Chapter 9

5.8K 149 13
                                    

"Ate Bella bakit hindi ka sumali sa amin para sa presentation ng team sa Foundation Day?" tanong sa akin ni Carina nang maabutan niya ako sa locker room.

"Not my thing." sagot ko lamang.

"Ganyan talaga ang mga feeling captain, masyadong pa-VIP." sabat ni Kourtney, isa sa mga teammate namin.

"I heard nagdecide si coach na huwag ng pumili ng team captain ngayon. Akala talaga namin pipiliin itong si Bella pero hindi pala." natatawa nitong sinabi. "I bet umasa ka rin that time?" dugtong nito na may halong pang-aasar.

Hindi ko na sana papansin ito pero masyado ng matabil ang bunganga nito at kung anu-anong fake news na ang sinasabi.

"I rejected it." sagot ko bago humarap kay Kourtney. "Coach asked me last year to be the new captain but I declined. So now tell me, where did you get that info? Chismis lang? My God Kourtney, you're a future journalist but you're spreading fake news!" I smirked on the last psrt and I heard Carina laugh so hard.

"Tsk!" yun lang ang nasabi ni Kourtney at saka nag-walkout. Dali-dali namang lumapit si Carina sa akin.

"Ate Bella, tatahi-tahimik ka pero kapag nagsalita ka na pala walang preno na bibig mo."

I rolled my eyes. "I'm just annoyed. Dalian mo na diyan at magpa-practice na tayo."

"Yes Captain!" inirapan ko lang ito pero nalangiti lang ito sa akin.

"Next week na yung Foundation Day, manonood ka ba captain?" tanong ni Carina sa akin nang papalabas na kami ng school. Kakatapos lang ng aming practice.

"Hindi ako mahilig eh and don't call me captain." sagot ko.

"Bagay mo kaya tsaka mas magandang maging captain ka na lang ate Bella para irespeto ka na nung mga teammates natin. Ang babastos nila eh."

"Hayaan mo sila, as long as di nila ipapahamak ang team ."

"Hay nako ikaw nga taga-buhat ng team." nagtatakang napatingin ako sa kanya.

"Oops! Sinearch ko kasi yung past records niyo." paliwanag agad nito.

Huminga na lang ako ng malalim hindi na pinansin ang mga sasabihin pa ni Carina.

"What's with the long sigh? Pangatlo mo na yan ngayon." sabi ni Adam na ngayon ay nandito na naman sa condo ko. Akala siguro niya always siyang welcome dito.

"What if tinanggap ko yung offer ni coach na maging team captain ako?"

"Hmm?"

"Sa tingin mo kaya ko ba?"

"Anong kaya ba ang tinutukoy mo?" tanong naman nito pabalik.

Hindi ko naman na ito sinagot. Iniisip ko kasi kung naging captain ba ako hindi na ganun ang magiging trato ng mga teammates ko sa akin? Kakatakutan kaya nila ako o mas lalo lang nila akong babastusin?

"Next week. Manonood ka ba ng Foundation Day?" tanong ni Adam sa akin. Umupo na ito sa tabi ko at dahil patagilid akong nakaupo habang nakataas ang mga paa ko sa sofa ay bigla ko na lang siyang sinipa.

"What the hell?!" gulat na saad nito. Hindi inaasahan ang pagsipa ko sa kanya.

"Namimihasa ka na sa pagtabi sa akin, dun ka sa dulo." sabi ko kasi naman kapag ang lapit nito sa akin kaunting titigan lang namin gusto ko na siyang halikan...

"Ang sakit nun ha. Magiging battered boyfriend na ba ako?."

"Oo kaya lumayo ka sa akin." sagot ko.

Badass Swimmer (Sporty Princess #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon