghang mangha talaga ako sa pagbabagong anyo ng mga kaibigan kong lnsekto.

"Vega, ang ganda ganda mo naman.. grabeh." Panay pang kurot ko na may kasamang mahinang hampas sa braso nito. "Nahiya naman ako sa kinis ng balat mo Flurrel, at ang mga hair nyo ha! Parang bagong hot oil sa kintab... Sana all kagaya nyo.. di lang mabeauty, mababait pa!" Haplos at hila ng konti sa buhok ng dalawa ang ginagawa ko makontento lang ako.

'Grabeh! Ibang level na talaga itong mga nagaganap sa... Teka! Sino ang Diwata na yun? Bakit ganyan sya kung makatingin sa'kin?'

Bumaba sa dahon na kinasasampahan nya ang Diwatang kulay Purple ang suot na damit. Nawala ang pansin ko sa kanya ng magsalita si Buggles.

"Eh kami ba Jp, hindi mo ba kami pupurihin ni Howie? Nakakatampo kana ah! Puro kana lang Vega at Flurrel.. Panu naman kami ha?"

"Sus! Wala namang nagbago sa'yo, kaya bakit pa kita pupurihin? sayang lang laway ko" Pang iinis kong lalo kay Buggles ng makita kong namumula ng mukha nito.

"Ah! ganun!.."

Ng makita kong biglang pagpihit nito papunta sa'kin, mabilis na'kong tumakbo palayo dito, pero kaagad ding napahinto ng marinig kong sigaw ni Howie.

"Hoy! Tama ng harutan nyong dalawa at pasugod ng mga Bampiraaa..."

"Bampira! oo nga pala, forget ko, sorry Howie!" Kitang kita ko ang paghaba ng stick na hawak ni Howie patungo sa unang Bampira na sumusugod sa'min. Sapul sa dibdib ang Bampira na biglang naging abo na lang at tinangay ng hangin palayo. Ramdam kong may tumabi sakin, akala ko si Vega, kaya nawala ang takot ko. Pero pagbaling ko dito ibang Diwata ang nakita ko.

'Hala! Sya yung nakita kong nakasampa sa mataas na puno kanina.. Yung pumipitas ng purple orchids.'

"Huh! Vizard?..' Napapailing at bahagyang nangiti pa ito. Na tila ba hindi man lang kakikitaan ng konting pangamba sa magandang mukha nito. 

'Sino naman ang isang magandang Dilag na ito? Prinsesa din sigurado ito, eh sa aurahan lang nito mas bongga pa kila Ayana, Alitaptap, Mayumi at Amihan, na mga simple lang.'

"Bilib na talaga ako sa'yo Wilbur... magaling ang espiya mo, nasurpresa naman ako sa mga alagad mong sumugod dito. Pero, pasensya kana lang, dahil hindi ko hahayaang masaktan ang mga insekto at ang Tagalupang ito"

'Anuraw? Mga Insekto at Tagalupa?' Nanlalaki ang mga mata kong napatitig sa maganda nyang mukha. 'Kaibigan siguro sya nila Howie!'

Habang pinagmamasdan kong seryoso nyang mukha, napansin kong may nagsusulputang mga paroparo na iba't ibang kulay at pumalibot sa kanya.

   Sa Mundo Ng Engkantadya🍃✔💯Where stories live. Discover now