"M-magr-review lang ako, huwag mo 'kong iiwan, huh?" He cupped my cheeks.
Bumuntong hininga ako at tumangong nakayuko. Nakailang buntong hininga rin siya bago halikan ang noo ko, hinantay ko ang ilang yapak niya paalis hanggang sa sinarado nito ang pinto. Iniangat ko ang ulo ko at napatitig sa pintuan, nagkaroon ng bara ang lalamunan ko nang tumagal ang pagtitig ko roon.
Nanikip ang dibdib ko. Hindi ko siya yata kayang iwan, pero sa tuwing nasa tabi niya ako, nasasaktan ko siya nang hindi ko sinasadya. Kung ang pananatili ko ang makakasakit sa kaniya, aalis ako. Aalis lang ako sa tabi niya pero hindi ko siya iiwan hangga't kaya ko pa.
Pinunasan ko ang ilang luhang nag unahan sa pagtulo na nasa pisngi ko. I cleared my throat.
Tumayo ako mula sa dulo ng kama, at lumuhod para kunin sa ilalim ang kagabing inimpake kong mga damit. Mahigpit ang hawak ko sa strap ng bag nang bumigat ang dibdib ko, nagpakawala na lamang ako ng ilang buntong hininga.
Hinubad ko ang sweater ko at pajama para mailabas ang tunay kong suot. Nagbihis na rin ako mula pa kagabi para kapag umalis siya ay saktong aalis na rin ako dito.
Naka simpleng fitted shirt lang ako at black jeans. Tinanggal ko mula sa pagkaka ipit ang buhok ko. I walked towards our full mirror, tinignan ko ang sarili ko mula sa salamin. I took a deep breath and smiled through the mirror.
Ginawa ko iyon habang tinitignan ang kabuuan ko. Doon kong napagtanto na kahit maayos at walang pinagbago 'yung anyo ko, iba na ako. 'Yung mismong ako, hindi ko na kilala ang sarili ko. Gusto ko nalang bumalik sa dating ako, walang iniisip, masaya lang, walang tinatago, walang problema.
I pursed my lips, kinuha ko ang bag ko. Naglakad ako papunta sa pinto, nang hawakan ko ang doorknob ay tinignan ko ang kabuuan ng condo. Mula sa sofa, sa kusina, sa kwarto. Nakita ko roon ang ilang scenario na madalas naming gawin noon.
"T-teka! Naghuhugas nga ako ng pinggan, landi mo!" Tawa ko, pero alam kong pilit 'yon.
Nakita ko ang pagsiksik ni Miko sa leeg ko habang natatawa naman ako. "Kaya nga kita nilalandi, para 'di mo 'ko iwan."
Nakagat ko ang labi ko, tumingin naman ako sa sofa. Nakita ko ang sarili ko roon na kumakain ng fishball habang nakalagay ang ulo ko sa balikat ni Miko. He's busy watching while playing my other hand.
"Sa tingin mo, mapapagod 'yung babaeng nasa palabas?" He asked.
Nakita ko ang sarili ko kung paano ako napatigil mula sa pagkain.
"Lahat dumadaan sa pagkapagod."
"Pero hindi lahat p'wedeng iwan." Namamaos nitong sambit at hinigpitan ang pagkapit sa kamay ko.
Ibinalik ko ang tingin ko sa kusina, bago tumingin sa sofa. My tears pooled as I saw the scenario when everything started to change. Sa bawat sulok dito ay magkasama kami, pero ang nakikita ko ngayon, ibang iba na.
Ito 'yung ganap noong nakaraang gabi. Naghuhugas ako ng pinggan habang siya ay nasa sofa, nakayuko at bumubuntong hininga. Doon palang, alam kong hindi lang ako ang pagod, siya rin pagod na.
Napapagod na siyang magpahinga sa'kin.
I swallowed hard before twisting the door knob. Tuluyang tumulo ang luha ko nang makalabas ako roon. Hirap na hirap sa'kin ang maglakad palayo, mabigat ang bawat hakbang na ginagawa ko. Pinipigilan ako ng puso kong umalis.
Magpapahinga lang naman ako.
Hindi rin nagtagal ay nakauwi ako sa bahay namin, natagpuan ko sa sala si Dy na gumagawa ng assignment niya. Nakaawang ng bahagya ang bibig nito nang makita niya ako.
BINABASA MO ANG
Ineffable Decision (STEMANIANS SERIES 1)
RomanceDamiana Yvaine Douzon, a happy go lucky teenager who always go with the flow, fell in love to his almost perfect brother's guy friend named Miko Clark Cruz, a 19-year-old, civil engineering.