Kabanata 33

907 57 6
                                    

Kabanata 33...
Nothing


Nagising ako kinaumagahan ng masama ang pakiramdam. Pero nang pagbuksan si Denver ng pintuan at nakita itong grabe ang hagulgol ay nagising na lamang ang diwa ko. Ang galit na ipinangakong ibubuga sa kan'ya ay nakalimutan na.

Agad ko s'yang pinapasok at pinaupo sa couch.

"What happened?"

"Nag away kami," hikbi n'ya.

"Bakit?"

"Nahuli ko kasing may ibang kausap sa phone na babae! Tapos ayaw nang ipahawak ang cellphone n'ya!" Muli itong humagulgol.

Kumunot ang noo ko.

"Babae na 'yon, sure ako..." he punches my pillow. "Wala na akong laban do'n..."

Sunod-sunod na ang kwento n'ya. Habang tumatagal ay mas lalo akong umaayaw sa kan'yang boyfriend. Naiinis nga ako't hindi pa s'ya nakipag-break agad.


"I told you I don't like him. Just break up with him."

Umiling s'ya habang tulala. "Mamaya tatawag ulit 'yon sa'kin. I'll make him block that girl,"

Suminghap ako at umirap.

Tinitigan ko lang s'ya. Ilang sandali ay muling tumulo ang luha n'ya.

"Sana pala hindi na lang successful ang fashion show ko kahapon kung ganito lang din pala ang balik!"

Napangiwi ako pero agad s'yang niyakap.

"Den, I don't think he's even worth it than your career. Don't manifest your career's doom for that man."

He even shook his head!

Umirap ako pero pinagpatuloy lang ang yakap sa kan'ya.

Sa gitna nang muli n'yang pag iyak ay ang pag bukas ng pintuan. Nanlaki ang mata ko kay Leon habang may bitbit na bag. Umawang ang labi n'ya. Agad kong inilagay ang index finger sa labi ko para patahimikin s'ya.

Sinundan ko s'ya ng tingin na patungo sa aking dining table.

Pumamewang ito habang pinagmamasdan kami matapos ilapag ang mga dala.

Ang sarap n'yang tanungin kung bakit s'ya narito, kaso malamang ipa-aalala lang n'yan na nanliligaw s'ya.


Denver sniffed. "I'll not see him or text him until he makes the first move. Dito ako matutulog kasi baka puntahan n'ya ako sa condo, right?"

Sabay kaming napalingon sa suminghap na si Leon.

He nods before awkwardly waving his hand. "Hello..."

"Joke... lang?" Napangiwi si Denver.

"Hindi, okay lang. It's Sunday anyway, we can have sleep over. At tama lang, 'wag mo na s'yang kausapin."

Tumikhim si Leon. Sinamaan ko lang s'ya ng tingin.

Nagkatinginan kami ni Denver. Ngumiwi s'ya.

"'Wag mong pansinin. You can sleep over here. Besides, I need to see if you won't really make the first move,"

He pouted.

When I glance at Leon, nakasimangot na ito habang inaayos ang dalang pagkain. Madaling inatake ng amoy noon ang ilong ko. I can't help but to crane my neck to see what he bought.

"Nakakagutom bigla. Pwede ba 'ko maki-join sa food ng bebe mo?" Denver whispered.

Sinimangutan ko s'ya. Hindi na nagreklamo sa bilis n'yang magpalit ng mood.

Shattered Pieces of TrustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon