Chapter 4

7K 215 19
                                    

"What the... anong ginagawa mo dito?" gulat na tanong ko kay Sir Adam nang maabutan ko siyang nakasandal sa pader sa labas ng pool area pagkatapos ng aming practice.

"Boyfriend duties." nakangisi nitong sagot.

I rolled my eyes. "Wala ka talagang kinakatakutan no? Paano kung may makakita sa atin dito?" iritadong sabi ko habang lumilinga sa paligid namin.

"Don't worry hinintay ko munang makaalis mga teammdates mo bago ako pumunta rito, I know na ikaw palaging nahuhuling lumabas."

"Stalker, pero kahit na baka may makakita pa rin sa'yo!  Halika na nga!" sabay hila ko sa kanya para makaalis na kami doon.

"Ipapaalala ko lang sa'yo na boyfriend kita sa labas ng school pero sa loob hindi." sabi ko nang ihatid niya ako sa labas kung saan nakapark ang big bike ko.

"So dito pwede na?" lumingon agad ko sa kanya atsaka siya mahinang hinampas nitong hawak kong helmet.

"Hindi. Kapag sinabi ko lang." sagot ko bago isinuot ang helmet ko atsaka sumakay sa big bike ko.

Nang makasakay ako ay muli akong lumingon sa kanya.

"This Sunday." sabi ko bago pinaharurot paalis ang sasakyan ko.

Kasalukuyan akong nagpapahinga sa kwarto ko nang biglang makareceive ako ng isang text. Pagtingin ko roon ay galing iyon kay Sir Adam.

From: A

So, where will be our first date?

I told him to use other number kasi alam ng buong block yung number niya, ayoko namang mahuli kami dahil dito. Nag-iingat lang.

To: A
I don't know. Ikaw na bahala. Just don't choose a fine dining restaurant kasi ayoko dun.

Ayoko kasi sa mga place na masiyadong romantic ang dating.

From: A
Okay.

Hindi na ako nagreply sa text niya at natulog nalang.

Dumaan ang mga araw na halos aral at practice lang naman ang ginawa ko pwera lang at ganun pa rin ang mga tinginan ng mga students sa akin.

Dumating ang araw ng linggo. Sinabi ni Sir Adam na susunduin niya raw ako pero hindi ako pumayag. Kaso hindi rin ito pumayag na hindi ako magpasundo dahil malayo daw ang pupuntahan namin at ang ending susunduin niya ako.

Kanina pa ako pabalik-balik sa closet ko at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapili ng susuotin ko para sa date namin mamaya ni Sir Adam.

"This one or this one?" tanong ko sa ka-videocall kong si LA habang hawak ang isang itim na dress at itim na shirt.

"I still choose the short pink dress earlier." I immediately rolled my eyes.

"You're just bias." sabi ko. Iyon kasi ang christmas gift niya sa akin dahil never akong nagsusuot ng pink.

"Hindi kaya! Mas bagay mo talaga yun." napatingin akong muli dun sa pink dress na nasa kama ko.

Mabilis akong umiling at nagpatuloy nalang sa paghahanap ng iba pang masusuot pero makalipas ang ilang minuto, heto ako ngayon  sa harap ng salamin, nag-aayos habang suot-suot na ang pink dress na pinagpipilitan sa akin ni LA.

Nilugay ko nalang ang buhok ko na ngayon ay hanggang balikat ko na at saka naglagay ng light make up sa mukha pagkatapos ay sinuot ko na ang white sneakers ko.

Hindi naman nagtagal ay tumawag na sa akin si Sir Adam at sinabing nasa baba na raw siya.

"I told you pwede naman akong pumun-" sumakay ako sa kotse niya pero natigilan ako sa pagsasalita nang makaharap ko siya.

Badass Swimmer (Sporty Princess #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon