III

4.1K 127 96
                                    

Natapos ang unang tatlong subject namin na puro discussion lang para mag review, next week na ang finals kaya pala dalawa sa subject namin na powerpoint ang final output, mabuti nga at hindi sabay ang deadline e', nakaka kaba minsan.

"Hoy! Heil, ano na? Kinakabahan ako, maaga pa naman laging dumating si Ma'am."

Kinalabit ko ito na busy sa pag f-facebook, nang lumingon ito sa'kin, binigyan niya lang ako ng simpleng ngiti.

"Check mo na 'yung message request mo, kaka send niya lang daw."

Napatigil ako. "Seryoso ka ba?"

"Go, check it yourself."

Napasandal ako sa arm chair ko, naramdaman ko ang paglapit ni Loreine sa akin kaya napalingon ako. Nakatanaw siya sa cellphone ko, she pursed her lips. Muli kong itinago ang phone ko, tumingin siya sa akin na nakakunot ang noo.

Mala Marites talaga 'to minsan e.

"Pa chismis lang. Engineering daw 'di ba? Dali na."

Sinamaan ko siya ng tingin bago ko muling ilabas ang phone ko, binuksan ko ang messenger do'n. Mayroon akong 11 request, may nadagdag na isa. 'Yung sampu puro arabo kaya hindi ko tinignan ang message.

Nanlaki ang mata ko nang makita ko ang pangalan, agad kong itinago ang phone ko.

"Mabilis mata ko, tanga." Loreine chuckled.

I hissed before turning my gaze at Heil. Tarantadang 'to, hindi man lang sinabi na 'yon ang gagawa ng powerpoint ko. Nakakahiya tuloy.

I pushed her from her arm. "Puta ka, kaibigan mo pala 'yon!"

Nakakunot ang noo nito nang tumingin siya sa akin. "Kakasabi ko lang kanina 'di ba? Gulat na gulat ka diyan."

I swallowed, bago ako sumagot ay naunahan ako ni Lorein. Sinamaan ko siya ng tingin pero nagkibit balikat lang ito sa'kin na para bang inaasar ako. Nakakasama ng loob, ipinagdadamot ko nga ang pangalan ng crush ko e'. But they have crushes na, hindi nga lang na crushback.

"Miko Clark Cruz." Ani ni Loreine. Kinuha nito ang phone niya habang nakangiti. "Ma search nga."

"Siya 'yung dancer na crush ko!" I shouted. Para hindi na niya magawang i search 'yon.

Naramdaman ko ang pagtigil ng ingay sa room. I found out that they are staring at me. Shutangina! Nakakahiya. Napapikit ako at tumungo sa arm chair ko, wala na, alam na nila. Ang bunganga ko kasi hindi matikom kahit segundo.

"Awit, name reveal."

"Yva, ang kalat!"

"Baka 'yun yung nag sayaw kahapon sa stage."

Napalingon ako sa gawi ni Joshua, I raised my middle finger to him na mas ikinatawa niya. Muli akong tumungo at nagtitili, naririnig ko naman ang tawang dalawa.

Nakakahiya!

"Ikaw ha, kilala mo naman pala."

"Gusto mo lakad kita?" Si Heil na patuloy pa rin sa pag tawa.

Inaangat ko ang tingin ko at ngumuso, hindi ko nalang sila pinansin at tuluyan ko nang binuksan ang message ni kuya Miko sa'kin.

Miko Clark Cruz

Here's your powerpoint, may bayad 'yan Dam. See you!

"Tangina, 'di siya jeje mag type." I uttered.

He looks so educated and mature, kitang kita sa typings niya. Omg, nakakahiya naman ang typings ko na shinoshortcut ko for sarcasm with multiple crying emoji. Hindi ko na 'yun muna gagawin baka ma misinterpret niya.

"He's a dean lister." Mabilisang sabi ni Heil.

My jaw dropped. No wonder ang sipag niya at responsable. Tamang tama, bagay kami.

Bobo ako, matalino siya. We're compatible.

Pinangunahan ako ng kaba bago magreply. Aayusin ko na talaga typings ko simula ngayon.

Ako.

Thank you! Hindi ko po alam na ikaw ang gagawa, I'm sorry kuya :(((

Binatukan ko si Loreine nang sumilip siya sa phone ko habang si Heil ay napapalakpak na kakatawa. I shook my head and rolled my eye. Ang mahalaga chat mate na kami ni crush, dito magsisimula love story namin.

Kaso panget sa messenger mag chat baka pakialaman na naman ni kuya ang phone ko.

Nilingon ko si Loreine, I know she's a pro when it comes to this. Ang dami dami na niyang nakalandian from different universities. Si Heil kasi naka focus lang sa crush niyang hindi siya crush, ngumingiti minsan sa klase nang walang dahilan.

"Insan, may alam ka pa bang ibang app for communication?"

Her eyebrows furrowed. "Bakit?"

"Ang boring kasi kapag sa messenger lang kami mag uusap, suggest ka nga."

"Dami dami e. pwede kayo sa shopee, telegram, snapchat, tiktok and twitter mag usap."

My eyes widened a bit. "Halatang cheater ah, ang daming back up."

Hinampas ako nito. Bwisit! Sakit mang hampas, akala mo magaan 'yung kamay e.

"Boba! Nagtanong ka 'di ba?"

I pouted, joke lang naman, nanakit na. Napansin kong mabilis na nagsipag tayuan ang mga kaklase ko at bumalik sa upuan nila, napatingin ako kay Heil na kalmado lang na tumayo.

"War na naman kayong mag pinsan. Andiyan na si Ma'am isabukas niyo na iyan."

Bumalik na si Heil sa kaniyang upuan ganoon rin si Loreine. Nakahinga ako nang maluwag dahil mayroon na akong powerpoint. Laking pasasalamat ko kay kuya Miko.

He's responsible even though it's not his business.

Kinagabihan, sumilip ako sa kwarto ni kuya ng walang pasabi. Nasa kaniya kasi ang gitara ko, mahilig mangialam hindi marunong bumili. I stopped when I found him playing my guitar, he's singing from his heart.

Nakita kong nasa tabi niya ang kaniyang phone, pinanliitan ko ang mata ko para makita kung sino 'yon.

Jasmine

Binalik ko ang tingin ko kay kuya na tuloy pa rin sa pagkanta. Ngayon ko lang nakita na seryoso sa pag kanta ni kuya, bawat liriko na binabanggit niya damang dama. Girlfriend niya kaya si ate Jasmine?

Iginilid ko nalang ulo ko at isinarado ang pinto ng kwarto ni kuya. Hahayaan ko muna siya, baka masira ko moment niya roon. Iba talaga nagagawa ng in love.

Bumalik ako sa kwarto ko at nagsuot ng sweaters, kumuha rin ako ng pera sa aking wallet. I love to walk late at nights, pampakalma ng sistema. I want to be in peace. Peace 'yung pamumuhay ha? Hindi 'yung rest in peace, gusto ko pang mabuhay at maging doctor. Saka na 'yan.

Pagkababa ko nakita kong nanonood ng tv si Dy, ang bunsong kapatid namin. She's a grade 6 student pero maganda na agad ang fashion sense, maybe sa social media or sa mga nakakasama niya. Ang mga katulad nitong si Dy, naka crushback agad e.

"Dy, bibili lang ako ng iced coffee, maglalakad lakad na rin. Diyan ka muna, ipaalam mo ulit ako kila mama at papa. Baka nag loving loving na naman."

She nodded. "Buy me an ice cream, ate. Kahit cornetto, thank you!"

Tumango nalang ako. Sa totoo lang kapag naglalakad ako tuwing gabi, bigla akong nabibigyan ng peace of mind tapos ang tino tino ko. Pag sa umaga ang kalat kalat ko o kaya lantaran, wala e. Gano'n ako ginawa ni mother earth.

I wonder if everyone hates my attitude, minsan na akong nasabihan na bida bida. That's the reason why hate being friendly, si Heil ay long time bestfriend ko, si Loreine na pinsan ko matagal na kami niyan magka bonding. They are the ones who appreciate my existence, sapat na sila sa'kin.

The wind blows my hair while walking gives me comfort, inaalis nito ang stress na kanina ay na sa akin. It's became clearer than clear. How I love walking late at nights, ito lang ang nagpapagana sa'kin at nagbibigay tulong sa mga bagay na nakakaligtaan ko.

Peace of mind is the best medicine. 

Ineffable Decision (STEMANIANS SERIES 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon