Kabanata 11

861 75 2
                                    

Kabanata 11...
Rain


Makulimlim ang araw ngayon kaya nangangamba akong umulan mamaya. Wala pa naman akong dalang payong.

Bumuntong hininga ako at marahang hinimas ang braso kong tinamaan ng malamig na hangin mula sa bukas na pintuan ng classroom. Karamihan sa mga kaklase ko'y nag iingay, habang ang iba nama'y tila umidlip na.

"Oy,"

Unang lingon ko ay ang nakangiting muka agad ni Sebastian ang bumungad sa'kin. Bumaba ang tingin ko sa palad nitong may chocolate drink.

He extends his arm and smiles brightly at me. "Sa'yo,"

Sandali akong ngumiti at inabot na ang drink.

"Thank you..."

Mabilis kong naramdaman ang lamig niyon, at matapos mabahiran ng kaunting tubig ang kamay ko'y ibinaba ko na sa lamesa.

"Inuutusan kami ni Ma'am sa Lab, said we're gonna get some paraphernalia," ngumiwi ito.

"Sige na. Baka pagalitan pa kayo," I even nodded and console him to go.

He then smiles again and tap the top of my head before leaving with Michael. Tinanaw ko lang ito hanggang mag laho sa paningin ko at muling ibinalik sa ibinigay nitong chocolate drink.

"'Teh, ano? Paninindigan mo na 'yan?"

Hindi na ako nagulat pa sa bulong mula sa likod ko. Nakasimangot akong umurong para humarap kay Denver.

"Pa'no ko sasabihin?"

"'Di kita gusto. Bye na," He winced while I frown at him even more.

Lagpas dalawang linggo na simula nang i-declare ni Sebastian na kami ng dalawa. I've been thinking of ways to confront him too for two weeks too, kaso ay hindi ko naman s'ya mahagilap.

Kasamahan ito sa troupe ng school at dahil may performance sila sa susunod na event, madalas na silang mag practice. We're eating lunch together, kaso may mga kasama naman kami. This is a serious thing between us, at kung mag uusap kami sa harap nila. Maaaring masahugan pa ng kung ano-ano.

Isa pa, he seems... really proud about it. And I know telling him about this will hurt his pride. Kaya I'm really finding to find a time for us now.

"Gan'yan siguro ginagawa mo sa mga fling mo..."

"Of course! The more time you wait, the more they'll be problematic. Kaya bilisan mo na habang maaga pa. 'Wag mong sabihing paabutin mo 'yan ng one month, my God," he rolls his eyes.

Napanguso na lang ako at muling umayos ng upo dahil narinig ko ang pagpasok ng aming susunod na guro.

Ang hirap naman kasi.

Napalapit na sa'kin si Sebastian. It's hard to just cut ties with him.

Kaya natapos ang araw na 'yon nang hindi pa rin kami nagkakausap tungkol sa gusto kong "hiwalayan." However, I'm determined I'll talk to him tomorrow.

Denver's right. This can't just stay any longer when I just think of him as a friend...


"Ingat, okay? Nandyan si Ate mo. Pag nagugutom ka na, just tell her."

Tumango ako sa tinuran ni Papa at muling ngumiti. Kasabay noon ang pagrinig namin sa maingay na stilettos ni Mama.

"You're babying Callie again, Clark! Kaya hindi matuto sa mundo 'yan e," she clicked her tongue. "She already knows what she's gonna do. Matanda na 'yan, at dalawang araw lang tayong mawawala!"

Ngumiwi ako.

"I'm just reminding her, Angeline. You can't be so sure,"

"Naku! Hindi pa 'yan mag-aasawa 'pag nawala tayo ng dalawang araw! Halika na!"

Shattered Pieces of TrustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon