Chapter 12

1.4K 92 15
                                    

We are both exchanging heavy attacks for almost five minutes. Parehas lang kaming tantsado lahat ang bawat galaw kaya ni isa sa amin ay wala pang natatamaan.

The crowd also got bigger this time.

"Nice moves." He mocks as we stopped attacking each other. He's been trying to get inside my head but sorry, I'm enjoying our exchanged heated jokes since we begun.

"Playing safe?" I asked him.

"Are you?" Balik nitong tanong sa akin. I cussed inside my head. Gusto ko na lang matapos ito.

I dragged my sword while going near him, he did the same thing.

Pareho. Sabay. Pareho naming sinalubong ang isa't isa. Sabay din kaming umatake. Pareho kaming umasinta nang base sa kutob. Sabay din kaming umiwas.

Mula sa puwesto ko ay nilingon ko ang likod ko. Ilang hakbang na pagitan lang kami at maski siya ay agad lumingon sa akin.

Wala. Wala ni isa sa aming dalawa ang nagawang makatama sa vest ng isa't isa.

I shut my eyes for a second and felt my body. Agad akong napalingon sa braso ko. There's a short cut near my elbow.

Hindi makapaniwalang napatingin ako sa kanya pero laking gulat ko na lang nang mapansin ko ang pagdugo rin ng kabilang braso nito.

We both hit each other . Hindi sa vests. Kundi sa mismong katawan.

I heard some gasps from amazement. Kahit ako siguro kung isa ako sa mga manunuod. Natigil lang ang bulungan nang lumapit sa gitna ang tatlong guro kaya pareho kami ni Ian lumapit dito. He's not cutting his stares since after we attacked each other.


"It should be apply at your vests, not on your arms. Wala sa inyong nanalo. Sa susunod, tandaan niyong pagsasanay lang ito na hinaluan ng laro. Hindi kayo nandito para magpatayan."

I know. We both know. Gusto kong isagot sa kanila iyon. Pero nang magtama ang mata namin ni Ian ay natigilan ako.

Ang larong iyon kanina, nahaluan ng iba. Our desire to attack each other while defending ourselves made us almost killing each other.

Nabasa niya ako. Nabasa ko siya. Parehas kami ng plano. Alam kong alam niyang sa sarili niya na hindi namin pinigilan ang sarili namin. We fought as if it was a do and die. Pareho naming alam sa sarili na kung di kami iiwas habang umaatake ay siguradong tatagos sa isa't isa ang sandata namin sa vest.

"You both know the rules." Pagpapatuloy ng isang guro.

Ang kaninang maingay na mga estudyante ay naging tahimik. Alam kong isa ito sa kanilang diskusyon pagkatapos makita ang aming mga sugat.

"Expulsion. Extraction from your clan." Saad nito sa mga parusa para sa mga estudyanteng nanakit habang nasa ilalim ng training.

Naramdaman ko ang biglang paglapit ng mga tao mula sa likuran ko. Sofi went beside me followed by the Soldiers of our Mafia. Nang lingunin ko si Ian ay ganoon din ang nangyari.

Mabilis na lumayo at nahawi ang mga estudyante. Maski ang tatlong guro sa unahan namin ay natigilan sa nasaksihan. Nakita ko ang saglit nilang paguusap gamit ang kanilang mga mata. Lumayo ang isa sa kanila na sinundan ko ng tingin. Hawak na nito ngayon ang isang telepono. I understand what's happening.

"You wouldn't want to inform him that his heir will be kicked out." Ian uttered.

"And you wouldn't want a Giovanni to be kick out too." I added and crossed my arms in front of me.

Mafillia UniversityWhere stories live. Discover now