Chapter 7

6K 167 47
                                    

So awkward.

Hinintay niya talaga akong magising para sabay kaming mag-almusal. Siya na yung nagluto dahil siya ang unang nagising sa aming dalawa.

Tahimik lamang itong kumakain sa harap ko habang ako ay kanina pa hiyang-hiya dahil ngayon lang nagsink in lahat ng pinaggagagawa namin kagabi bago dumating ang mga magulang ko.

"Ang bagal mong kumain." napaangat ako ng tingin sa kanya nang punahin niya ang pagkain ko.

"Wala may iniisip lang kasi ako." palusot ko.

"What about last night ba?" agad akong nabilaukan pagkasabi niya kun. Mabilis naman niyang inabot ang isang baso ng tubig sa akin. Bibig nito walang preno.

Pero dahil ayokong lamunin ako ng kahihiyan ay matapang akong sumagot ng 'Oo".

Napangisi naman ito bago lumapit sa akin at umupo sa tabi ko.

"Why? You regret it?"

"Hindi naman tayo eh." sabi ko.

"Hmm.. Then I'll court you." mabuti nalang at di pa ako nakakasubo sa kinakain ko kundi mabibilaukan na naman ako.

"Bakit may gusto ka ba sa akin?" matapang kong taning sa kanya.

Imbes na sumagot ito ay muli nitong inilapit ang mukha nito sa akin hanggang sa patakan ako ng magaang halik sa mga labi.

"Matagal na."

Hindi ko alam kung tama ba ang pagkakarinig ko dahil saktong nagsalita ito ay tumunog ang phone ko.

"Answer it." sabi nito nang muli ko siyang lingunin para sana ipaulit ang sahot nito kanina.

Wala akong choice kundi sagutin yung tawag ni coach. Sinabi nito na iguide ko daw mamaya si Carina dahil mamaya magsisimula ang practice nito bilang parte na ng aming swimming team.

"Hi!" bati ni Carina sa akin pagdating ko sa locker room.

Ngumiti ako sa kanya pero agad iyon nawala nang fumating ang ilan pa sa aming mga teammates.

"Oh? first practice mo ngayon Carina? Good luck!" sabi ng isa.

"Sana di ka ipahamak ni Bella." kunwaring bulong nila kay Carina pero alam ko namang sinasadya nila iyon na iparinig sa akin.

I rolled my eyes and just continued fixing my things pagkatapos ay nauna na akong lumabas.

"Hindi naman siguro, alam kong mabait si ate Bella, kasi kung hindi baka matagal na niyang iniwan itong team dahil sa inyo." napahinto ako sa paglalakad sa narinig kong sumbat ni Carina sa mga teammates namin.

"Anong sabi mo?!"

"Huh? Meron ba? Ang sabi ko lang naman lahat kayo mababait, yung iba imagination nga lang." sabi nito at tuluyan na ring lumabas.

"Tara ate Bella!" ngumiti ako sa kanya bago kami tumungo sa pool area.

Nagsimula agad itong magstretching. Ganun din ang ginawa ko kahit hindi naman ako lalangoy.

"Ate Bella, ganun ba talaga mga teammates mo? Ang yayabang at ang sasama ng mga ugali." wika nito habang patuloy sa pag-stretching.

"I don't know. I don't have any idea about their personalities cause I don't usually talk to them." sagot ko.

"Bakit?"

"No more talking just focus on stretching." sabi ko.

"Okay lang naman po, pero ate Bella last playing year mo na ngayon di ba? Balak ko sana na kung ako man ang mapili sa atin, hindi muna ako sasali sa competition para sa'yo."

Badass Swimmer (Sporty Princess #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon