Lumipas ang weekend na 'yon ng ganoon, sabado ko nakita si crush pero masakit dahil nakababatang kapatid ang tingin niya sa'kin, ang linggo naman sobrang boring. Nag gawa nalang ako ng dalgona since iced coffee din 'yun na inartihan lang ng konti, tapos gumawa pa ako ng essay.
So, this is life. Exhausting and boring if you did the same routine everyday. Naka depende na siguro sa tao kung paano nila iyon bibigyan ng kulay.
My life was colorless sometimes, ako at ako lang din nagbibigay ng rason kung bakit nagiging makulay at maganda ito. Being alone is not emptiness, it makes people to be independent. Masaya mag isa, pero naroon ang thought na nakakatakot rin.
"Yva, tapos kana sa argumentative essay?" Tanong ni Loreine.
Tumango ako at kinuha ang yellow pad na pinagsulatan ko ng essay. Mema lang 'yan actually, kaya sa tuwing may essay na ipinapagawa, pinapa check ko kila Loreine at Heil. Bukod sa grammar ko, minsan wala na sa topic ang essay ko.
"Partida, ang tino nito ha! May inspirasyon na kasi ano? Nagiging seryoso ka na sa pag aaral ah?"
I rolled my eyes, pahablot kong kinuha ang yellow pad ko kay Loreine at kinurot siya sa tagiliran niya. Echoserang 'to! Makakapasa ba ako sa average requirement ng strand na 'to kung hindi ko inayos pag aaral ko noon?
"Gaga ka! Tinatamad lang ako pero nagtitino ako 'no!"
"Nice joke."
"Tangina mo."
Muli kong iniikot ang mata ko sa kaniya hanggang sa aksidenteng dumapo ang mata ko sa corridor, nakita ko si Eros na nasa labas. May hawak itong libro related sa practical research, pero hindi siya roon nakatingin kundi... sa'kin.
He's poker face remains the same, ngayon ko lang siya nakita naka uniporme. So, totoo nga? Na magkatabi lang kami ng room? Bakit alam niya? Nakikita niya ba ako?
"Omg! Nandiyan na naman si crush!" Hirit ni heil nang makarating ito sa'kin.
"Oh tapos? Sino ba?" Tanong ko sa kaniya, iniayos ang upo ko at inalis nalang ang paningin ko kay Eros.
He's cold but...
"Si Eros nga!"
I nodded. Si Loreine naman ang kinausap ni Heil about sa kalandian niya, well... we're friends. Ganiyan din ako magkwento about sa kalandian kong taglay. That's normal to a teenagers like me, like us.
Kinuha ko nalang ang phone ko sa aking bulsa, lunch break namin at may twenty minutes pang natitira. Biglaan akong napatalon ng bahagya nang may nag notif sa aking phone! Omg! What the fucking hell?
Miko Clark Cruz sent you a friend request.
My lips rose up and formed a smile, mas lalong lumawak iyon nang in-accept ko ang friend request ni kuya Miko, I was about to stalk his account but someone sent a friend request to me.
My smile faded away, my eyebrows started to furrowed. Anong? Bakit niya ako in-add!
Eros Luke Guzman sent you a friend request.
I put my fingers to my lips and I started to tapped it with confusion. Bakit hindi Cruz ang last name ni Eros? Akala ko ba magkapatid sila ni Miko? Iginilid ko ang ulo ko sa sobrang pag iisip. Hindi ko rin tuloy alam kung I aaccept ko siya. Bahala na nga, saka na lang.
"Heil..." I looked at her. "Uhm, ' di ba crush mo si Eros?"
She nodded.
"E'di alam mo kung bakit magkaiba sila ng last name ng kuya niya? Si kuya Miko."
Dahan dahan itong tumango. "Ayon sa chismis, si Eros ay anak ng nanay ni kuya Miko sa ibang lalaki. Guzman ang dinala nitong last name samantalang si Kuya Miko ay Cruz which is 'yung legal husband ni Tita Lalaine na si Tito Ephraim."
Inilapit ko ang pwesto ko kay Heil, gano'n na rin si Loreine. Chismosa talaga!
"Anong nangyari sa tunay na tatay ni Eros?" I asked.
"Iniwan siya ni tita Lalaine, mas mahal ni tita Lalaine si tito Ephraim. Nadala lang talaga siya ng... tukso."
Miko's mother cheated to his husband. She was tempted to sex with another man even though she loves his husband. But over all, she cheated.
"That was their past, ilang taong pinagsisihin 'yon ni tita Lalaine hanggang sa nagkaayos sila ni tito Ephraim at piniling tanggapin nalang si Eros as one of their sons."
People learned from their mistakes, Too bad, kailangan pa nilang magkamali para matuto.
I nodded. "Kaya pala..."
"Kaya pala ano?" She asked.
I shook my head. "Wala naman, we met once, do'n ko napansin na marami silang pinagkaiba ni kuya Miko."
Dumaan ang araw na 'yon na gano'n pa rin. Nang makalabas ako ng corridor ay nakita kong nakasandal si Eros sa tabi ng pinto namin. Balak ko na sana siyang lagpasan pero nauntog ang baba ko sa ulo ni Heil, ang babaita nakatitig pala kay Eros.
"Putangina." I groaned.
Hinimas ko ang baba ko kung saan ito nauntog. Shutangina, ang malas ko talaga sa mga kaibigan kong pandak, lagi nalang akong nauuntog sa kanila. I pushed Heil, kahit kailan talaga ito lantaran e'. Narinig ko ang hagikgik ni Loreine sa tabi ko.
"Sabay na tayo, naroon ang kuya ko sa inyo."
Napatigil kaming tatlo nang banggitin ni Eros 'yun. I took a deep breath, ramdam ko ang pagtingin sa akin nila Loreine at bulungan ng iba kong kaklase. Hay nako! Dumarami na naman ang kampon ni Marites.
"Ayoko. May pupuntahan pa ako."
"Sasamahan kita."I glared at him. "Eros--"
Napatigil ako nang biglaang umalis si Heil sa harapan ko. I was about to follow her but Loreine grabbed my hand. She looked at me and nodded.
"Ako na bahala, talk to him muna. Masinsinan, baka masira kamo kayo ni Heil dahil sa kaniya."
I swallowed hard. Nilingon ko ang iba kong kaklase, inambahan ko sila dahil nakatitig sila sa amin na para bang walking issue kami ng school, 'yung iba ay namumula pa habang nakatingin kay Eros.
I raised my index finger to him, warning him to stop. "Kapag nasira ang pagkakaibigan namin ni Heil, hindi kita mapapatawad."
"Aren't you scared of me?"
Napabuga ako ng hangin. "Bakit? Math teacher ba kita para matakot ako sa'yo?"
"So? Bakit sa'kin hindi ka kinakabahan? Ba't sa kuya ko, lagi kang kabado?"
Paano niya nalaman ang bagay na 'yon? Aba! Ang tarantadong ito, is he stalking me?!
"Iwasan mo nalang ako Eros, please lang. Lapitan mo nalang ako kung ilalakad mo ako sa kuya mo."
After saying those words, I left. Hindi ako gano'n ka problemado noong nasira kami ng mga nauna kong boyfriend, pero ito? Iniisip ko palang na sinusumpa na ako ni Heil dahil ako ang nilalapitan ng taong gusto niya, parang hindi ko yata kaya.
Sa lahat ng oras, una kong pinipili ang kaibigan ko bukod sa pamilya ko. I love my friends, they are my precious treasures. Masaktan na ako, huwag lang sila.
BINABASA MO ANG
Ineffable Decision (STEMANIANS SERIES 1)
RomanceDamiana Yvaine Douzon, a happy go lucky teenager who always go with the flow, fell in love to his almost perfect brother's guy friend named Miko Clark Cruz, a 19-year-old, civil engineering.