Kabanata 18

817 66 6
                                    

Kabanata 18...
Nakakatakot



After buying everything I needed, nag tungo na ako agad sa sasakyan at isa-isang binalot iyon ng may disenyong pambata na gift wrapper habang umaandar ang sasakyan patungong orphanage.

Malayo-layo pa naman iyon, siguro bago kami makarating ay balot na lahat ito.


"Kuya, patigil po muna do'n. May bibilhin lang po ako,"

Isa-isa ko nang tinatanggal ang mga nakapatong sa'kin na kalat nang magsalita si Kuya Manolo. "Ako na ho ma'am, dito na lang po kayo sa sasakyan."

Hindi na ako nakipagtalo pa at ibinigay na lang rito ang mga bibilhing pagkain. Of course, I can't go there with just gifts. Nakakahiya naman.

Bitbit-bitbit ni Kuya Manolo ang mga pinamili ko kanina habang papasok kami ng orphanage. Kumunot ang noo ko matapos makapasok sa gates. Akala ko pa walang tao, pero habang papalapit ay may nakikita na akong iilang mga bata.

Three kids playing at their garden, that's kind of strange...

Ganoon pa man, nagtuloy-tuloy pa rin ako papasok sa loob at habang papalapit nama'y mas rinig ko na ang ingay ng mas maraming bata.


"Oh!" A sister suddenly appeared. "Narito ka na pala, hija, halika!"

Kumunot ang noo ko pero nagpaagos na sa kan'yang hila.


"Leon?!"

Naabutan ko itong tatawa-tawa habang pinalilibutan ng mga bata. Sa gilid n'ya ay ilang pagkain, namataan ko naman si Kristine na nakikipaghabulan na sa ilang mga babae.

Just... what are they doing here?!

"Oh, hi! Tinanghali ka yata," he said casually with a smile plastered on his face.

"W-What... Bakit kayo narito?"

He chuckles and glance at the older sister near us.

"Ano ka ba hija, ba't ka nagtatanong ng gan'yan, kanina ka pa nila inaantay rito. Akala ko ba'y magkakasama kayo at na-late ka lang?"

Magkasama? Na-late?

Tiningnan ko si Leon at nakangisi lang ito na para bang natutuwa pang pinapagalitan ako ni Sister.

What? What the hell?

"Ah..." nakagat ko ang labi ko.

"Ma'am,"

My brow immediately shot up when I heard Kuya Manolo behind me. "Ito po pala, sister. Kaunti lang po 'yung nadala ko, pasensta na..." I chuckle awkwardly.

Tumaas naman ang dalawang kilay ni sister at agad tinawag ang dalawa yatang nakababatang sister nila dito at kinuha na kay Kuya Manolo iyong mga pagkain.


"Ate Callie!"

Mabilis akong napangiti sa maliit na boses ni Liam habang nananakbo papalapit sa akin. Bahagya akong umupo sa kinalalagyan ko at sinalubong ito ng yakap.

"Hi!" Natawa na ako.

"Ate Tine!" Sigaw naman ni Kristine na kakakita pa lang yata sa'kin. Nanakbo rin ito at sinalubong ako ng yakap kaya tumatawang niyakap ko ang dalawa.

The next thing I knew, I'm already being embraced by numerous children. And I'm not even complaining.


"I didn't know you're here. I'll buy you next time don't worry," hinaplos ko ang buhok ni Kristine habang ang ibang bata'y namataan ko nang tinitingnan ang mga dala kong regalo.

I really don't know if it's enough, but I hope it is.


"Wow! Ang ganda!" Liam even gasp and showed me the little helicopter I got him.

Shattered Pieces of TrustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon